An ordinary guy with an Extraordinary girl part 3

Author Name: shatteredglass69 | Source: pinoyliterotica.com

*continuation*

nahulog ako sa kinahihigaan ko at pagmulat nang mata ko, nakatapat sa mukha ko ang isang mukha…

mukha ni…..

“hachi!” *si hachi yung aso nang kapitbahay namin na yorkshire terrier*

malapit kasi ako sa mga aso, lalong lalo na dito sa asong to.

“pano ka nakapasok dito ha?!” tanong ko.. (kapag sumagot to sakin baka bigla akong tumakbo.. heheheh)

tumahol lang nang tumahol… at biglang lumabas sa kwarto ko..

pagtingin ko sa pintuan nang bahay, bukas..

“alam ko sinarado ko naman to kagabi bago ako nagpunta sa loob nang kwarto.”.

dali-dali kong tiningnan yung mga gamit ko sa bahay, baka kasi napasukan na ako nang magnanakaw. mabuti na lang lahat nang gamit ko nandito pa..

napaupo ako dahil sa pagkahilo dahil bigla akong napatayo galing sa pagkakatulog.

“panaginip lang pala lahat..” sambit ko sa sarili ko.

“kala ko pa naman totoo na lahat..” naisip ko na naman lahat nang mga nangyari sa panaginip ko… kung pano niya hinaplos ang aking mukha, pano niya pinakiramdaman ang aking labi, at kung pano niya ako hinalikan…

“para talagang totoo yung halik niya sakin..” bigla akong napahawak sa labi ko..

medyo basa…parang may humalik talaga…

“parang may humalik talaga…..PARANG MAY HUMALIK TALAGA!!!!!!” naalala ko bigla si hachi!

dali dali akong pumunta sa banyo at nagmumog at nagtoothbrush..

“walangyang aso yun ah… dami pwedeng humalik, aso pa! waaaaa!!!” inis kong sabi…

dahil sa kakaisip ko at sa inis ko sa halik ni hachi, hindi ko namalayan kung anong oras na.. sabay napatingin ako sa bintana..

“anak ng!!” “umaga na pala at late na naman ako!!” pagtingin ko sa orasan 8:30 na..

sabi ko sa sarili ko, almost 1/4 na nang araw akong wala… magha-halfday na lang ako.. sabihin ko na lang masama pakiramdam ko kanina kaya hindi ako nakagising kagad.

nagtext kagad ako sa sup ko at nagsabing halfday na lang ako… mabuti na lang at medyo maganda ang timpla ni father kundi misa na naman ang abot ko nito pagpasok..

nagayos na ako nang mga gamit ko at umalis na.. maganda ang byahe, maganda ang panahon at higit sa lahat mukhang magandang araw ang kaharap ko ngayon…

pagdating sa opisina, nagpakita muna ako sa sup ko at nagayos nang station ko.. ok na lahat. meron pa akong 40 minutes para maglog in… nagpunta muna ako sa pantry para magpalamig at magnet saglit.. matapos akong magsawa, bumalik na ako sa station ko..

simula pa lang nang pagpasok ko, kanina ko pa siya hinahanap.. hindi ko makita.. inisip ko baka lunch nila kaya wala..

naglog in na ako at nagsimula na ring magtrabaho.. avail naman kaya walang pressure.. nakatayo lang ako sa station ko at nagbabaka-sakaling makita si dheza.. mga after 10 minutes na paghihintay, may isang dalagang papasok nang operations floor. naka dress na floral, nakaayos yung buhok, medyo light na make up at flat white shoes.

grabe ang ganda niya.. napatitig na naman ako.. biglang ngumiti ang babaeng papasok sa floor. bigla akong namula..

“si dheza pala yun…” biglang… *TUT*

“sa dinami dami naman nang panahon na papasok kang call ka, ngayon pa!” inis na sabi ko..

wala akong nagawa kundi magspiel at kausapin ang walang alam na kano..

nang nakita niya akong may kausap na sa fone at inis na mukha, natawa lang siya at sumenyas na parang nagbaba-bye..

