Ang Malditang Ligawin

Author Name: shymalandi | Source: pinoyliterotica.com

Nangyari po ito nung ako ay 21-25 yrs old pa lamang. Wala na po akong balak ulitin ito. Just wanted to share and maybe just to difer Yoshinen’s claim that I’m “banal” (hahahaha)

Sa panahon na  bago pa lang ako nagtatrabaho…masaya na earning na at hindi na tipid mula sa baon para makagimik…mahilig ako kumain sa Sbarro. Yes, malakas ako kumain. Magana. Kain lalaki pa nga sabi ng iba. – pero ngayon nagdadiet-dietan na :)

Side kwento…minsan sa Chowking kinantahan pa ako ng dalawang lalaki sa kabilang table ng jingle ng Chowking sa dami ng order ko “dito kumakain ang masarap kumain” – sabay nguso nila sa akin at naghagikgikan (crispy noodles, tofu, kangkong and halo-halo with 2 scoops of ice cream)

Minsan, holy week yata nun at sobrang pagod sa work na halos tumira na ako dun ay nagcrave ako ng Super Halo-halo ng Iceberg’s with 2 scoops of ice cream, half ziti with meat sauce and garlic bread at stuffed all-meat pizza ng Sbarro. Bago umuwi nung sabadong iyon ay dumaan ako sa SM North, puno ang Sbarro kasi maliit lang ang dati nila branch dun so tinake-out ko na lang ang order ko at lumipat sa Iceberg’s. Puno din. Buti na lang at mabait yung isang waiter na nag-ayos ng isang table for me…sa daanan nga lang (hilig ko sa ganito ano, parang yung sa bar lang…ang daming mabait na waiter pala sa akin kung ganun). So ayan na ang order ko. Para naman hindi ako maimpatso ay inilabas ko ang pocketbook kong dala at nagbasa habang kumakain. Kahit daanan ang pwesto ko…nagtataka ako bakit parang laging may boses sa tapat ng lamesa ako at nakahito ang mga tao…dami paa nakaharap sa lamesa ko na naanigag ko sa gilid ng pocket book ko. Nakiramdam ako at nakinig. Pambihira! Ako pala ang topic! May pamilya, magjowa at barkada. Pagsumisimple ako ng tingin sa kanila habang susubo ako at nailalayo ang mata sa pocketbook may nakikita pa akong nakatingin sa akin at mga umiiling-iling pa talaga. Yung iba nga yata ay pinagpupustahan pa kung kaya ko maubos lahat ng nasa ibabaw ng lamesa ko.

Just a little back grounder kung bakit ganun na alng ang gulat nila…yung 21-25 yrs old ako ay 21-22 inches lang ang bewang ko at less than 90 lbs lang ang timbang ko standing at 4’11″. Payat. Hindi mo talaga aakalaing saksakan ng siba. Sa children’s section pa nga ako bumibili ng mga damit ko kaya matipid at mas mura.

Knowing that as my capacity…syempre I used it to my advantage hehehe Kapag inatake nga naman ng kamalditahan ang Diane.

Marami akong manliligaw that time. Marahil kasi maraming lalaki sa pinagtatrabahuhan ko at unti lang kaming babae. Kapag may manliligaw akong ok naman sana pero hindi ko talaga makita ang sarili ko as his gf…ang hirap bastedin! Mga mababait, gwapo, pasensyoso, galente din naman, maalaga…kumbaga ba pwedeng-pwedeng boyfriend material kaso walang magic! Walang spark! Walang kuryente! Walang kilig!. (Sorry guys, its a girl thing. Instinct.) Ayaw ko namang we part ways na may samaan ng loob para mamotivate ko pa sya to find the “perfect” girl for him. So…kinokontrata ko sila minsan sa isang date.

We will go to Sbarro for dinner. Order identical servings: Half-Ziti with meat sauce and garlic bread, 1 slice of stuffed all-meat pizza and large softdrinks/ice tea.

Sasagutin ko sya kapag:

a. Mauna sya makaubos ng meal nya compared sa akin.

b. Kung mas maliit ang portion na tira nya compared sa matitira ko.

Pero hihinto na sya manligaw kapag:

c. Hindi nya maubos ang meal nya or

d. Mas malaki ang portion na tira nya compared sa matitira ko.

At least hindi sya basted. He will just stop courting me. – Payag naman sila.

Siguro sa 3-4 na manliligaw ay ginawa ako ito at laging option c and d ang nangyayari. Alam kong ganito ang mangyayari kahit alam kong mas malakas kumain sa akin ang guy. Kasi madalang sa kanila ang pizza and pasta lovers like me. Pinoy na pinoy na kanin talaga ang nakasanayan ng tyan. O diba kung hindi ba naman kamalditahan ito. Backed up ako by a survey conducted by a magazine na nabasa ko.

But it really worked. All of them naman ay naging ever chicka friends ko.Yung 2 pa nga ay natatawa na lang kapag naalala nyang niligawan pala nya ako dati kasi they really did find the girl of their dreams at malayo sa personalidad ko.

Nung nag 25 na ako…bumagal na din yata ang metabolism ko at dumalang na manliligaw. Plus the fact na binubuking na ako ng mga “nabiktima” ko kaya di na pumapayag yung iba sa condition ko.

Late na nalaman ng tatay ko itong gawain ko pero ang comment lang nya ay isang kantang akma daw sa akin – Oops, I did it again ni Britney Spears. Di daw nya akalaing ang paborito nyang anak ay malupit na heartbreaker.

Another side kwento:

Dati ligawin ako kasi madaming manliligaw (sorry kung sounding yabang na)

Ngayon wala na ako manliligaw pero ligawin pa din ako…sa pagiging topak kong gala ay madalas akong maligaw hahaha

konting pampangiti sa medyo gloomy na goodbyes dito sa PL.

p.s.

i hate goodbyes, im not good at it kaya hindi ako nagcocomment na masyado…thank you sa mga nagspecial mention sa akin sa posts nila