Parang ice cream… na nasa ilalim ng init ng araw.
Parang kandila… na sinisindihan.
Alam ni Jack na siya ay gawa sa “pure solid matter” ngunit ang dalawang bagay: kandila at ice cream, ay siyang pwede niyang mai-hahalintulad sa kanyang sarili ngayon.
Nakakatunaw… ang tingin at ngiti ng babae
“Uy, ano?” Dagdag pang tanong ng babae. “Ahm, naku eh… Ate… Hindi po kasi ako gaanong naglalaro. Paminsan-minsan lang. K-kung gusto niyo eh, ang mga kaibigan ko na lang ang tanungin… interview-hin niyo. ” Nanginginig pa ring sagot ni Jack. “A-Ayan po sila o.” dagdag pa ni Jack sabay turo sa kanyang mga kaklase. “Ah, sige” Binitawan siya ng babae. Bumalik si Jack sa panunood sa paglalaro ng mga kaibigan niya.
“Jillian… Jillian pala ang pangalan niya. Sayang, sana di ko tinanggihan ‘yun. Pagkakataon ko na sana… sayang.” bulong ni Jack sa sarili… nagsisisi.
Kinabukasan. Sabado. Mabilis na tinapos ni Jack ang kanyang mga gawaing-bahay. Matapos matulungan ang nanay niya sa mga paninda ay agad siyang naligo at nagpaalam. Wala na siyang ibang balak gawin ngayong araw na ito kundi ang tumambay sa internet shop na kung saan siya madalas tumatambay. Walang bago sa gawaing ito. Ngunit ngayon ay may gagawin siyang di pa niya nagagawa sa shop na iyon – ang tumambay dun mula umaga hanggang hapon… kung maaari ay hanggang takipsilim. May isang napakagandang pangyayaring naganap sa kanyang buhay kahapon. At wala na siyang ibang gustong mangyari ngayong araw na ito, kundi ang makitang muli ang sobrang kaakit-akit na babae na naging bahagi ng pangyayaring yun.
“Jillian, sana magpakita ka.” Sabi niya sa sarili habang naglalagay ng gel sa kanyang buhok.
Lumipas ang ilang oras. Naging abala si Jack sa pagtulong sa mga taong nandun sa shop, manlalaro man o hindi. Likas siyang matulungin, ugali na laging pinapaalala ng nanay niya.
“Wag mong tanggihan ang kahit sino mang humihingi ng tulong sa’yo, hanggang kaya mo ang klase ng tulong na hinihingi nila.”
-’yun ang sabi ng nanay niya. Kahit ‘di siya gaanong naglalaro, madali naman siyang nakakaisip ng mga strategy kung paano maipanalo ang isang computer game. At kung tungkol naman sa ilang application software, di naman siya pahuhuli – mabilis naman siyang maka pick-up. Siya ang teacher’s pet pagdating sa kanilang computer subject. Kaya kung may mangagailangan man ng tulong, ay nandun kaagad siya. Kaya lang ang babaeng gusto sana niyang tulungan, sa kahit ano mang paraan, ay hindi nagpakita.
Alas-tres na ng hapon. Wala pa ring Jillian na nagpakita. Lalong lumiit ang bilang ng mga customer. Masyado nang na di-disappoint si Jack. “Bad trip. Sayang ang gel na nabili ko. Sayang ang pagpuslit ko ng cologne ni Nanay.” Lumipas ang kalahating oras ng walang imik ang bata, hindi tumatayo sa bakanteng silya na napiling upuan. Nababagot. Inaantok.
Ilang minuto pa ay may nagsidatingang mga college-level na mga customer. May ilang babae at lalake. Magaganda rin naman ang ilan sa mga babae, ngunit wala sa kalingkingan ang mga ito… kumpara kay Jillian, ang pinakamagandang babaeng nakita ni Jack sa mundong ibabaw.
“Sana kasama niyo si…Jillian!”
Biglang lumipad lahat ng pagkabagot at antok sa mundo nang sa huling pila ng mga customer na nagdatingan ay nandun is Jillian, ang tanging nilalang na hinihintay ni Jack.
“Diyos ko salamat po… salamat po Panginoon.” Bulong ni Jack sa sarili. “Sulit na sulit na ang pagparito ko… Ayos!”
Tulala… hindi makakurap si Jack.
NAPAKAGANDA TALAGA NI JILLIAN. Naka-ponytail ngayon ang kanyang mahabang buhok.
Natigilan… hindi makahinga ang binatilyo.
PERPEKTO, SOBRANG PERPEKTO. Kumikislap ang mga mata ng dalaga, napakaamo ng mukha.
Nagtagpo ang kanilang mga mata, lalong bumilis ang kabog ng dibdib ni Jack. Ngunit parang hindi siya namumukhaan ni Jillian. Nakaka-disappoint.
“Okey lang, ang mahalaga ay nandito ka na… masaya na ako, makita lang kita.”
