Beautiful Stranger

Author Name: Mad.Pencil | Source: pinoyliterotica.com

I don’t know how long I’ve been walking this path. My legs are starting ache. Hay! bakit ba naman kasi nagpaiwan pa ko sa mga kasama ko. Di ako familiar sa bundok na’to. Yung dala kong mapa wala namang silbi… di ako marunong magbasa eh…. ^_^
After long hours of hiking, may narinig ako sa di kalayuan. Waterfalls…. Napatakbo ako sa pinaggagalingan ng tunog. Sobrang tuwa ko nang makarating ako. Wala ng arte, I dropped to the ground and drank my heart out. Grabe, sobrang uhaw ko. Naalala ko, di man lang pala kasi ako nakapagdala ng tubig. Hay, nawawala na ako. Medyo hapon na, maya-maya aabutan na ako ng gabi. Saan ako mag stay? Wala akong dalang tent, walang food. DLSR at phone lang ang nadala ko pati na pala ilang pirasong damit. Hay! Ano ba Elise, ang laking engot mo talaga.
Nagpalinga-linga ako  sa paligid. Nagbabakasakali na may makitang bahay o kahit anong pwedeng pagpalipasan ng gabi. Then may nakita kong bahay sa di kalayuan. Yey! Halos mapatalon ako sa tuwa. Pinuntahan ko agad ang bahay.
“Tao po….. may tao po ba dyan….”, parang nagdalawang isip ako pagkatapos kong tumawag. Pa’no kong masamang tao ang nakatira dito? Naku wag naman po sana.
“Hey, sino ka?”, hindi ko namalayan ang lalakeng nakatayo sa harap ko. Sa tingin ko nasa early 30′s na sya. Medyo matangkad at moreno. Kaso nakakunot ang kilay nya. “Uy, kinakausap ka. Bingi ka ba?”
Aba! Antipatikong to! Kung hindi lang ako nangangalingan, baka sinugod na kita! “Ah… nawawala kasi ako… baka pwedeng manghingi ng tulong…”, I gave my sweetest smile.
Lalong kumunot ang noo nya. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Hindi naman sya mukhang manyakis pero nakaka asiwa talaga ang tingin nya.
“Bakit ka naman nawala?”, bakit kaya ang sungit ng manong na ‘to?
“Ah… naiwan kasi kao ng mga kasama ko. Di ko na sila nahabol…”
“Wala ka bang map? Hindi mo man lang inalam muna ‘tong lugar? Kung aakyat ka ng bundok dapat alamin mo muna ang route., wag kang magpaiwan at higit sa lahat tandaan mo kung saan ka naggaling para alam mo kung paano umuwi.”
“Aba teka, tulong po ang kailangan ko at hindi sermon. Daig mo pa ang daddy ko ah! Kung ayaw mo tumulong sige fine! Salamat na lang!”
“Ok….:, sabi na sabay pasok sa loob ng bahay.
Aba! Hindi gumana ang charm ko. Kumulo talaga ang dugo ko. “Hoy! Manong lumabas ka dyan!”
Sumilip sya sa pinto, nakataas ang kilay.
“Ang salbahe mo!….. Antipatiko!…….Ungentle!… Barbaric!…….Arrrgggghhh! Panget!”
Dinampot ko ang bag ko at mabilis na tumalikod. Narinig ko syang sumigaw ng “Hey, wait!”. Pero hindi ko na nagawang lumingon pabalik. I got out of balance. Medyo pababa pala yung terrain. Huli na bago pa ako nakapag react. Naramdaman ko na lang na gumugulong na ako. Hilong hilo ako. Feeling ko nabasag yung bungo ko. Pumukit muna ako para makarecover. Pagdilat ko nakita ko na naman ang pamilyar na mukha. Si Manong, as usual, nakakunot pa rin ang noo.
“Tsk, tsk, tsk…. di kasi nakikinig eh.”, inabot nya nag kamay nya.
Pero syempre inis pa rin ako kaya tinabig ko yon. I tried to stand up but I felt a sharp pain around my ankle. Napangiwi ako nat napaupo bigla.
“Wag ka nang magmalaki, halatang di mo kaya. Sige, iiwan kita rito. Marami pa namang ahas na lumalabas dito pag gabi.”, tatalikod na sana sya.
“Wait! Sige na, patulong naman oh.”, naku! Kailangan kong kainin ang pride ko.
Inabot nya nag kamay ko at pagkatapos ay inalalayan ako papunta sa bahay.
Pinaupo nya ako sa mini terrace. “Dyan ka lang, kukuha lang ako ng gamot para sa sugat mo.”
