An ordinary guy with an Extraordinary girl part 1

Author Name: shatteredglass69 | Source: pinoyliterotica.com

**first time writer here.. this is a pure non-sexual story… sorry guys, just want to share..hope you’ll like it!! =D enjoy reading!**

(alarm beeping “Pon De Floor by Major Lazer”). Hay umaga na naman, panibagong araw, panibagong pagod, panibagong stress, parehong trabaho… araw-araw…hayyyzzz… kelan kaya magbabago to…

(ako si Jason, 24, graduate nang IT sa paaralan nang lahat nang gawin mo, lagi kang pipila…|Pila Ulit Pila| nagtatrabaho sa call center industry, 5’8″ singkit, hindi naman pangit hindi rin naman gwapo, kumabaga tama lang na kapag pumasok ka sa maraming tao at nandun ako, hindi mo ko mapapansin.. sa madaling salita isa akong “no one”..)

pumikit muna ako saglit at medyo nahihilo pa ako… hindi ko namalayan na nakatulog pala ulit ako.. pagkagising ko bigla akong napabalikwas “amp! nakatulog ulit ako!”… “anong oras na?”

“waaaa!! 5:30 na!!” (6:00AM pasok ko and almost 1 1/2 hours and byahe pagpasok). madali akong naligo at nagbihis hindi na ako kumain nang almusal sabi ko sa opisina na lang kapag first break…

6:15 na ako nakaalis.. pagdating sa sakayan, ang daming tao, lahat nang dumadaan na mga bus laging puno.. “kapag tinamaan ka nga naman talaga nang malas o, badtrip! sobrang late na ako!!” 6:40 na ako nakasakay. Naalala ko ang sabi nang supervisor ko dati..”bad luck always comes in three”. sabi ko ok lang kahit late na ako at least sa buong araw ko isang malas na lang yung haharapin ko. 7:15 na, nasa may bandang coastal pa lang ako (galing akong cavite sa ortigas ako pumapasok).

pagtingin ko sa may di kalayuan, merong mga sasakyan na huminto sa gitna nang daan. “sa dinami dami naman talaga nang araw o bakit ngayon pa yung traffic!” isip-isip ko… bumaba yung kunduktor nang bus. sabi meron daw nagbanggaan na sasakyan sa gitna pero malapit na daw maalis since meron na rin namang mga MMDA. after 20 minutes. okay na yung byahe.

saktong 8AM ako dumating sa office. habang naglalakad sa loob nang operations floor, nakita ako nang sup ko. nasabi ko na lang sa sarili ko “ayan na ang pari nakita na ako, mahabang misa na naman to…” at hindi nga ako nagkamali.. after nang misa, okay na lahat throughout the day.

nang 3 mins na lang before out, biglang…. *Tut* “anak nang!!!! 3mins na lang o!!!” sabay spiel nang “thank you for calling …….. my name is ….” natapos ang call nang after 45 mins (tech kasi).. pagtapos nang call sabay log out!

“kala ko ba ang bad luck comes in three lang, bakit sakin parang unlimited yata!” inis na sabi ko sa sarili ko…

habang nagaayos nang gamit sa locker room, may nakita ako sa gilid ko na di kalayuan sa locker ko din..

“si dheza…”

long hair with some brown streaks yung buhok, fair complexion (sobrang kinis!), matangos na ilong, medyo bilugan yung mata pero may pagkasingkit yung gilid (parang anime), 5’2″, hindi kalakihan yung boobs pero sakto lang sa petite niyang katawan.

pagtingin ko sa kanya parang biglang may bright light na liwanag sa likod niya tapos parang merong electric fan na nakatutok sa kanya yung parang sa mga movies kapag nakita yung main girl character sa movie (pwede rin yung sa nestea commercial.. hehehe..) parang ganun.. hindi ko namalayan nakatitig na pala ko nang pagkatagal tagal sa kanya (parang 10 years na..hahah.. joke) bigla siyang tumawa at bigla rin akong natauhan..

sabi sakin nung isang agent “pre, baka matunaw…heheheh..”

“dyahe naman hindi ko napansin nakatitig na pala ako..”

bad luck na naman…

“dami namang badluck ngayong araw na to!”

lumabas na ako nang locker at nang office namin. paglabas kumain saglit sa hongkong fried noodles (near st francis). pagkatapos kumain nagdecide na akong umuwi.

sasakay ako nang MRT hanggang taft then bus pabalik nang cavite.. habang naglalakad papuntang MRT may isang pamilyar na boses akong narinig…

si dheza kasama yung mga friends niya..

bigla ko na naman naalala yung nangyari sa locker.. nahiya na lang akong bigla..

nagdecide ako na bagalan ang lakad para hindi ko sila makasabay.. baka kasi sinabi ni dheza yung tungkol dun sa locker room nakakahiya naman sa kanila…

napansin ko “parang papunta rin sila sa mrt ah… badtrip naman hindi pa ako kagad makakaakyat baka makita pa nila ako or worst baka makasabay ko pa sila sa train…pero gusto ko nang umuwi… bahala na nga lang!”..

naglakad na ako nang normal.. pumunta sila dun sa may elevator paakyat nang mrt… nang pasara na yung pintuan nang elevator, napansin ko siya nakatingin sa direction ko.. tumingin ako sa paligid ko, wala naman akong ibang kasabay. tumingin ulit ako sa kanya sabay nginitian niya ako sabay wave and sabing

“bye…”

at biglang nagclose yung pinto…

napahinto ako bigla, kinabahan, pinagpawisan nang malamig (hindi masakit yung tiyan ko or something ha! heheh..) hindi ko expected yung nangyari… para akong tanga na nakangiting-aso at nakatingin sa kawalan.. napansin ko, pinagtitinginan na pala ako nang mga tao na naglalakad at nagpasya na rin akong maglakad paakyat nang MRT.

“wow! si dheza nagsmile at nagbye sakin!” isip-isip ko.. kahit gano kasama ang araw ko isang ngiti lang galing sa kanya biglang nawala… bigla ko na lang naisip “there is always a rainbow after the rain”. parang siya yung dove na nagdala nang sanga kay moses at binigyan niya ako ng pagasa para mabuhay nang masaya.

biglang play nang kanta sa MP3 ko…

***
It’s all… it’s all… it’s all…
You’re my sunshine after the rain
You’re the cure against my fear and my pain
‘Cause I’m losing my mind
When you’re not around
It’s all… it’s all…
It’s all because of you

You’re my sunshine
Oh yeah… ***

yumuko na lang ako habang naglalakad paakyat nang mrt. baka kasi sabihin nang mga kasabay ko sira ulo ako nakangiti nang walang dahilan.. binagalan ko na lang ang paglalakad kasi lalo akong nahiya kay dheza… nang makaakyat nang MRT, pumunta muna ako sa may siomai house at bumili nang palamig.. inom muna at ang taas nang hagdan napagod ako.. nang nakatalikod ako biglang maykumalabit sakin at sabing “ang tagal mo naman kanina pa kita hinihintay”… paglingon ko si….