Hindi na mapakali si Jack. Palipat-lipat siya ng upuan. Tatayo, uupo, tinitingnan ang iba’t ibang screen displays ng mga workstation sa internet shop at habang ginagawa yun ay sumisimple para lang matingnan ang sobrang magandang si Jillian. Gusto niyang tingnan ito ng matagal, ngunit natatakot siyang mahuli nito. Ilang minuto pa ay napaisip si Jack
“Tititigan ko na siya ngayon ng mas matagal, bahala na. Sa ganda niyang iyan, siguro ay sanay naman siyang matitigan ng mga lalake.” Huminga ng malalim si Jack at tiningnan si Jillian. Titingnan sana niya ito ng matagal… sana. Kaya lang ay nasabotahe ang kanyang balak ng: KININDATAN SIYA NITO!
Kagaya ng nangyari kahapon nang hawakan siya nito sa braso ay gusto ulit ni Jack na i-untog ang sarili.
“Totoo kaya yung nakita ko?” Nasagot ang tanong ng kanyang isip ng ngumiti ang dalaga… ngiting nagbigay sa kanya ng pakpak, pakiramdam niya. Di nakatiis si Jack, lumabas ng internet shop.
Tumatakbo-takbo… tumatalon-talon. Habang may ngiti sa mukha ay sinabihan ang sarili
“KININDATAN NIYA AKO, KININDATAN NIYA AKO!… yes…. Ow Yessss!”
Nang bumalik ang ulirat ng binatilyo ay natigilan siya nang makitang nagtinginan ang mga tao sa kanya. Wala siyang kapangyarihang tinatawag na mental telepathy pero alam niyang isa siyang “sira-ulo” para sa mga na sa paligid. Ngumiti na lang siya, napayuko. “Bahala kayo sa gusto niyong isipin. Basta kinindatan niya ako, kinindatan ako ni Jillian!” Bumalik siya sa internet shop.
May bagong lakas na nabuo sa loob ni Jack. Siguro’y nasisiyahan ang mga manlalaro sa higher levels na narating ng kanilang mga game character. Pero tiyak ni Jack na pagsama-samahin man ang lahat ng saya’t galak na nararamdaman ng mga manlalarong nandito ay hindi nito kayang tapatan ang saya na nararamdaman niya. Bilang nag-iisang anak ng isang biyuda, bihira lang siyang makaramdam ng labis na kaligayahan. Sa nangyayari ngayon, pakiramdam ni Jack ay siya na ang pinakamasayang tao sa mundo.
“Kinindatan niya ako, siguro nga’y talagang gwapo ako, gaya ng sabi niya kahapon.” Pagyayabang ng binata sa sarili. Napaisip si Jack na sana ay nandito ang Nanay niya. May ugali siyang ibulong sa kanyang nanay ang nararamdaman niyang saya kahit nasa malayo ito. Alam niyang hindi siya maririnig, pero ginagawa pari niya ang ganun. “Kung nandito lang sana si Nanay.”
Sa loob ng internet shop ay nakatalikod ngayon si Jack sa kinauupuan ni Jillian. Kumapal ang mukha ng bata. “Lalapitan ko siya tapos sasabihin kong…”
“Jack, halika ka nga.” Muling naudlot ang pagpa-plano ng bata nang may narinig siyang tumatawag sa kanya. Lumingon siya sa bandang pintuan ng salamin na naghihiwalay sa dalawang hanay ng shop at nandoon si Jillian, nakangiti. Sinenyasan siyang lumapit!
“A-ako po ba ang tinatawag niyo, Ate?”
“Syempre, ikaw. Halika ka nga dito, please?” Sagot ni Jillian.
“Ayos, ayos ito! hehehe.” Lumundag sa tuwa ang puso ng binatilyo.
Ang nangyari sa sumusunod na mga minuto ay masasabi ni Jack na siya na talagang pinakamasayang nangyari sa buong buhay niya. Nung nasabi ng kanyang english teacher ang idiomatic expression na “feels like being on coud 9″ ay hindi niya naintidihan ang ibig sabihin nun. Ngunit tiyak niyang ang nararamdaman niya ngayon ay siyang kahulugan ng sinabi ng teacher niya.
May lumalabas na mga tanong sa bibig ni Jillian, bibig na binubuo ng mapupulang mga labi. Ang mga babaeng classmate ni Jack ay hindi pa mahilig gumamit ng lipsick. Ang madalas niyang nakikitang gumagamit ng mga beauty products na ganun ay ang ilang mga 3rd yr. o 4th year girls lang. Wala siyang gaanong alam sa ganun ngunit tiyak niyang hindi lipstick ang dahilan ng pagkapula ng mga labi ni Jillian. May kintab na nandito. Lip shiner lang ito, alam niya. Kahit mahirap makapagconcentrate, nasagot naman lahat ni Jack ang mga tanong ni Jillian. Ang tinanggihan niyang interview kahapon ay nagaganap na ngayon.
INAY, ANG SAYA-SAYA KO PO.
Nasaan ka man ngayon nay, sa palengke, sa bahay o sa daan, sanay malaman mo -
KUNG GAANO AKO KASAYA. – ang halos pakantang pagkabigkas ng pusong labis na nagagalak, puso ng isang binatilyo.