Napansin ko na puro gasgas pala ang tuhod at hita ko. Meron din akong cut sa kaliwang braso ko. Nakapa ko rin pa parang may bukol ako sa noo.
Saglit lang at bumalik na sya. May dala syang tray na may isang basong tubig, small basin at towel. Meron din syang dalang  first aid kit. Mabilis syang kumilos, binasa ang towel at inabot sakin.
“Lagay mo sa noo mo para umimpis yang bukol.” , hindi man lang sya tumingin sa’kin.
Lumuhod sya para i-check ang right ankle ko. Napangiwi ako nang tanggalin nya ang sapatos ko. Nakita ko na namamaga nga sya. Napailing sya habang binabalutan ng benda ang paa ko. Dito ko napansin na gwapo naman pala si Manong.  Matangos ang ilong, maganda ang mata, pero napansin ko talga ang lips nya. Parang ang sarap i-kiss… Naisip ko, “Kung hindi ka lang antipatiko,ok lang kahit  pagsamantalahan mo ako…hihih,,,” (Sige na, ako na malandi. Ako na makati. ^_^). Tapos naglabas sya ng cotton at nilagyan ng alcohol. “Oh, linisin mo yang scratches mo. Lagyan mo rin ng gauze yang cut mo sa braso. Take this medicine, pain killer yan. Kaya mo na siguro, malaki ka na.”, mabilis syang tumayo at pumasok sa loob. Antipatiko talaga!
Saktong tapos na akong maglinis ng sugat ko nang bumalik sya. “You hungry? Kain tayo”, di man lang ako niyaya na pumasok? Hay, dahil gutom na ako, kinapalan ko na ang mukha ko. Pumasok ako sa loob. Hindi gaanong kalakihan ang bahay. Puro gawa sa kahoy ang furnitures. Sa isang part napansin ko na may mga painting materials na nakakalat. Sa kanan naman ay may nakasaradong pinto. May isang pinto rin sa kaliwang part ng bahay, tingin ko yun na yung kitchen. Dahan-dahan akong naglakad. Pagbungad ko pa lang sa pinto, naamoy ko na agad ang aroma ng bagong lutong pagkain. Lalo tuloy akong nagutom.
“Sige, kain na”, di man lang sya nag taas ng paningin. Ewan ko pero feeling ko iniiwasan nya akong matingnan.
Tahimik kaming kumain. Nakakabagot, kaya nagpasya akogn basagin ang katahimikan.
“Ah, pwedeng magtanong?”
“Nagtatanong ka na.”
“Ah I mean, magtatanong ulit. Bakit ba parang ayaw mo akong tingnan, feeling ko umiiwas ka sakin.”
“Wala ka nang pakialam dun. Kumain ka na lang.”
Aba, grabe talaga sya! Ang hard nya sakin.. Huhuhuh….
Ilang sagilit na katahimikan.
“:So, ano namang pumasok sa isip mo at nagpunta ka dito?”
“Ah.. mahabang kwento. Pero to make the story short, nag break kami ng bf ko….”
“And then you decided to go on hiking?”
“Gusto ko kasing magpaalis ng sama ng loob..”
“Without even preparing? Anong klase naman yun?! Youngsters nowadays tend to act rashly over simple matters…ni hindi ka man lang yata nagpaalam sa magulang mo, hah. nene?”
“Excuse me Manong….”
“Daven.”
“Fine! Manong Daven, just so you know, 24 years old na ako. At isa pa, hinid ganon ka simple ang nangyari sakin. That jerk broke up with me because of my cousin. Ang sakit nun! Hindi ka pa yata nawawalan kaya ka ganyan eh. At isa pa, hindi nene ang pangalan ko. My name is Elise….”
BLAG!
I nearly jumped out of my seat when he slammed his fist on the table.
“What… what’s your name again?…..”, he’s breathing heavily.
“E….Elise…”
“No… this is not happening…no… ahhh! Shit!”, he stood up and walked briskly towards the door.
I was left dumbfounded. Hala, ano kayang problema nun?
********************Mad.Pencil**********************
-Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa lahat ng bumasa at nag iwan ng comments at votes sa previous posts ko.
This story is written in a woman’s perspective. I always find them (women) very amusing. Minsan sobrang sweet, akala mo pusang naglalambing pero maya-maya parang dragon na bagong gising. Sobrang hirap sabayan ng liko ng isip nila. Kaya masasabi ko malaking challenge to para sakin.
Actually, matagal ko na tong gustong gawin. Gusto ko rin kasing i-imrpove ang skills ko sa pagsusulat.  Sa mga magbabasa, please feel free to rate. Comments and suggestions are very much appreciated. I’ll have the second part posted right away.
-Mad.Pencil