Bawal na Tag-araw – Epilogue

Author Name: ultraelectrocute | Source: pinoyliterotica.com

Ilang linggo akong hindi pumunta kina Candy pagkatapos ng nangyari.  Kahit lumalabas kami ay inihahatid ko na lang sya sa gate nila o minsan ay sa labas ng subdivision.  Nag-dahilan na lang ako na maraming na-assign na estudyante sa akin kaya kailangan ko palaging umalis ng maaga kinabukasan.  Kinausap ko rin ang secretary ng agency na mag-assign ng ibang tutor para kay Camryn upang mas mailayo ko pa ang sarili ko sa pamilya.  Pinilit kong mag-aktong normal kapag magkasama kami subalit alam ko pa rin na makakahalata ang GF ko.

Nagsimula ang pasukan at mas lalo akong nagkaroon ng rason upang hindi pumunta kina Candy.  Ngunit isang Sabado ng umaga ay nagulat na lang ako nang mag-text ito at nagsabing magkita kami sa The Fort upang makapag-usap.  Pagkatapos ng dalawang oras ay nakarating ako sa Starbucks, nandun na rin si Candy at nakabili na ng drinks para sa aming dalawa.

‘Fran, sorry for this very urgent meet-up,’ bungad nito.

‘Ano ka ba?  Ok lang, kelan pa ba ko naka-hindi sa yo?  Tsaka hindi rin naman ito ang first time,’ sabay halik ko kay Candy at upo sa bakanteng silya.  Sa loob-loob ko ay halos sumabog ang dibdib ko sa kaba, habang sa labas ay nagpapanggap akong kalmado.

‘Well…  I have a few things to tell you…  and something to ask you…’

‘Sige sabihin mo lang at baka makatulong ako.’

‘Thanks Fran.  Anyway, I think you’ve noticed that I’ve been very demanding lately.’  Sa puntong ito ay medyo natigilan ako.  Sa pagpipilit ko na umiwas sa kanya at sa pamilya nila ay hindi ko namalayan ang ganitong pagbabago kay Candy.  Mas lalo akong na-guilty dahil tila naging selfish ako sa pag-iisip lang ng emotions ko habang ini-ignore sa pangangailangan nya sa akin.

‘Hmm, medyo depressed kase ako…  ang pamilya…  well…  Mom and Dad already separated.’

‘Ha?  Kelan pa?  Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?   Sorry kase sobrang busy ko lately…’  Kahit na inaasahan ko na, nabigla pa rin ako sa sinabi ni Candy.  Ilang taon na ring nagtiis ang mag-asawa upang sayangin lang ang lahat ng pagod nila.

‘About two weeks ago.  I didn’t tell you kase I wasn’t ready, and I didn’t want to bother you so much.  Dad is staying now sa condo unit namin sa Ortigas.  I believe he’ll get that and my Mom will get our house sa Sucat based sa annulment terms nila.  It should be final in a month or so.’  Napansin ko na nangingilid ang luha nito subalit nagpipilit pa rin maging malakas.

‘I’m sorry Candy…’

‘It’s ok Fran.  Wala naman tayo lahat magagawa.  Good thing it’s over.  Everyone will be at peace now.  We’ll get used to this.  Anyway, there’s one more thing I want to tell you…  er, or ask you’

‘Ano yun?’ tanong ko, kasunod ay tila dalawang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa.

‘Will you…  ah…  marry me?’

‘What?!  Tama ba yung narinig ko?’  Lubhang nagulat ako sa tinanong na ito ni Candy.  Sa edad kong 19 ay wala pa sa isip ko ang mag-asawa dahil na rin sa marami pa akong pangarap sa buhay.  Naipangako ko sa mga magulang ko at sa sarili ko na kung hindi man ako maging professional na basketball player, ay magtutuloy ako ng Masteral at PHD pagkatapos ng kurso ko.  Naniniwala ako na makakakuha ako ng scholarship upang matuloy ang plano kong ito academically.

‘Yeah you heard it right Fran, and I expected your response.  I know we’ve talked about this, but I realized I can’t wait for you to graduate and get a job.’

Hindi na ako nakapagsalita sa sinabing ito ni Candy.  Katulad nya ay nagsimula nang mangilid ang mga luha ko habang nakatingin sa baso ng mainit ng tsokolate sa harapan ko, subalit sa kung anong dahilan ay walang pumapatak ni isa mang butil.  Nagtuloy lang sa pagsasalita si Candy.

‘I mean you’re a great guy.  You’re a very sweet, loving, ambitious, honest and perfect gentleman.  The sex is great and all…  but I’m 28 and will be 29 soon.  When you’re ready na, I will be what?  33?  35?  I’ve tried to ignore this thought for the past several weeks but I realized I need to think about myself.  I’m sorry kase I know this is unfair to you pero bata ka pa, and alam ko na marami pang dadating sa ‘yo…  unlike me.’

‘Is there someone else?’ ang mahina kong tanong.

‘No!  No…  no…  but my college BF is already courting me.  He joined our company about 3 months ago and never stopped trying to win me again.  I’ve never reciprocated because I wanted to talk to you and give you the chance to…  to help me with my dilemma.  Before Mom and Dad separated, naisip ko na I want my own family now.  I want to belong to a peaceful, loving and whole family.’

‘And your ex can give that?’

‘I firmly believe that.  The reason why we separated last time was he wanted me to marry him and I was not ready.  But he never committed to anyone after me.  And now he’s offering the same thing.  After all those years, I can’t believe he still waited for me.’

