Bilang tinamaan ako ng writer’s block at sunod-sunod na problema, ninais ko munang magpasalamat sa mga taong naging malapit sa puso ko:
Para sa mga taong patuloy na bumabasa sa gawa kong akda, maraming salamat! Isa kayo sa mga dahilan kung bakit patuloy kong pinipiga ang aking imahinasyon nang mga eksenang kalibugan. Nawa ay patuloy kayong sumuporta.
Sa mga idolo ko na nagcomment sa unang akda ko, labis nyo akong binigyan ng lakas ng loob na ituloy ang nasimulan. Salamat sa suporta.
Para sa mga naging kaibigan ko rito, Kuya Barney, Pinsans bMs at Noyski : Ang mga kulitan nyo sa akda ko ay nagbubuhat ng ngiti sa aking mga labi. Nakakatuwang isipin na may papansin sa akda ko. At magbigay ng atensyon sa mga ito ay mas lalo pa. Ipagpatuloy naten ang kabaliwan, k?
kay Ate Kathy, hindi ko alam. pero una pa lang, nakuha mo na atensyon ko. Hindi man tayo ganung kaclose, sana malaman mo na ako ay humahanga sa’yo nang bongga.
At kay Nash, salamat sa araw-araw na PM. Sa araw-araw na pakikinig sa mga sumbong ko sa mundo. Sa pagpapangiti sakin pag bwisit na ako sa buhay ko. Salamat. Itinuturing kitang besty. More than just virtual fried. Imy, babe.
Konting araw pa, magpapatuloy na ulit ako sa aking Chinita Chronicles. Konting hintay pa. Gracias!