Bass Thump: Part One – Behind the Turntables

Author Name: f-13 | Source: pinoyliterotica.com

A little something to take the stress off…

Here it goes…

“His palms are sweaty, knees weak, arms are heavy

There’s vomit on his sweater already…”

Tumahimik ang buong bar, lahat ay kinakabahan sa mga susunod na pangyayari. Sa gitna ng bilog ng madla ay nakatayo ang dalawang lalaki. Parehong nakayuko, hindi nagtitinginan sa mata. ISA AKO DOON. Kahit walang salitang binibigkas sa oras na iyon ay halos nakabibingi ang tibok ng puso at bigat ng paghinga ng lahat. Hanggang sa may tumayo sa gitna nilang dalawa at…

Lahat ng mata ay napatingin kay kuya Anygma. Lahat kami ay nag-aabang, sobrang init at pawisan na ako. Kakatapos lang ng laban, paos na halos ako. Uhaw na uhaw.

“Tight fight, yet unanimous decision,” sabi ng kuya Anygma: may mahabang buhok siya at nakasumbrero. May hawak-hawak na bote sa kanyang kamay. Itinaas niya ang kaliwang kamay kung saan nakatitig ang ako at ang aking nakalaban sa kanyang orasan. Hawak-hawak nito ang mic sa kamay at itinapat sa kanyang bibig. Halos lahat ng tao ay magka-krus ang daliri sa likod nila.

“All five votes go to…” dagdag niya. Nagsi-tingalaan ang mga ulong nakayuko, kasama na ang akin. Moment of truth…

“FLIPTOP SEMI’S WINNER 2011! F-ONE-THREE!”

YEEEAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!

Nagsihiwayan ang madla. Nagtalunan. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Bago pa ako makapag-react ay naramdaman kong may bumuhat sa akin. Ang madla na mismo – sa sobrang tuwa ay binuhat at ihinagis ako sa ere.

“Congratulations! You’ll proceed to Finals!” sigaw ng host. Pero alam na namin itong lahat. Naramdaman ko ang alon ng tao na itinulak ako papunta sa may pinto ng bar. Habang tumalikod na lamang ang aking nakalaban at naglakad papalayo. Sa gitna ng madla ay naramdaman ko ang isang malaking balikat kung saan ako ay nakaupo ng may kadalian. Naramdaman kong inilabas ako nito sa bar. Kumaway na lamang ako pabalik sa naiwan niyang tao sa loob. May ilan-ilan na tumakbo at sumunod sa amin.

Pagdating sa parking lot ay ibinaba ako ng matipunong lalaki sa tabi ng pulang kotse. Tanging ilaw na lamang galing sa poste ang sumisinag sa amin.

“Nice job par!” sabi ng matipunong lalaki sabay taas ng kanyang kamao.

“Salamat, di ko rin akalain na mananalo pa ‘ko,” sagot ko. Itinaas ko rin ang kamay ko at binigyan ng madaliang bangga ang kanyang kamay. Sign of brotherhood nga naman. Kuya ko na kung ituring si Denzel, ang aking nakatatandang pinsan at naging parang manager ko na rin. Dati siyang bouncer na naging DJ. Kung wala siya, di ko alam kung saan ako pupulutin.

“Teka, relax ka muna dyan. May kukunin lang ako sa loob tapos umuwi na tayo,” sabi niya. Naglakad siya papalayo at nakalingon pa rin sa akin. Binigyan ko siya ng isang saludo. Dumeretso na rin ang tingin niya.

Pagkapasok niya ulit sa bar ay kinuha ko ang lighter ko sa bulsa. Isang madaliang sindi lamang para mapaluwag ang dibdib – ang paghinga. Tumingala ako, ang ganda ng buwan pati na rin ang mga tala. Wala halos ulap.

Makalipas ng isang sandali…

Flick! Biglang tumalsik ang sigarilyong nasa bibig ko. Nakita ko na lang itong bumagsak sa lupa. Napalingon ako kung sino ang gumawa nito.

“KELAN KA PA NATUTONG MANIGARILYO?!” Si kuya Denzel pala. Galit na galit ang mukha. Di ako makasagot sa gulat at takot.

“Halika na at umuwi na tayo, ‘pag nakita pa kita naninigarilyo. Lagot ka sa’kin!” dugtong niya at sabay hila sa akin papaloob ng kotse. Tahimik niya ako dinala pauwi. Sa loob ng kotse… sobrang pagod ko. Intense fight nga naman. Di ko akalaing mananalo pa ako. Ligaya o pagod? Di ko alam kung alin dapat maramdaman ko. Pero mukhang pagod nga ang mas malakas ang epekto sa akin. Unti-unting nagdilim paningin ko. Pagod, tulog, pahinga tila ang mga salitang umuulit sa aking isipan hanggang sa dahan-dahan akong napa-idlip.

*****

“Pangako kuya ha? WALANG IWANAN!”

“Syempre naman, tayo pa?”

“Alam mo kung ano pangarap ko?”

“Ewan ko, ano naman ‘yun?”

“Gusto ko maging sikat na rapper!”

“Rapper? Lakas din ng tama mo ha?”

*kutos

“Aray!”

“Yan, buti naman gising ka na.”

