*continuation*
pumunta muna ako sa may siomai house at bumili nang palamig.. inom muna at ang taas nang hagdan napagod ako.. nang nakatalikod ako biglang magkumalabit sakin at sabing “ang tagal mo naman kanina pa kita hinihintay”… paglingon ko si….
…paul, nagtext nga pala sakin si paul kanina, sabi sakin may jam session daw pala kami ngayon..
“kala ko naman kung sinong chicks, si Mr Flying Dutchman pala.. hehehe” sabi ko sa kanya..
“ano tuloy pa ba tayo o hindi” tanong sakin ni paul.
“oo nga tuloy.. saglit lang naman nakikita mo akong umiinom diba?? ano ka ba bulag ha bulag??!?! hehehe” biro ko sa kanya..
“ano ka unlimited?!?! paulit-ulit, paulit-ulit?!?! hahah… oo na sige na bilisan mo na lang diyan”
pagtapos kong maubos yung palamig, dumeretso na kami sa MRT papuntang taft. daming tao sobra siksikan na naman.. rush hour kasi eh..
nang dumating yung tren.. “eto na po tayo!!” sigaw ko..
feeling ko para kaming mga isda na isa isang pumapasok sa loob nang lata nang sardinas. nagkakatulakan, nagsisiksikan, may mga manyak na nanghihipo sa mga babae at meron din namang mga malilikot ang kamay na hindi mapirme sa kinalalagyan nang mga kamay nila.
pagpasok namin nang tren, nakapwesto kami dun sa isang dulo nung tren na nakikita namin yung isa pang dulo nang tren na nasa harap namin.. napansin ko pambabae pala yung part na yun..
since medyo malabo ang paningin ko at wala yung salamin ko, hindi ko makita yung mga mukha nung mga nasa kabilang tren kaya minabuti ko na lang na tumingin sa labas.
bigla akong tinapik ni paul at sabay sabing “pre, parang familiar yung mukha nung babae na nasa gilid na part nung tren…” sabay turo dun sa babaeng naka yellow na blouse na kasalukuyang nakatagilid.
malabo na nga paningin ko, malabo pa yung glass nung tren, edi lalong hindi ko mamukaan yung babae..
tinitigan ko nang maigi yung babae.. sabi ko “hmmm.. medyo familiar pero hindi ko makita yung mukha niya..” medyo maliit yung babae tapos mahaba din yung buhok..may pumasok sa isip ko (eh lagi naman siyang nasa isip ko eh bakit pa ba papasok kung nasa loob na.. hehehe) pero sabi ko nauna na yung mga yun parang imposible..
pag dating sa guadalupe station, maraming bumaba na pasahero at medyo lumuwag yung loob nang tren. naka pwesto rin kami nang maayos sa wakas… medyo napatingin ulit ako sa pwesto nung babae na tinuro sakin. nakatingin yung babae at nakangiti..
“Oh my gulay, mother father..” nasabi ko bigla.
“si dheza nga…” sabi ko kay flying dutchman. “at nakatingin siya satin”..
“…at nakangiti siya…sayo!” sabi ni paul.
lakas loob akong ngumiti sakanya at nagwave para mag-hi. hiyang hiya na talaga ako nung mga time na yun siguro pulang pula na yung pisngi ko sa sobrang hiya…
napatawa siya bigla at sabay nag-hi din..
hindi ko na naman mapaliwanag ang nararamdaman ko, para na naman akong natutunaw. Sobrang saya ko at sobrang bilis din nang tibok nang dibdib ko. pinagpapawisan na naman ako nang malamig..
sa sobrang hindi ko na alam yung nangyayari bigla na lang “Tok!”
binatukan ako bigla ni paul…”Hoy! bababa na tayo! at yung ngiti mo tanggalin mo na sa mukha mo at baka sabihin nakadrugs yung kasama ko eh, nakangiti nang walang dahilan..”
bigla naman akong nalungkot, hindi dahil sa binatukan ako, kundi hindi ko na siya makikita….sa ngayon..
paghinto nang tren, tumingin ulit ako kay dheza at nagwave ulit. nagsabi ako nang “bye” sakanya..
naintindihan niya naman at nagbye din siya sakin. bakas sa mukha ko ang pagkalungkot at sabay alis na sa tren… hinintay ko munang makaalis ang tren sa station bago kami umakyat palabas nang station.
habang naglalakad papunta sa studio..
“Tok!” binatukan na naman ako…
“amp! kanina ka pa ah!” angal ko.
“eh para ka naman kasing namatayan eh, kanina ka pa lugmok na lugmok diyan kala mo naman girlfriend niya yung kanina… hehehe… asa ka pa boy!” pangaasar sakin ni flying dutchman.
