<-
~~~~~~
“Perooo….” bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay tumakbo na siya papalayo.
“When I’m with you I get the shakes,
My body aches when I ain’t
With you I have zero strength…”
“Pauline…” ang pangalan na umalingawngaw sa isipan ko. Kumaripas na siya papalayo ng makita kong…
~~~~~
“PAULINE” paulit-ulit ang pangalan na iyon sa aking tenga. Parang isinisigaw ito sa’kin. Pero…
Nakita ko sa lupa, nalaglag ang kanyang panyo. Dali-dali ko itong pinulot ngunit pagtingala ko ay wala na siya. Nabasa ko ang panyo. Ito pala ang pinapirmahan niya kanina sa akin. Wala na siya sa abot ng aking paningin. Inilagay ko na lang sa bulsa ko ito at -
KRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNGGGGG!!!
“SHIT!” sabi ko sa sarili ko. Halos nakatapat kasi sa tenga ko ang schoolbell. Natulig ako sa ingay. Dagdag pa dito pagka-late sa klase. Kumaripas na ako papunta sa first-period klase ko.
Pagbukas ko ng pinto… same of the new-to-class bullshit. Lahat sila nakatingin sa’kin. Makalipas ng ilang segundo, isa-isang nagsibalikan sa kanilang pinag-uusapan. Tila walang pakialam sa pagdating ko.
“Wala sigurong nanonood ng FlipTop sa mga gagong ‘to,” sabi ko sa sarili ko. Madali akong nakahanap ng upuan kaso… sa may likuran na naman.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin sa wakas ang aming professor. Sakit sa ulo nga naman ‘pag tagal mong nagbakasyon tapos biglang pasok. Di ba? Balik tayo sa storya…
Dumaan ang buong araw. Wala halos akong naintindihan sa mga bago kong subjects haiiyyyy… Di ko alam kung ano una kong isipin, mga lessons na di ko maintindihan o yung upcoming FlipTop Finals? Pwede rin namang…
“Pauline, call me Pauline…”
KRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNGGGGG!!!
As if on cue, nagsitakbuhan na parang mga elementary students ang mga kaklase ko papalabas ng classroom. Nabasag ang pagkatunganga ko. Tumayo na lang ako at naghanda ng bag para lumabas sa classroom.
Peroo…
“Cyrus,” biglang may tumawag sa’kin. Napalingon ako at nakita ang professor namin na kumakaway sa’kin.
“Yes mam?”
“Can I ask you a favor?” tanong niya, si Mam Tanda talaga kahit kelan, ganda ng timing.
Tumindig ang balahibo ko… di ko alam kung sa pagod, kaba o pagkainis.
“Yes naman ma’m!” sagot ko. Pero sa loob-loob ko, “ffffffffffFFFFFFFFFFFFFFFUUUUUUUUUUUUUUUUUUCCCCCCKKKK”
“It’s nothing big naman eh, papadala ko lang sana ‘to sa’yong mga records dun sa Student’s Records Room. Ilagay mo lang dun sa paanan ng pinto basta hindi mababasa kung saka-sakali man umulan. Susunod agad ako, pag nasara ko na ‘tong classroom,”
“Yes Mam!” nakangiti kong sagot, kahit ang kaluob-looban ko ay kumukulo. I swear I hate getting out of the room last, just thinking about it makes me furious, kung lalaslasin mo lalamunan ko ngayon, sisiritan ka ng kumukulong dugo.
Dali-dali kong hinablot ang mga folder. “Shit! Ang bigat! Ano ba laman nito?” Nagmamadali akong naglakad papuntang Records Room. Kahit gusto ko tumakbo, di ko magawa sa bigat ng dalahin ko.
Ikinabit ko na lang ang headset ko sa ulo ko at pinatugtog ang iPod bago tumuloy sa paglalakad.
“You spin my head right round, right round
When you go down, when you go down down…”
Pagkadating ko sa Records Room ay ibinaba ko sa sahig ang aking dala-dala tapos…
BANG!
