Almagro: Isla Ng Nasirang Pangarap

Author Name: boyaxz0212 | Source: pinoyliterotica.com

ALMAGRO: Isla Ng Nasirang Pangarap

Isinulat ni Boyaxz0212

Isa ang Almagro sa mga lugar ng Samar na masasabi nating malayo sa kabihasnan, ang mga tao dito ay simple lang ang pamumuhay. May mangingisda at magsasaka. Ganyan lang kasimle ang kabuhayan ng mga tao dito sa Almagro. Ang mga bata ay masayang naglalaro sa daan, samantala naman ang mga ibang kabataan ay naglalaro ng basketball sa covered court ng lungsod. Dito rin sa lungsod ng Almagro nakatayo ang aming Munisipyo na pinamumunuan ng aming mahal na Mayora na si Kathleen Prudente, at ang kanyang bise na si Hazel Merino. Sa lungsod ng  Almagro, may tatlong barangay na magkakatabi; yun ay ang Brgy. Veloso, Brgy. Poblacion, at Brgy. San Jose. Ang tatlong barangay na ito ay pinamumunuan din ng mga Brgy. Captain na sina Mang Nanding (Brgy. Veloso), Mang Tonio (Brgy. Poblacion), at si Mang Danilo (Brgy. San Jose). Masaya ang mga tao sa Almagro, tuwing fiesta dito ay may mga palaro at liga ng basketball, marami ring mga dayuhan na pumupunta dito sa Almagro. Yung isang isla nga na sakop ng Almagro ay ginigawa na ngayong isang tourist spot.

Isang hapon, nang dumating ang pampasaherong bangka galing sa syudad (Calbayog City), may nakita nag mga tao (isa na ako dun) na mga bagong mukha at sa tingin nila ay mga Hapon. Marami ang nagtaka kung ano ang kanilang pakay sa aming lugar. Agad kong pinuntahan ang pampasaherong bangka at makiusyoso na rin (hehehe…) Tinanong ako nung babaeng Hapon na nagpakilalang Mrs. Yu. “Boy (actually, yan ang palayaw ko sa amin), saan ba dito nakatira ang Mayor dito?” Sabi ko, “Alam ko po kung nasaan, sumunod na lang po kayo sa akin, ihahatid ko po kayo sa kanya.” Sinamahan ko nga sina Mrs. Yu patungo sa opisina ni Mayor. “Dito na po tayo, nandyan po sa itaas ang opisina ni Mayor,” sabi ko. Napahanga si Mrs. Lim sa kalinisan ng aming munisipyo. “Wow, ang ganda pala ng munisipyo nyo, malinis!” sabi nya. “Salamat nga pala sa’yo. Syanga pala, ano nga pala ang pangalan mo?” “Boy-boy  po ang tawag sa akin ng mga tao rito, pero Jeffrey po ang aking totoong pangalan,” Sabi ko. “Ah, ganun ba? Salamat boy ha?” sabi ni Mrs. Yu. “Wala pong anuman.” Sabi ko. Nang pumasok siya sa munisipyo namin, agad siyang sinalubong ng Secretary ng Mayor na si Joan Solante. “Good Afternoon po ma’am, sino po bang kailangan nila?” “Ah, gusto ko sanang maka-usap ang Mayor dito, magtatayo sana ako ng negosyo dito sa inyo eh.” Sabi ni Mrs. Yu. “Ah, ganun po ba?” “sandali lang po at sasabihan ko si ma’am.” Pinuntahan na nga ni Joan si Mayor. “Ma’am, may nangita nga tawo sa imo. Mura man ni siya ug hapon ang hitsura. Magtukod daw siya ug negosyo dinhi sa atoa.” (Ma’am, may naghahanap pong tao sa inyo. Parang isang Haponesa. Magtatayo daw sana siya ng negosyo dito sa atin.) “Aw mao ba? Ingna nga pasud-lon ngari kay para magka istoryahanay mi bahin ana. Maayo hinoun na kay para may capital ta nga mabutang sa atong munisipyo.(Ah, ganun ba? Sige, papasukin mo at mapag-usapan namin ang detalye ng kanyang negosyo. Maganda yan para may capital/income tax tayong mailalagay sa ating munisipyo.)

Yan lang muna pl peeps. hehehe… pagpasensyahan nyo na ang first orig creation ko. :) Thanks to Open Minded Pinoy sa pagturo sa akin kung paano magsulat. enjoy reading everyone!