An ordinary guy with an Extraordinary girl part 5(last part)

Author Name: shatteredglass69 | Source: pinoyliterotica.com

nagising akong nakahiga sa may sofa..

nagtaka ako kung bakit medyo mataas yung ulo ko..

napansin ko nakahiga pala ako sa may hita ni…

“dheza???”pagtatanong ko..medyo malabo pa din kasi ang paningin ko..

“o buti na lang at nagising ka.. pinagalala mo ako kanina ah!” pagaalala niyang sagot sakin..

“hindi ko lang kasi iniexpect na pupuntahan mo ako dito samin..”sambit ko.

sa isip-isip ko.. buti na lang maayos yung bahay, nakakahiya naman kung puro kalat..

“eh kasi kanina pa rin ako nagiisip kung anu nang lagay mo kasi hindi ka na nagreply sa text ko eh.. kaya nagdecide na lang akong pumunta dito..” sagot niya sakin..

“teka, pano mo nga pala nalaman yung bahay namin?” nagtatakang tanong ko sa kanya..

“hello?!?!? sinabi mo sakin dati nung magkatext tayo.. diniscribe mo pa nga sakin yung bahay niyo.. eh naalala ko din kasi na nung one time na magkausap tayo, nasa fastfood ka dun sa labasan na malapit dito kaya nalaman ko na dito pala yung bahay niyo… kaya ayun…” sagot niya sakin..

“and nung medyo malapit na ako dito, nagtanong tanong na lang ako sa mga tao dun sa labas.. buti na lang kilala ka..” dagdag pa nito..

naalala kong bigla na nasabi ko nga pala sa kanya kung san ako nakatira at kung anong itsura nang bahay namin.. kaya pala nahanap ako..

“teka, hindi naman ako sikat dito ah.. pano kaya ako nakilala nung pinagtanungan mo?…” nagtataka pa rin ako..

“ahhh… ewan ko din.. basta may dala siyang asong super cute! hehehe.. hindi ko alam yung breed eh.. basta ayun..” sagot niya.

“hmm… yung aso ba maliit tapos kulay black na may konting brown tapos medyo nakatayo yung tenga..” tanong ko..

“ayun nga! hehehe… ang cute niya sobra! gusto ko nang ganun! hehehe..” excited niyang sabi sakin..

“ahhh si ate ashley yun..” sagot ko naman..

**Si ate ashley yung kapitbahay namin na may ari kay hachi..**

bigla akong napabangon sa kinahihigaan ko… nagulat bigla si dheza..

“o bakit ka biglang bumangon?” pagtataka niyang tanong sakin..

“ahhh…ehhh….ahh…kasi..hindi ko napansin nakahiga pala ako…sa…hita mo…nakakahiya naman..” hiyang-hiya kong pagsabi sa kanya..

“hahahha… ikaw talaga… halika nga dito…” sabay yakap sakin nang mahigpit..

nilapit niya ang bibig niya sa tenga ako at sabay bulong nang..

“ok lang naman.. wag ka nang mahiya.. simula ngayon, wag ka nang mahiya sakin.. ayokong lumalayo ka, ayokong nahihiya ka sakin..gusto ko maging kumportable ka sa paligid ko..”

parang umiinit yung buong mukha ko..

“hihihi..mukha ka nang kamatis sa itsura mo ngayon oh!”pangaasar niya.

lalo tuloy akong namula… wala akong masabi.. parang panaginip lahat yung nangyayari.. hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon, kausap ako, kaming dalawa lang sa loob nang bahay, magkaharap..

nakatitig ako sa mga mata niya, siya nama’y ganun din na may kasamang ngiti..

bigla siyang nagsalita..

“baka naman matunaw ako sa pagkakatitig mo ha… hehehe”panloloko niya..

“ahh..eh… sorry..”

“o yan ka naman eh.. sabi ko sayo diba.. ayokong nahihiya ka sakin..”pagsabi niya sakin..

unti-unti niyang inilagay ang isang daliri niya sa may ibaba nang baba ko at onti-onting itinaas ang aking mukha..

“ayoko nang mahiyain…lalong lalo na sakin.. so please wag ka nang mahiya sakin..” pabulong niyang pakiusap sakin..

tango lang ang nasabi ko..

