IV – Wishful Thing
Nabigla ako sa tagpong ito. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kanyang pagtitig sa akin. Hindi ito yung tipo ng titig para makaramdam ka ng kiliti at mag-init. Ang kanyang mga mata, parang may gustong sabihin sa akin na hindi ko naman talaga mawari.
Unti-unti pa s’yang lumalapit habang nakatitig pa din sa akin. Kitang kita ko na kusang may lumalabas na luha sa kanyang mga mata. Siguro dahil sa araw ng kaarawan n’ya nangyari ang hindi ninuman gugustuhin na maranasan. Tulong ba ang ibig sabihin ng kanyang mga mata? Pangangailangan bang emosyonal o sekswal? Ahhhhh, talagang nakakabaliw ang kanyang mga mata. Kung kanina ay sadyang di ko mapigilan ang pagtaas ng antas ng metro de libog ko eh ngayon ay iba na! Kung kalian pa na kami lang dalawa sa mundong aming ginagalawan sa mga oras na ito. Saka pa naging ganito ang pakiramdam ko. Napakagulo. Umiling ako at napayuko.
Akmang tatalikod ako at lalayo, pero hindi ko na lang namalayan na para akong nahipnotismo ng babaeng napakamisteryosa sa pakiwari ko. Bigla na lamang namalayan ko na lang na nakahilig ang kanyang ulo sa aking dibdib habang nakayuko, at ako naman ay nakayakap sa kanya ng napakahigpit.
“Nathan, I know, I just know that everything is in place right now.” Pabulong n’yang pagsabi kasabay nang pagbalot ng kanyang magkabilang braso sa aking tagiliran.
Magkayakap na kami na tila ay isang tagpo sa tabi ng dagat. Pang-videoke ang dating n gaming eksena.
“Ann, hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit may nararamdaman akong gusto mong sabihin o gawin pero pilit na ikinukubli mo.” Pagkasabi ko nito ay tumingala s’ya at wala pa din sa aming dalawa ang bumibitiw sa pagkakayapos sa isa’t isa.
“Basta, remember this, there are things in this world that seems impossible but it’s always doable. It all depends on the motive and the way things will be laid upon by Him.” Nakatitig s’yang maigi sa akin at sa bawat letrang bumubuo sa mga salitang binigkas n’ya, ramdam ko ang pagkabog nito sa aking buong pagkatao.
“Tama ka, walang imposible, basta totoo, basta gusto, kayang maging isang buhay na misteryo na sadyang nangyari dahil sa halaga ng hangarin nito.” Nagulat ako at parang hindi ako ang nagsasalita sa mga oras na ito. Pero nagmula ang lahat sa bibig ko at dinig ko na ang tono ay mula sa boses ko.
Nahihibang na yata ako sa tagpong ito o talagang nagkakaroon ng ibang kuneksyon ang aming buong pagkatao? Isa na namang tanong na nabuo sa isipan ko mula nang magkita kami hanggang sa mga sandaling ito.
Makaraan ang ilang segundo na pakiramdam ko ay ilang linggong katahimikan at tumigil ang lahat maging ang mga Santo at mga anghel ay parang nasa aming paligid at sadyang nakamasid sa dalawang taong ilang oras pa lamang magkasama ay may ibang uri ng komunikasyong nagagawa sa isa’t isa.
Sa mga oras na ding iyun ay hindi ko na din napigilan at kusa akong umusog nang bahagya at hinawakan ko ang kanyang mukha na parang batang dinarama ang lamig at init nang kanyang buong pagkatao. Unti-unti parang isang tagpo sa napakaraming mga pelikula, inilapit ko nang kaunti ang aking mukha sa kanyang mukha at ang sumunod ay ang unang pagtatagpo ng dalawang mga labi na tila itinakda ng panahon at inilatag nang tadhanang maganap. Kung pelikula lamang siguro ito marahil ay may sasabay pang isang matalas na kidlat sa labas na susundan ng napakalakas na dagundong ng kulog.
Parang nakadikit lamang ako sa kanyang mga labi. Walang gumagalaw maliban sa aming paghinga.
Nang biglang nagsimula na ang malumanay na halik, sa simpleng dampian ng labi sa labi. Unti-unti ay ibinababa ko ang aking labi sa ilalim ng kanyang mga labi sa pagitan ng kanyang baba at labi. Malumanay ang lahat dahil sa mga oras na ito, hindi ko maipaliwanag pero alam ko na ang babaeng kasama ko ay isang taong dapat na pag-ingatan at alagaan ko.
Dinadampian ko lang ng aking labi ang mga bahagi sa palibot ng kanyang bibig.
Napapaliyad ang ulo n’ya sa bawat dampi ng mga labi ko. Sabay ibabalik ko ito sa kanyang mga maninipis na labi at muling dadampian ito ng malumanay na mga halik. Talagang pakiramdam ko ay unti-unti kaming lumulutang sa bawat patak ng kamay ng orasan.
Hanggang sa ililipat ko ang aking halik patungo sa likod ng kanyang mga tenga. Bago pa man makarating duon ang mga labi ko ay idinadampi ko unti-unti ang aking mga labi sa kanyang pisngi. Ginagawa ko ito sa magkabilang tenga n’ya.
Naririnig ko na ang mumunting mga ungol n’ya. “Oooh….Ahhhh…Na—-than, Oooh”. At makalipas ang ilang minuto sa ganoong tagpo ay bumalik akong muli sa paghawak sa kanyang mukha at simpleng halik ang aking ibinigay sa kanyang animo’y nakaabang ng mga labi.
Biglang para akong binuhusan ng malamig na tubig. Dumilat na lamang ako at tinignan kong muli ang mukha na sadyang napakaamo at matang puno ng hindi ko maiplaiwanag na emosyon na may halong tila mga nakatagong letrang pilit na gustong tumagos mula sa kanyang kaluluwa.
Dikit na dikit ang aming mga katawan. Dito naramdaman ko na ang kanyang utong na nakadikit sa t’yan kong panglalake na may taba. Samantalang naramdaman ko din na nakatutok ang aking ari sa kanyang puson.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito kung kaya hinawakan ko s’ya sa kanyang mga braso at sinabing “Don’t worry yourself too much about what happened to you and your bestfriend. Lalo na sa boyfriend mo na hindi mo pa din alam kung ano ang totoo? Ang mahalaga, andito ka at habang may buhay, may pag-asa.”
Ngumiti s’ya ngunit tumulo na naman ang luha sa kanyang mata. Bigla naman s’yang humawak sa aking baywang, sa magkabilang dulo ng suot kong boxers. Nakatitig s’ya at nakangiti pero ang mga mata n’ya, iba pa din ang aura.
Hinalikan ko s’ya sa kanyang noo at niyakap ng napakahigpit. Ang gulo ng utak ko. Iba na ang pakiramdam ko. Halo-halong emosyon. Nanginginig na talaga ako sapagkat nagbalik na naman ang pagnanasang kanina ko pa pinaglalabanan ngunit may mas malaking bahagi nang pagkatao ko ang tila nagpapagulo sa sitwasyong ito.
Inilayo ko s’yang muli at sinabi na lang na “Ann, ang baho ko na maliligo na muna ako.”
Bigla naman s’yang tumalikod at nagbalik sa kama, sabay pindot sa remote. Ngumiti s’ya at sinabing “Oo, maligo ka na at ayaw ko naman na may katabi na amoy kalsada no.” sabay labas ng kanyang dila na tila nagkilos bata.