“Seryoso kasi ako!”

“Weh? Kung ganun man… pano mo gagawin?”

“Ewan basta!”

“May naisip ka na bang pangalan?”

“Hmmm… F13 kaya?”

“HAHAHAHAHAHAHA”

“Makatawa ka ha?”

“TALAGA! F13? Wala ka bang mas creative dyan?”

*****

*”Paano mo gagawin?”

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGG!!!!!!!

Nagising ako sa tunog na ‘yun. Alarm clock ko. Nagising ako sa aking apartment. Nakatingala sa kisame. Napatingin din ako sa alarm clock na kapapatay ko lang. SHIT! LATE NA KOOOOOOOOOO!!!!!

“Just lose it… WA-AH-AH-AH-AH!

Go crazy… WA-AH-AH-AH-AH!”

Tulad ng mga estudyante na ka-edad ko. Na-master ko na nga naman ang “art of cramming.” Di lamang sa pag-aaral pati na rin sa paghahanda sa pagpasok. Kalabugan ang gamit sa apartment ko hanggang sa susunod na segundo ay nakita ko na lang sarili ko na nakasakay sa jeep. May katagalan ang byahe. Iniabot ko na lamang ang bayad ko. Nang makuha ko na ang sukli ay agad kong isinuot ang aking headset at binuksan ang aking iPod Shuffle.

“I’m livin’ life at the fast lane

Movin’ at the speed of Light and I can’t slow down

Only got a gallon in the gas tank

But I’m almost at the finish line so I can’t stop now…”

Makalipas ang ilang minuto – at ilang ulit ng kanta ay napatapat na ako sa unibersidad ko.

Papayuko kong tinahak ang gate. Pagpasok ko ng gate ay…

“You’re f13 right?” isang boses ang nagtanong.

Napatingala ako. Isang babae, kaunti lamang ang pagkaliit sa akin, ang nakatitig sa akin. May yakap na makapal na libro at ilang notebook. Napatango na lamang ako…

“Oh my gosh! I-I’m like, you’re biggest fan!” pagpapatuloy niya.

“Ahhh… Salamat?” ngiti kong sagot(sagot nga ba?).

“C-could you sign this for me?” tanong niya, may inabot siya mula sa kanyang bag pero…

Blag! Nagsibagsakan ang kanyang mga notebook. Dali-dali ko siyang tinulungan pulutin ang mga ito.

Bumaba siya para abutin ang mga gamit niya. Doon ko lang tunay na napansin, kay amo ng kanyang mukha. Di ko talagang iisipin na fan ng hiphop ang babaeng ito. Napasayaw ang aking mga mata sa kanya. Dumayo ang aking paningin sa mata niya. Wow, yun lang ang kaya kong sabihin. Bukod sa iba pa ay ‘yun ang unang-una kong napapansin sa babae. Sumunod ang pangalawang quality na hanap ko sa nagiging crush ko…

Tumayo ako at tuluyang inayos ang mga gamit niya.

“Thank you,” sabay ngiti…

NGITI. Simple pero puno ng buhay; ngiti na pumukaw kaagad sa paningin ko. Huli kong pinulot ang kanyang panyo. Sa aking pagyuko ay hindi lumipas sa aking mga mata ang kanyang katawan. Balingkinitan, nakaka-apoy tingnan. Kinailangan ko pang kalugin ang sarili ko para lang di mapamali sa susunod kong gagawin. Di ko akalaing may susunod pa…

“Thank you! Thank you talaga! Kakahiya naman,” sabi niya sabay pamumula.

“Di’ wala ‘yun,”

JACKPOT! Di ko alam kung bakit, pero may kakaiba sa kanyang personalidad na pumukaw pa lalo sa damdamin ko.

“Uhhhmmm… Pwede pa-autograph dyan?”

“Sure! Pero, saan?”

“Dyan sa panyo ko muna please, wala kasi ako papel ngayon eh…”

“Oh, sure ka ha? Ano gusto mo isulat ko?” sabi ko habang bunot ng nakaw na Smartmatic marker sa aking bulsa.

“Ewan, basta motto mo in life? With dedication to me?”

“What should I address you then?”

“Pauline, call me Pauline…”

“Okay Pauline…” nakangiti kong sagot.

Nanginginig ang kamay ko. Kahit di ito ang pinakaunang autograph na pinirmahan ko. Sadyang may iba talaga sa kanya… Wala akong maisip, isinulat ko na lamang ang gusto niya…

“Take care Pauline, just be yourself…”

-f13-

Shit! Ang tanga ko! Bahala na nga. Naisulat ko na rin…

“Here,” sabay abot ko sa kanya ng panyo.

“Thanks! Could I see you later?”

“Sure!” sagot ko.

“Perooo….” bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay tumakbo na siya papalayo.

“When I’m with you I get the shakes,

My body aches when I ain’t

With you I have zero strength…”

“Pauline…” ang pangalan na umalingawngaw sa isipan ko. Kumaripas na siya papalayo ng makita kong…

To be continued…

~~~~~~

Comments/Suggestions? Or simply asking for advices? Drop me a line:

[email protected]

-f13-

HERE THEY ARE:

(follow me!).

Thanks for reading! Feel free to comment(and/or rate).