“uwi na kagad siya??”.. malungkot kong tanong sa sarili ko…

“badtrip naman oh! kakapasok ko pa lang eh, pauwi na sila, eh ang alam ko magkapareho lang kami nang sched ah..” ang pagtatakang sabi ko sa sarili ko..

hindi ako mapalagay, gusto ko siyang makita pa, gusto ko siyang makausap, gusto ko siyang makasama…

“sir, I just need to check on something, will it be ok to put your call on hold” ang tanong ko sa kausap ko..

“it’s okay. take your time..” sagot naman nang kano.

nilagay ko sa hold ang customer ko at dali daling pinuntahan si dheza sa may lobby. pagkatakbo ko sa may pintuan, naalala ko nailapag ko pala yung ID ko sa station, wala akong access sa pintuan para makalabas.

“ay tanga!” inis na sabi ko sa sarili ko..

takbo na naman ako pabalik sa station ko at kuha nang ID at takbo ulit sa pintuan.

*TOOOOT* at nagbukas ang pinto..

“sa wakas…” sa isip isip ko..

hinahanap ko si dheza.. hindi ko siya makita…

wala na si dheza.. para naman akong binagsakan nang langit at lupa… hindi ko siya naabutan.

“inis!” bulong ko..

“bakit ka naman naiinis..” “ano ba yan para kang intsik na nalugi na nakakunot ang noo” tawa tawang sinabi nang babae sa gilid ko..

pagtingin ko..

“dheza?..” tanong ko.

lumingon lingon yung babae sa paligid, wala namang ibang tao…

“may iba pa ba?” sagot nung babae na nakasmile ulit…

ayan na naman yung smile niyang nakakatunaw… para na naman akong nastun na parang nilagay ako sa gitna nang chronosphere ni faceless void or nagcast sakin nang frost bite si crystal maiden.. (sorry po dun sa mga hindi nakakaalam.. linawin ko lang po.. si faceless void at crystal maiden ay mga character po sa DOTA).

*going back*

“huy!” sabay tapik sa balikat ko..

“huh?! ahhh… ano.. ahh….” pautal utal kong sabi..

“hihiih… para ka namang nakakita nang multo niyan..” pangloloko sakin ni dheza..

“ha?! ahhh ano kasi eh… ahh… kala ko kasi may sumaksak sakin tapos kala ko namatay na ako…” sabi ko naman..

“bakit naman?!” pagtatakang tanong niya..

“bigla na lang kasi ako nakakita nang anghel sa harap ko eh..”sambit ko sa kanya..

“hahahah… bolero ka rin pala eh no?! hehehehe…”

“hindi naman nagsasabi lang ako nang totoo..” sabay smile sa kanya..

bigla niyang iniba yung usapan.. “o bakit ka nga pala nandito..? diba may call ka pa?” pagtatanong niya sakin..

“ahhh oo. may call pa ako.. ok lang naman nilagay ko muna sa hold yung customer ko..” sagot ko naman..

“eh bakit ka nga nandito??” pagtatanong niya nang may ngiti sa mga labi..

“ahh..ehhh..kasi…ah….may kukunin ako dun sa locker.. nakalimutan ko yung biscuit ko.. nagugutom na kasi ako eh..” pagsisinungaling ko..

“ahhh.. ganun ba… eh bakit parang may hinahanap ka??.. diba nandun yung mga locker?? eh bakit nandito ka sa may tapat nang pinto palabas?…” tanong niya.

naku yari na… hindi ko na alam sasabihin ko… namumula na ako..

“ahh…ehh..ahmm…gusto ko lang kasing paalam sayo.. alam ko kasi pauwi ka na eh..” ang pagtatapat ko sakanya..

“ahhh… kasi may team building kami ngayon kaya maaga kaming nakalabas..paalis na nga kami ngayon eh.. hinihintay na nila ako sa baba..”

“ahh ganun ba… tara hahatid na kita sa baba ako na magbubuhat nang mga gamit mo..” pagyaya ko sa kanya.

“wag na lang nakakahiya naman.. hindi naman kita kaano ano papahirapan pa kita.. buti sana kung boyfriend kita ok lang eh kaso hindi..” ang sabi niya sakin..

biglang may isang liwanag akong nakita sa isang malaking dilim na pumapalibot sakin… yun ay tinatawag na “PAGASA”..

