Ang Aking Unang Karanasan
Madilim ang paligid at kay laming ng hanging Amihan
Sadyang kahanga hanga taglay mong kagandahan.
Sa liwanag ng Buwan Mukha moy aking nasilayan,
Mga matang mapupungay na tila ba bitwin sa kariktan.
Ikaw at ako lamang walang nang ibang nilalalang,
Aking napagmasdan, ganda ng iyong katawan.
Ang iyong tindig na sadyang katakam takam,
Para bang nananawagan ikay aking subukan.
Akoy lumapit kahit kinakabahan.
bagamat baguhan at wala pang karanasan.
Dahan dahang hinaplos ang likod mong kaputian,
O anong sarap ang aking nararamdaman.
Hindi na nakapag pigil akin nang hinawakan,
Dibdib mong malulusog, sadyang napaka yaman.
At dina nagtagal nang aking simulan,
Habang nananalanging giliw ko wag ka sanang masaktan.
Pataas, pababa, kung minsan ay paikot-ikot.
May kasamang papiga-piga, hangang sa aking mahugot.
Ang ungol mong kay sarap na hindi ko malilimot,
Wala na akong pakialam, sa aking palibot.
Hindi na nga mapipigil na marating ang langit,
Tila nag babadyang may kung anong pupulandit.
Lalong pinag ibayo ang aking pag said,
Hangang sa ma simot katas na masarap at malagkit.
Habol ang hininga, mukha ay pawisan,
Ngiti sa aking labi, ayaw lumisan.
O anong ligaya ng aking unang karanansan,
Sa gabing madilim, BAKA ay aking gatasan.