Naramdaman kong humampas sa mukha ko ang pinto. Natumba ako sa sakit. Kahit papano’y ako’y di tuluyang nagalit dahil lahat ng dala-dala ko’y ligtas sa pagkakalat at pagkasira pero pag tingala ko ay…
“Oh my God! I’m so sorry! Sorry po! Okay ka lang?” blurred pa ang aking paningin pero kilala ko ang boses na ‘yun. Tumayo ako sa’king mga paa at inalalayan ako ng taong ito na tumayo.
“Pauline?” tanong ko. Di ako sigurado kung siya nga yun pero para na ring tumatak sa’kin ang kanyang boses. Hawak-hawak ko pa rin ang noo ko, may bukol ata…
“Sorry, sorry talaga kuya… Teka, f13? Oh my gosh! Kanina pa kita hinahanap eh,” sigaw niya bigla, at biglang yapos sa akin.
“Ako rin eh, you forgot this,” sagot ko at hinila ko mula sa aking bulsa ang kanyang panyo na pinapirmahan sa’kin kanina.
“… Thank you! Thank you talaga! This means a lot,” sabi niya. unti-unti na lumilinaw ang paningin ko. Nakangiti siya. Peroo…
“Teka, ba’t ka nandito sa Records Room? Di ba Off Limits ‘to sa mga studyante?”
“Ahh… eh may pinadala lang sa’kin si Sir namin. Eh ikaw? Ano ginagawa mo dito?”
“Eto, pinadala lang ni Mam ‘tong mga documents. Malay ko kung ano ‘yan.” sagot ko.
“Siya nga pala. Yung promise mo kanina?”
“Alin?”
“You said you’ll take me somewhere?”
“Ha? Wala ah, I just said that we’ll meet later. And nag-meet nga tayo.”
“Hmp! Eto naman, san ka ba nakatira?”
“Dun lang, isang sakay lang ng jeep papuntang bayan.”
“Oh? Malapit lang pala tayo eh. Sabay na ‘tayo.”
“Uhhh sure?”
“Yehey!” sigaw niya. Parang bata ay hinila ako papalabas ng School. Medyo hilo pa ako kaya di masyadong nakapalag.
“Nabigla ako,
Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo
Nang mag-sorry siya at tinanong ako,
Kung okay lang ako
Ang nasagot ko lang… natabig niya ang puso ko…”
Pinara niya ang jeep. Di ako makapagsalita ng diretso. Kahit maglakad nga eh di sigurado. Sumakay kami sa jeep. Halos buong biyahe ay kung anu-ano ang kinukwento niya sa’kin. Pero, di ko alam kung ano nangyayari. Kahit hilong-hilo ako, parang… iba ang nagiging focus ko. Nakatitig lang ako sa kanya halos buong biyahe. Her eyes… her lips and smile. Napaka- sweet at inviting.
“…Ako’y nagtataka, sa’king nadarama
Noong makita siya’y kumislap aking mata
Kahit ligaw tingin, sana’y iyong mapansin…”
“Ay, dito na pala babaan ko…” sambit niya.
“H-ha? Ahh OO! Ako rin pala hahaha… Sabay na tayo,” nakangiti kong sagot.
VRRRRRRROOOOMMM…
Umandar papalayo ang jeep. Hawak-hawak niya ang braso ko. Napatingala ako, WOW. Ang laki ng bahay nila.
“Taga-san ka?” tanong niya sa’kin.
“Ahhh… dun lang. Isang sakay siguro ng tricycle. Pero lalakarin ko na lang.”
“Ha? Eh kala ko dito ka na rin? Uhh I-I mean malapit ka lang dito?”
“Oo, malapit lang nga. Pero bumaba lang ako ng medyo mas malapit para mahatid kita,” sabi ko.
“Oh… ganon? Thank you! The best ka talaga!”
“Sus, di naman.”
“Thank you talaga, onga pala. I really have to go in na.”
“Sige, uwi na rin ako,” sagot ko sabay ngiti.
Tumalikod na siya at binuksan ang gate ng kanilang bahay…
“Uhhh F?”
Napalingon ako sa kanya….
“Mmmppphhh…”
Nang makumpleto koooo… Ang love story ko…”
To be continued…