“ay kung pagbubuhat lang pala ang kailangan para maging boyfriend mo, kahit ano bubuhatin ko, kahit maging si Atlas pa ako, bubuhatin ko ang buong mundo para lang maging boyfriend mo..” bulong ko sa sarili ko..

medyo napalakas yata ang bulong ko at bigla siyang nagtanong…

“may sinasabi ka ba?” sabay ngiting pagkaganda-ganda…

“ahhh…ehhh..wala…sabi ko kahit ikaw pa buhatin ko pababa ok lang kahit hindi mo ko buhatin ok lang.. handa akong tumulong sayo anytime na walang kapalit..”

“Ganun ba? kaso….may call ka pa eh…” para syang batang nagsasalita..

ang cute niya sobra!

“ahhh oo nga pala may call pa ako…”….

“WAAAAAAAAA MAY CALL PA NGA PALA AKO!!!!!!” bigla akong napasigaw.

“hahahaha… kulit mo talaga… next time na lang… hahayaan kong buhatin mo ako… este yung gamit ko pala kung gusto mo.. hihihi” parang may pakapilya ang pagsasalita..

“heheheh… sige po..next time na nga lang… sayang.. heheh”.. pagsabi ko sakanya sabay ngiti..

“ok sige po.. bye! ingat po!” pagpapaalam niya sakin..

“sige po bye.. ingat kayo sa byahe ha..kung ok lang sayo.. text ka sakin kapag nandun na kayo… para hindi ako nagaalala..” pagbilin ko sakanya.

“wow sweet naman.. hehehe… sige po magtetext na lang po ako.. sige po bye!…”

pinagbuksan ko siya nung pinto palabas…

pagkalagpas niya sa pintuan nang konti na lang pasara na ang pinto..

“Jason..” sabay tawag niya sakin..

before pa masara yung pinto, binuksan ko ulit.. saktong bumukas din ang pintuan nang elevator..

bigla siyang humalik sa pisngi ko.. sabay sabing..

“thank you..” sabay isang matamis na ngiti…

bigla siyang pumasok sa elevator at sabing..

“bye ulit..”

at nagsara ang pintuan nang elevator..

naiwan akong nakastuck sa pintuan.. tumutunog na yung alert para sa pintuan..

“sir, pasara naman po nung pintuan.” sabi sakin nung guard.

bigla akong napabalikwas..

“ay sorry manong… hehehe” ang sagot ko sa guard.

“si sir talaga oh… nakakuha ka lang nang kiss dun sa chicks para ka nang istatwa dyan.. heheheh” pangaasar nung guard.

“oo nga eh.. para akong nakatingin sa mata ni medusa, bigla akong naging bato.. hehehe..” pagbibiro ko kay manong guard.

tumakbo na ako pabalik sa operations floor, pabalik sa station ko..

pagcheck ko sa screen ko, nandun pa yung customer ko, almost 15 minutes siyang nakahold..

“naku yari!” sabi ko sa sarili ko.

pagbalik ko sa customer ko, galit na galit.. hehehe… nagsorry na lang ako at pinagpatuloy ang araw ko nang buong sigla…

after work, mga around 3:30 habang nasa megamall ako at nagstrolling, nakareceive ako nang text…

..galing kay dheza..

nagmadali akong binuksan ang message.

“Hi jason! dito na po kami sa resort.. nagaayos na lang kami nang gamit, kakapagod yung byahe…later on, kain muna kami tsaka kami magsiswimming.” ang text ni dheza..

nagreply din ako kagad sa kanya.

“ahh ganun ba.. sige po pahinga ka na muna para later makakapag enjoy kang magswimming para hindi ka rin antukin kagad.. dito po ako sa megamall ngayon.. wala rin naman kasi akong gagawin sa bahay maya eh tapos off ko pa bukas kaya nagdecide na lang din muna akong magstrolling dito..”

“sino kasama mo??” reply nya.. parang galit na nagseselos ata yung text niya..

“ahmm.. yung isang friend ko si Cryzelle..”pagloloko ko sa kanya.. actually ako lang talaga magisa nandun…

*si cryzelle ay isa sa mga kateam ko na parang.. “crush nang bayan” sa account namin.. lahat kilala siya.. kung kilala niyo si alice dixon, parang powdered copy niya yun.. actually mas maganda pa nga*

*going back*

“kayo lang dalawa?” reply niya..