Nanatili akong nakatingin sa baso habang nakikipag-usap kay Candy.  Unti-unting pumapasok sa sarili ko ang nararamdaman nya at ang bawat dahilan na ibinibigay nya.  Mahal ko si Candy, at walang makapagsasabi sa akin na nagkulang ako sa kanya bilang BF.  Ibinigay ko ang lahat ng magagawa ko upang mapasaya sya at maging kumportable sya sa piling ko.  Hindi naging dahilan ang pag-aaral ko o ang distansya ng mga bahay namin o ang mga edad namin sa pagsisikap ko na maging mabuting kasintahan para kay Candy.

Subalit sa kabilang banda ay naging maka-sarili rin ako at nagtaksil sa kanya at sa pamilya nya.  Hindi ko nakayanan ang aking sarili sa pag-iwas sa kung anumang pagsubok ang inihain sa harapan ko.  Samantalang sya na inaalok ng isang buhay na papangarapin ng kahit sinong babae ay binigyan pa rin ako ng pagkakataon upang bigyan sya ng pag-asa na makakamit ang parehong buhay.  Mahal ko si Candy at handa akong magparaya…

‘I understand Candy…  and I’m letting you go.’

‘Fran, I’m not asking for…’

‘It’s ok Candy.  A few years back, a guy who wanted you to marry him let you go because you were not ready.  Now, I’m letting you go to go back to that guy…  and I love you so much.’  Nagsimulang umiyak si Candy at hinawakan ko naman ang kamay nya.  Naaaninag ko ang mga salitang ‘I’m sorry’ at ‘Thank you’ sa bibig nya kahit walang mga tunog na lumalabas.  Sobrang masakit ang lahat para sa akin pero sa pagkakataong yun ay alam kong tama ang ginawa kong desisyon, para kay Candy at para na rin sa akin.  Sa pagpapalaya ko sa kanya, marahil ay lalaya na rin ako.  Tumayo ako, hinalikan si Candy sa noo at lumabas ng shop…

—————————————-

Pagkatapos ng huling subject ko ay napagpasyahan kong dumaan muna sa Vinzon’s Hall upang makapag-kwek-kwek bago umuwi.  Masaya akong naglakad sa Sunken Garden habang dinarama ang hindi pangkaraniwang malamig na hangin ng Marso.  Hindi pa rin ako makapaniwala na natapos ko na ang limang eventful na taon sa kolehiyo.  Kahit maraming nag-aaya ng inuman ay pinili ko na umuwi mag-isa at umiwas muna sa barkada upang makarating sa bahay ng maaga sa huling araw ng klase.  Hindi na rin muna ko dadalo sa mga events sa college pati na rin sa pre-graduation party ng org namin.

Nagpaluto ako ng 5 kwek-kwek at bumili na rin ng coke bilang panulak.  Habang nakaharap sa Sunken Garden at kumakain ay may biglang tumulak sa likod ko.  Halos nabitawan ko naman ang kinakain ko sabay tingin sa likod.

‘Fran, ang takaw mo naman!  Hihihihi!’

‘Camryn?!  Anong ginagawa mo dito?’

‘Hello?  Earth to Fran?  Eto lang kaya ang college ko.’  Sa sobrang pagkagulat ko ay hindi ko na naisip na sa UP nga rin pala nag-aaral si Camryn at katabi lang ng kinakainan ko ang building nila.

‘Hahahaha!  Ang taray ha?’

‘Hihihihi, joke lang.  Kamusta ka na?  Parang mas lalo kang gumugwapo ah!  Congrats nga rin pala.  Pa-graduate ka na dib a?’

‘Konti lang naman.  Hahahaha!  Thanks ha.  Nakaraos na rin ako hehehe.  Eto nag-merienda lang tapos uuwi na rin.  Long time no see ah.  Ikaw kamusta naman?  Sigurado dami nanliligaw sa’yo dyan sa college nyo.  Kamusta sa bahay nyo?’

‘Si Ate Candy, she got married August last year…’ ang may pag-iingat pang sabi ni Camryn.

‘Really?  Wow!  I’m happy for her.  Paki-kamusta na lang ako sa kanya ha?  For sure, masayang-masaya sya ngayon,’ ang matapat kong reaksyon, kahit may kaunting kurot sa dibdib ko.  Nang maramdaman nya ang saya sa tono ng boses ko ay nagtuloy ito sa pagku-kwento.

‘Si Mommy pumunta na sa Australia kasama si Yaya Jem at Carol after the wedding.  Matagal na rin naman nilang plano na mag-stay dun since before the annulment pa.  I heard Carol is also getting married this June to her BF.  The same guy you met last time.  Me?  I’m staying with Dad now.  Tapusin ko muna studies ko tapos…  hindi ko pa alam.  Hihihihi.’

‘Wow!  Parang ang dami nang nangyari ah.  Tapos two years ago lang tayo last na nagkita.’

‘Oo nga eh.  Until now, ako rin hindi pa makahabol.  But I guess everyone’s fine now.  I enjoy being with Dad din kase.  Mom has always been the more strict one, so I’m having the freedom I never had.  Syempre college na rin kase ako,’ ang nakangiting sabi ni Camryn.  Bakas sa mukha nito ang totoong saya at ang excitement sa pagku-kwento.

‘Buti naman pala at ok naman sa inyo.  Hindi na rin kase kami nakapag-usap ng Ate Candy mo since…  pagkatapos namin maghiwalay.  Anyway, uuwi ka na rin ba?  May sundo ka ba?’

‘Sundo?  Uso ba yun?  Hihihihi!  Sa Ortigas lang naman kami nag-stay so it’s easy for me to go home.  And yes, I’m about to go home na rin…  Why?  You want to ask me for dinner?’

Tumango ako sabay binitbit ang bag ko at doon…  doon nagsimula ang pinakamasasayang yugto ng buhay ko.

-END-