Aangkinin Kita! Kabanata 1

Author Name: www.openmindedpinoy.com | Source: pinoyliterotica.com

Maraming dumalo sa handaan ng bagong kasal. Mga kamag-anak, kaibigan, kasamahan sa trabaho, at isa dito si Susan. Sa gitna ng kasiyahan, hindi maipinta ang kanyang mukha. Tarantado talaga. Nakakita lang ng bata at maganda, lumalandi na! Sa loob ng dalawampung taon na pagsasama, kabisadong kabisado na ni Susan si Emil, ang kanyang asawa. Hayop ka! Huwag ka lang pahuhuli sa akin!

Mula nang sila ay ikinasal, hindi naalis kay Susan ang maghinala. Bago sila nagkatuluyan, alam niyang maraming babae ang naghahabol kay Emil. Palibhasa, matangkad at guwapo, marami talagang nabibighani.

“Tita! Ang layo naman ng iniisip ninyo. Halika na kayo at doon daw po kayo maupo sa mesa namin, sabi po ni Tito Emil.”

Nabigla si Susan. Malayo na pala ang iniisip niya at hindi niya namalayan na lumapit sa kanya ang kanyang pamangkin. Tignan mo nga itong gagong ito, gusto pang tumabi sa mga bata! Ang kapal talaga ng mukha.

“Marlon! Hindi naman. O sige, susunod na ako.”

Si Marlon ang nakababatang kapatid ni Alex, ang bagong kasal. Kakatapos pa lamang niya sa kolehiyo, at sa loob ng ilang araw ay magsisimula na siyang magtrabaho sa kumpanya ni Emil at Susan.

“Sige po, Tita.” Nagpaalam si Marlon at bumalik sa kabilang mesa.

Pinagmasdan ni Susan si Marlon habang naglalakad. Katulad mo rin ang tito mo. Matangkad at guwapo. Huwag ka sanang matulad sa kanya na mahilig sa babae. Ilang saglit pa, tumayo siya at lumipat sa kabilang mesa.

Nang makalapit si Susan, tumayo si Marlon at ang dalawang magandang babae na kasama niya. “Tita, siya po si Mai, ang kapatid ni Kristine.”

“Kumusta po kayo.” Sabi ni Mai kay Susan.

“Mabuti naman. Ikaw pala ang kapatid ng napangasawa ng pamangkin ko.” Kinamayan ni Susan ang dalaga. Maganda siya, at makinis ang kutis. Malambot ang kamay. Hindi katakataka na lumandi itong gagong asawa ko.

“Tita, siya naman si Sophia, pinsan naman ni Kristine at Mai.”

“Kumusta din po. Nice to meet you.”

“Mabuti naman. You look like you’re… 16?”

“Opo. Bale birthday ko po kahapon.”

“Ganoon ba? Belated happy birthday then.” Parehas na maganda ang magpinsan. Naku, ang bata pa nitong katabi mo, Emil. Baka pati ang batang ito, manyakin mo pa!

“Tita, maupo po tayo.”

I appreciate feedbacks on the stories I posted. Please send me a message through Yahoo! Messenger or email and let me know what you think.

[email protected]