“yep, kami lang..” reply ko..

“ahhh ganun ba?!?! sige maya na lang ako magtetext sayo.. baka istorbo pa ako sa inyo”parang galit na sagot niya..

aba parang nagseselos ang anghel ko ah!…

nagreply ako kagad.

“ahh.. hindi naman… joke lang.. ako lang talaga magisa dito sa mall.. wala akong kasama.. wala naman kasing gustong sumama sakin eh.. wala rin naman daw kasing gagawin kundi maglalakad lakad lang kaya ayun..”.. reply ko sakanya..

walang reply.. naghintay ako..

5 minutes..

10 minutes..

15 minutes..

30 minutes..

aba wala talaga.. kinakabahan na ako ah..

nagtext ulit ako sa kanya..

“uy dheza, wala po talaga akong kasama promise… ako lang talaga magisa.. sorry na po.. wag ka na magalit..”.. text ko.

nakatanggap din ako nang reply sa wakas.

“hindi naman ako nagagalit eh.. and isa pa, wala naman talaga akong karapatan magalit.. sino ba naman ako.. ako lang naman si dheza eh..”pagmamaktol na reply niya..

“sorry na please.. wag ka na po magalit.. wala talaga akong kasama.. ayoko lang kasing nasasabihan na loner kaya minsan nagpapanggap akong magisa.. lagi na lang kasi akong magisa na umaalis kaya lagi akong sinasabihan na loner.. please wag ka na po magalit..” reply ko..

kinakabahan na ako sa kanya.. mukhang galit na galit yata..

buti na lang nagreply pa siya..

“sige na ok na wag ka nang magsorry. ok na ako.. hindi na ako galit..” reply niya…

“sure ka.. sorry talaga… wala talaga akong kasama ngayon.. promise.. wala rin naman kasi akong mayayaya eh..”

“eh wala ka naman sinabi sakin eh.. kung niyaya mo ako sana hindi na lang ako sumama dito..hindi rin naman ako gaanong mageenjoy dito..” reply niya..

“nye?! ano kaya yun.. pagpapalit mo ako sa mga kateam mo.. nakakahiya naman sa kanila.. and isa pa.. nakakahiyang yayain ka eh.. baka kasi..” putol kong reply..

“baka kasi…ano?”..

“baka kasi….ireject mo lang din yung invitation ko..” pagtapat ko sa kanya.

“hindi mo naman malalaman kung hindi mo susubukan diba??”

“sabagay… nahihiya lang din naman kasi ako sayo..” sagot ko sa kanya..

“sige na nga next time na lang… tinatawag na kasi ako ng mga kateam ko eh.. swimming na daw kami..” sabi niya sakin..

“ok sige na po.. baka ako naman ang makaistorbo sa inyo… pero promise talaga, wala akong kasama ngayon.. sana nga lang nandito ka…hehehe.. joke.. =p” pagbibiro ko..

nakapagreply pa siya..

“You better make sure na wala ka talagang kasama ngayon! hehehe.. joke lang.. sana… sana…. sana kasama kita ngayon dito…” reply niya..

bigla akong nabuhayan nang dugo..hindi ko alam kung ano sasabihin ko.. ang naireply ko na lang..

“talaga… sige punta na ako diyan.. hehehe…” reply ko..

“sige punta ka na dito… para meron na akong lulunurin kasi sumasama sa ibang babae… hahahahhah!!!” pagbibiro niya..

“ahahahha… loko… sige na nga enjoy ka na lang diyan.. pagbalik naman may surprise ako sayo.. ^_^.. swimming na kami.. ingat ka sa paguwi ha! goodbye!! mwuah!! =D”.. reply niya..

“para naman akong naexcite bigla sa surprise na yan.. hehhe.. sige po enjoy! ingat din ha! wag masyadong magkukulit!”.. reply ko naman.

napaisip ako habang naglalakad…

“ano kaya yung surprise niya saking… weeee!! excited na ako!” pasigaw kong sabi..

nagtinginan sakin yung mga tao bigla…

“ay sorry po.. hehehe..” pagpapaumanhin ko..

habang naglalakad ako.. may tumawag sakin….

“Jason!” sabi nang pamilyar na boses..

“bakit ngayon ka pa nagpakita?!?!”….