“hindi lang kasi ako makapaniwala na ang pinakamahalagang tao sa buhay ko ay kaharap ko’t inaalagaan ako ngayon..”pabulong kong sabi..

“masanay ka na ngayon pa lang.. kasi wala akong balak umalis at lumayo sa tabi mo…” sabay ngiti..

“kahit hindi tayo nagkakausap dati, kahit puro ka lang ligaw tingin, alam ko kung anong klase kang tao.. alam ko kung sino ka talaga.. sa likod nang mahiyain mong pagkatao, alam kong may mas hihigit pa diyan..” pagdagdag niya.

“mahal kita Jason, hanggat merong pagkakataon na magkasama tayo, gusto ko lagi tayong magkasama..” pagtatapat niya sakin..

naiwan na naman akong nakatulala sa kanya, walang masabi.. pero sa loob loob ko, sobrang saya ko dahil ang taong mahal ko ay mahal din pala ako..

“pero sa ngayon, magpahinga ka na lang muna at maghahanda na ako nang makakain natin, gutom na ako eh..” pagbibiro niya..

“ako din eh..” yun lang ang nasagot ko..

sabay kaming nagtawanan..

bigla ko na lang nabanggit..

“dheza, sobrang mahal kita..kahit ano gagawin ko para lang sayo..”

“alam ko..” sabay halik at tayo para makapaghanda.

napaisip ako bigla… kung panaginip lang to sana hindi na ako magising pa..

kinukurot kurot ko ang aking pisngi at sinasampal sampal..

“anong ginagawa mo??” tanong niya..

“chinicheck ko lang kung nananaginip ako.. baka kasi panaginip lang ang lahat eh..kung ganun ayoko nang gumising..” sabi ko sakanya..

natawa siyang bigla..

“sira..hindi ka nananaginip.. totoo lahat ang nangyayari ngayon, totoong nandito ako, totoo lahat ang sinabi, totoong hinalikan kita at lalong totoong mahal kita..”sabi niya na may matamis na ngiti..

kumain kami nang masaya, tawanan, asaran, lambingan…

matapos kumain ay nagpasya akong mahiga muna sa kwarto para gumaling kagad habang siya naman ay nagaayos nang kanyang mga gamit sa bag..

habang ako ay nakahiga, nakatitig lang ako sa kanya..

ang ganda talaga niya.. mukha talaga siyang anghel.. habang nakatingin sa kanya, nangako ako sa sarili ko na gagawin ang lahat para maging maayos ang aming relasyon..

habang nagiisip, bigla kong naalala, meron pala akong ginawang tula para sa kanya.. agad akong tumayo para kunin ito..

“ano yan?” tanong niya sakin..

“basta.. basahin mo na lang…” sabay ngiti..

I’m just a guy with an ordinary life
going with my life on my own.
I don’t know in the future if I will have a wonderful wife
but all I know is that my life right now is over this phone.

day by day, same things are always happening
and slowly seconds by seconds my reason for life is leavin’
waking up in the morning eating breakfast in the table
without another life or another soul in this four sided wall.

but one day, I saw a light flashing to my direction
like a dim light of hope waiting for perfection
making me think that my life is still not a waste
thanks for this light that gave a hope to me with haste.

Contented with just looking without saying anything
like a kid just wishing to have his candy that someone can bring
afraid of saying the truth cause I don’t want to get hurt
cause I know that your not for me ever since my birth.

Sad to say but I know you’re not for me
but if given a chance I will break free
break free of everything just having you with me
In my arms hugging you tight telling you “let it be”.

I want to kiss you, I want to hug you
I want to serve you for all of my life.
I want to be close to you, I want to be beside you
I want you to be here and be my wife

But then again, I don’t have the strength to tell it to you
these dreams will just stay where they are
until the time that I gather the courage and face you
tell you everything that is inside my heart.

“and now your here in front of me, I want to ask you something”
“so here me out and just listen, I think this is the best time to ask everything” pagduktong ko…

“Will you let me kiss you, hug you, serve you for all of my life?”
“will you let me be close to you, be beside you and be here to be my….girlfriend?..” pagtatanong ko.. sabay natawa ako nang mahina..

