Aking natutunan na kahit gaanO mo pinapahalagahan ang isang tao, darating ang panahon na sya mismo ang magkakanulo sayo .
Aking natutunan na kailangan ng taon para maka buo ng tiwala sa kapwa at sa isang segundo lang pwede ding masira.
Natutunan ko din na kahit gaano ka kabuting kaibigan sasaktan ka din nila sa isang pagkakataon na di mo sila matulungan.
Natutunan ko rin that you should never ruin an apology w/ an excuse.
Natutunan ko din na sa dinami dami ng kaibigan mo kapag nandon ka na sa matinding problema ung taong di mo inaasahan ay sya pang tutulong sau.
Natutunan ko din sa buhay na wala kang dapat katakutan bastat alam mong wala kang ginagawang masama.
Aking natutunan na hindi mo mapipilit ang tao na mahalin at gustuhin ka, pero ang tanging magagawa mo ay ang maging isang tao na marunong at alam ang magmahal.
Aking natutunan na ang pakikipag relasyon ay maikukumpara mo sa game na snake sa cp, paguukulan mo ng oras para mapahaba, at habang humahaba nagiging exciting, pero isang maling liko mo at mauntog ang ulo….GAME OVER ka na..
Natutunan ko na hindi nakikita sa panlabas na anyo ang tunay na kabutihan ng puso, hindi sa matatamis na ngiti, hindi sa matatamis na dila, kundi kung pano kang saluhin sa oras na wala ng makaunawa sau.
At higit sa lahat natutunan kong magmahal ng totoo ng walang takot, walang takot dahil di mo alam san patungo at ano ang kahihinatnan, ibinigay ang lahat sa abot ng makakaya dahil alam kong darating ang panahon na mawawala sya at sasabhin mong okay lang kahit di nya nasuklian dahil alam mo sa sarili mo na nagmahal ka ng totoo at naging totoo kang……………….TAO..