“oo na sige na ikaw na gwapo, kamukha mo nga si wendel eh! hehehe” pang balik asar ko lang sa kanya.
sabay kaming nagtatawanan at nagaasaran habang papunta sa studio…
matapos ang pag jajaming namin, nagdesisyon na rin akong umuwi at may pasok pa rin kinabukasan at baka malate na naman ako..
pagdating sa bahay, walang tao, walang pagkain, walang ingay… wala dahil ako lang ang magisa na nakatira sa bahay. bumili na lang ako nang pagkain sa may pinakamalapit na fastfood for dinner.
habang kumakain biglang nagring ang fone ko *Ringtone: Circus Charlie soundtrack: family computer version*
tiningnan ko kung sino nagtext…
number lang… “09*********”
“sino kaya to” bulong ko sa sarili ko…
pagkaopen ko nang message, nagulat ako muntik ko pang matapon yung kinakain ko..
ang nakalagay sa text.. “hi! musta? nakauwi ka ba nang maayos? sana pala dun na lang ako sa cart niyo sumakay para magkasama tayo…”
“holy cow!” bigla kong nasabi.. “wag mong sabihing…”
nagreply ako.. “hello din… ok lang naman ako, medyo napagod lang sa jam kanina.. eto po nagdidiner. anyways, I don’t mean to be rude or what but, I’m just wondring… is this dheza?” hindi ko alam kung isesend ko ba o hindi yung message ko pero bigla na lang napindot ng daliri ko yung send button.
nilalamig na naman ako.. ano ba yan hindi ko malaman kung bad luck o good luck na yung nangyayari sakin ngayon..
nagreply siya.. “Yep! dheza here… =D sorry kung bigla na lang akong nagtext ha.. nakuha ko nga pala yung number mo sa isa kong friend.. pero wag mo na lang alamin ha… sige po kain ka na ng dinner, sleep na rin ako.. see you tommorrow! good night! mwuah! =p”
“see you tommorrow daw! hahahah!!! magkikita ulit kami!!! yeeeaaaahhh!!!!” sobrang tuwa ko nung gabi na yun..
nagreply na lang din ako nang “ok sige po sleep tight! good night din po and God bless..”
naglagay ako nang maraming spaces pababa para kung sakali hindi niya mabasa kasi hindi ko rin naman intensyon na pabasa sa kanya pero nilagay ko na lang din.. ewan ko ba gusto kong sabihin sa kanya pero parang ayaw ko.. ayaw ko lang sigurong mareject ako…
nilagay ko “sana kasama kita ngayon para mababantayan ko pagtulog mo. ayokong mawala ka sa paningin ko. ipaghehele pa kita at hindi ako matutulog hanggat hindi ka pa nakakatulog nang maayos…”
nagdadalawang isip na naman akong magsend pero sinend ko pa rin… pero wala na akong nareceive na reply..
naisip ko.. “siguro tulog na siya..”
hindi ako makatulog kakaisip sa kanya, mag-12 midnight na pero gising na gising pa rin ako.. sa isip isip ko “yari na naman ako nito mamaya… bahala na nga!”
“alam mo matagal na matagal na kitang nakikita, gusto nga kita makilala kaso parang kapag nandiyan ka parang merong isang malaking balakid na nakaharang satin, hindi kita makausap, lagi ka naman nakatingin sakin, pero kapag nagkakatinginan tayo, bigla mong inaalis yung tingin mo. Hindi ko alam kung ayaw mo sakin o talagang mahiyain ka lang pero ngayon nandito ka na, ayaw na ulit kitang mawala pa”.. isang boses nang babae na nagsasalita sa likod ko.
pilit kong lumingon sa likod at nakita ang isang babae pero bigla niya naman tinakpan ang aking mata. wala akong makita puro dilim…
“dito ka lang, wag kang gagalaw, makiramdam ka lang…” ang sabi nang babae..
yung isang kamay niya nakatakip sa mga mata ko, yung isang kamay niya nakalagay sa kanang pisngi ko..
unti-unting niyang pinapagapang ang kamay niya papunta sa labi ko… kinakapa..pinapakiramdaman… ang lambot nang labi niya… may nararamdaman ako.. parang ang lapit nang mukha na niya sakin.. nararamdaman ko na yung hininga niya.. biglang dumampi ang labi niya sa labi ko..
hinalikan niya ako.. ang lambot nang mga labi niya… banayad lang ang kanyang paghalik.. unti-unti, medyo nagiging mariin na…bigla akong may narinig..
*alarm ringtone: Pon de Floor by Major Lazer*
sa isip isip ko… ang weird naman, naghahalikan kami tapos biglang may sounds na ganun.. palakas nang palakas… biglang..
“Blag!”
nahulog ako sa kinahihigaan ko at pagmulat nang mata ko, nakatapat sa mukha ko ang isang mukha…
mukha ni…..