“syempre girlfriend muna diba??…” sabay smile..

tahimik siya… wala syang imik.. nakatingin lang sakin, parang binabasa kung ano ang iniisip ko.

biglang may tumulong luha..

nagulat ako..

“bakit ka umiiyak?? may nasabi ba akong masama??…. sorry na kung anu man yun.. hindi ko ginustong umiyak ka…” pagpapaumanhin ko sa kanya..

lalong dumami ang pagpatak nang kanyang luha.. wala akong nagawa kundi yakapin siya..

“bakit ngayon mo lang sinabi lahat.. ang tagal kong naghihintay sayo.. kulang na lang ako pa ang lumapit sayo..” mangiyak-ngiyak niyang sabi sakin..

“sorry…wala lang talaga akong lakas na magtapat sayo..kala ko kasi..”

bigla niya akong pinutol..

“puro ka na lang kasi akala eh..”inis niyang sabi.

“pero alam mo ba kung bakit ako umiiyak?” tanong niya bigla sakin habang nakahilig pa rin sa aking dibdib..

“hindi ko nga alam eh… wala naman siguro akong sinabing masama diba?…” ang sagot ko..

“hindi ako galit sayo or something…masaya ako… sobrang saya ko.. kasi kahit sa sulat man, naipahayag mo ang tunay na nararamdaman mo para sakin.. nalaman ko kung anong sakit ang naidulot ko sayo at kung anong tulong ang naibigay ko..” nangingilid pa rin ang mga luha sa kanyang mukha..

“sobrang saya ko ngayon.. dahil.. nandito ka na sa tabi ko..yakap ako..” duktong niya pa..

“at para sagutin yung mga tanong mo kanina…” bigla niyang nasabi..

bigla akong kinabahan…parang bigla akong nanlamig..

“no….nothing..” sagot niya..

para akong binagsakan nang langit at lupa nung mga oras na yun.. hindi ko alam kung anong gagawin ko… inilayo ko nang konti ang kanyang mukha galing sa dibdib ko at tumingin sa mga mata niya…

nakangiti siya…

“nothing will stop me in telling you that… yes.. I would love to be your girlfriend..”

galing sa pagbagsak nang langit at lupa, isa isa na ulit silang bumabalik sa kani kanilang mga posisyon at nakikita ko na ang isang liwanag… mas malinaw na siya ngayon..

“talaga?!”excited kong tanong..

“baket?… ayaw mo yata eh!…” sabay hagikgik..

“syempre gusto!.. Gustong gusto!” sabay kabig ulit sa kanya at niyakap nang pagkahigpit higpit..

“teka teka.. hindi ako makahinga… ang init mo din!” angal niya habang natatawa..

“ay sorry.. naexcite lang masyado..”

natawa na lang din ako..

sabay sigaw na lang ako..

“YES!!!! KAMI NA!!!!!!!!!!!!”

“Huy ano ka ba?! marinig ka nang mga kapitbahay, baka kung anu pang sabihin nila..baka sabihin nire-rape pa kita eh..” sabay takip sa bibig ko..

“kapag nirape mo ako hindi na ako sisigaw… hahayaan ko na lang… hehehhe” biro ko..

sabay hampas sakin..

“aray!” napasigaw ako bigla..

“ikaw kasi eh! niloloko mo ako eh! hehehe…”

“eto naman.. hindi na mabiro.. nagsa-suggest lang naman ako.. baka kasi iconsider mo din eh.. hehehe..” hirit ko pa..

“aba aba humihirit ka pa ha! magpahinga ka na nga diyan at baka lalong tumaas pa yang lagnat mo eh!” pagsesermon sakin..

“opo kamahalan…”sabay higa sa kama…

bumangon ulit ako… humalik sa kanya at yumakap nang mahigpit..

“I love you dheza..sobra…” bulong ko sa kanya..

“I love you too..”

matapos niyang magayos nang gamit ay tumabi sakin, humiga at natulog kaming magkayakap….

**THE END**

–guys sorry kung walang bed scene or whatever, I would like to keep this story romantic and wholesome as possible..

—just wait for my other stories na may mga banatan part.. ^_^

—-thanks for all the readers who took their time to read my story and I hope you enjoyed this story… =D