Beautiful Stranger (pt. 2)

Author Name: Mad.Pencil | Source: pinoyliterotica.com

I was left dumbfounded. Hala, ano kayang problema nun?

Saglit din akong napatulala. Nagtataka talaga ako sa kinikilos ng lalakeng ‘to. OO, antipatiko sya. Nakakainis, sobrang yabang pero parang may isang pwersa na humihila sa’kin palapit sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang kwento sa likod ng nakakunot na noo at salubong nyang kilay.

Nagpasya akong magligpit ng pinagkainan. Pagkatapos maghugas ng mga plato ay hinanap ko kung nasaan si Manong. Nakita ko yasng nakaupos sa may terrace, umiinom ng alak. Mukhang malalalim ang iniisip.

“Umm, excuse me. Sa’an yung bathroom, gusto kong mag shower eh..”, I know, ang lame ng banat ko. He looked at me with and odd expression, as if I said something stupid. Then it hit me. Oo nga naman, nasa bundok kami, pa’no magkakaroon ng shower? Lame nga talaga Elise! “Ahh…. sige…. goodnight na lang.”

“That door on the right, that’s the bedroom. You can stay there, just don’t touch anything.  And don’t forget to lock the door…”, he’s very cold.

Umalis na ako, baka ibato pa sakin yung baso eh. Pagkapasok ko sa room, napaupo agad ako sa kama. Sobrang pagod ko. I picked up my bag to get some clothes. And then I saw that my camera was broken. Basag yung lens. Hala, ilang buwang kong pinaipunan to. I checked my phone, dead batt. Walang silbi yung charger na dala ko. Hay… ang malas talaga.

Pagkapalit ng damit, nahiga agad ako sa kama. Dahil siguro sa sobrang pagod, nakatulog ako agad.

Nasa tabi ako ng waterfalls, nilalaro ang tubig na umaagos ng mga paa ko. I decided to take a swim. “Hon, be carefull. Medyo malalim dyan.”, hindi ko mamukhaan kung sino ang nagsasalita pero familliar ang boses.

“Ney, lika na. Ang sarap ng tubig oh……”, then naramdaman ko na wala ng bato na maapakan. Ahhh!…..Ahhhhh..urgh…..gasp!…help….ney….nalu…urhgggghh… gasp! lunod ako…help… ney….plea…plese….”,unti-unting lumalabo ang paligid ko. Hirap akong huminga. Gusto kong umahon. Pilit kong kinakampay ang mga paa at kamay ko pero lalo lang akong nahuhulog…. palalim ng palamim… Huling hininga, naramdaman kong nanikip ang dibdib ko. At tuluyan ng dumilim ang paligid ko.

“Gasp! Hah…..hahhhhh…..”, panaginip lang pala. Natakot talaga ako. Totoong totoo ang pakiramdam. Pawis na pawis ako. Doon ko na lang namalayan na umaga na pala. Medyo nagtaka pa ako kung nasaan ako. Naalala ko, naligaw nga pala ako, nakitulog ako sa bahay g antipatikong lalake… teka, nasaan kaya sya?

I went outside. Nakita ko syang nakatayo sa gilid ng falls. Parang mamalim na naman ang iniisip. Meron talagang something sa taong to. Sobrang misteryoso nya. Yung mata nya…. kahit masungit… sa tuwing tumitingin ako, may bakas ng lungkot…. no not just sadness but pain, deep pain… Napabuntong hininga na lang ako. Hmp! bahala ka nga, kung ayaw mo akong kausap sige, mapanis sana ang laway mo!

Nagpunta ako sa kitchen, gutom na ako eh (matakaw talaga?).  Nakita ko na may nakahandang pagkain. Tapos meron ding isang basong tubig at ilang pirasong gamot. May note din sa tabi “Eat well then take your pain killers.”. Napangiti ako, sweet din naman pala to kahit papano.

After a hearty meal, I decided to explore the house. Nagpunta ako sa sala. Napansin ko agad ang mga paintings sa wall. Then nakita ko ulit yung isang part na puro painting materials. May mga canvass, paintbrushes at paints na nagkalat. “Ano ba yan, di man lang marunong maglinis.”, nagumpisa akong maglinis ng mga kala. Sa isang sulok napansin ko na may isang canvass na natatakpan ng puting tela. Hindi ko alam pero parang may nagtulak sakin na tingnan ang painting. Pagtanggal ko ng tela, namangha ako sa nakita ko. Painting sya ng isang babae. Nakahubad, natatakpan lang ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan nya. Ang ganda ng pagkakapinta. Tapos ang nagulat ako. “Gosh, kamukha ko sya. Hindi eksakto pero magkahawig ang mata namin at ngiti… sa ibaba ng painting may nakasulat na pangalan, “Eliza”.

My hand is trembling while I’m tracing the painting with my fingers. Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Bakit kami magkamukha? I was about to put back the cover when I felt a strong pressure on my wrist. I turned around and saw Daven. I saw his eyes…. they’re burning with anger. Parang mahihimatay ako sa takot……

*************Mad.Pencil*****************

-Pasensya na po kung medyo boring at wala ang  “action”. Gusto ko kasi munang itimpla ng maayos. Ayoko yung banatan agad (heheh ^_^). Please feel free to leave your comments and suggestions. Kailangan ko po yun para mas mapagbuti ko pa.