Hindi niya alam kung bakit pero paminsan-minsan, tumatawa si Jillian. Kitang-kita niya ngayon ang mapuputing mga ngipin nito, ang mga pink na gums. May isang pagkakataon na napatingala ito sa katatawa, at kitang kitang ni Jack ang napakaputi at napakinis na leeg ng dalaga. Hindi niya alam bakit natatawa si Jillian ngunit wala na siyang pakialam dun. Ang mahalaga sa kanya ay ang “could 9 experience” na nangyayari ngayon.
Nakabanggit pa si Jack ng ilan pang mga terminologies tungkol sa MMORPG (Massively Multiplayer Online Role-Playing Game ) at naisulat naman ito ni Jillian. “Okey, siguro ay sapat na ito sa ngayon.”
“Tapos na pala? Ang bilis namang matapos ng kaligayahan ko” Sambit ni Jack sa sarili.
“Thank you Jack.” Sabi ni Jillian. “Thank you din po.” Sagot naman ni Jack.
“Thank you saan?” Tanong ni Jillian.
“Ahm, ibig ko pong sabihin ay, You are welcome, Ms. Jillian.”
Ngumiti si Jillian – isang langit na naman para kay Jack. Ilang segundo pa ay may sinabi ang dalaga: “Napakabait mong bata Jack…”
“Mabait daw ako, unbelievable!” Sambit ng lumuluksong puso ni Jack
…at gwapo pa,” dagdag pa ni Jillian, sabay pisil sa kaliwang pisngi ng bata.
GWAPO DAW AKO.
MABAIT DAW AKO.
PINISIL NIYA ANG KALIWANG PISNGI KO.
YEESSSS! OW YESS!
Gustong sumigaw ni Jack, wala na siyang ibang gustong gawin kundi lumundag, tumakbo at magsisigaw. Pero ramdam niyang di niya kayang gawin ang ganun ngayon… Nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Parang gusto niyang maiyak sa tuwa, at himatayin.
“Okey ka lang ba?” Biglang tanong ni Jillian.
“Ah, oo, okey lang po ako Ms. Jillian. Ahm, sige po, baka may gagawin pa po kayo.” Pagkasabi ni Jack ng ganun ay tumayo na siya at babalik na sana sa gaming cubicles. Ngunit magagawa lang niya ang ganun kung… bibitawan ni Ms. Jillian ang kanyang kanang braso! Sa muli pa’y namula na naman ang mga pisngi ng binatilyo. Mas tumindi pa ang nararamdaman ni Jack nang sinabi ito ng dalaga:
“Okey lang ba sa’yo na tulungan mo akong mai-type ang transcripts ng interview na ginawa ko sa iyo? Please? Don’t worry, sabay tayong mag-snacks pagkatapos.”
Hindi makapaniwala si Jack sa narinig, At dahil ‘dun ay parang gusto niyang tanungin ang sarili ng ganito:
PATAY NA BA AKO? ITO BA ANG TINATAWAG NA 7TH HEAVEN? AT ANGHEL BA ITONG SUMASALUBONG SA AKIN?
Lumipas ang kalahating oras. Pero hindi na nararamdaman ni Jack ang paggalaw ng orasan, parang nais na yata niyang makulong nalang dito ng habambuhay… katabi ni Ms. Jillian – ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.
Pakiramdam ni Jack ay siya na ang pinakamalakas at pinakamagaling na lalake kaya inilabas niya ang lahat ng kakayahan sa pag-encode. Sa kanilang computer subject, may na-mention ang kanilang teacher na isang term: “touch-typing” isang typing technique na kung saan ay hindi tumitingin ang typist sa computer keyboard. Habang ino-obserbahan niya si Ms. Jillian kahapon ay nakita niyang touch-typist ito. Pero ngayon, hindi nagta-type si Ms. Jillian, nag di-dictate lang ito. Si Jack naman ay ginalingan ng husto ang pagta-type. Kung siya’y tatanungin, siguro’y “half-touch-typist” lang siya, pero gusto niyang mapabilib si Ms. Jillian.
“Sana mapabilib ko siya.”
May musikang tumutugtug sa speaker ng computer na ginagamit ni Jack, paborito niya ang kantang naririnig sa kasalukuyan. Ngunit hindi ‘yun ang nagbibigay sa kanya ng gana, kundi ang musikang lumalabas sa bibig ni Jillian. Hindi ito talagang tunay na musika, ito’y mga terminologies lang na nabanggit niya kanina. Ngunit para kay Jack ay:
Lahat ng lumalabas na salita at tunog sa bibig mo Ms. Jillian, ay mas magandang pakinggan, pagsama-samahin man ang lahat ng musika sa mundo.
May pagkakataong kunwari’y nag-iisip si Jack, tumitingin sa sahig, ngunit ang totoo’y sumisimple siya para matingnan ang mga makikins na hita ng dalagang katabi. “Sobrang kinis” tugon ng kanyang batang isip. Kahapon, naalala niyang naka kulay brown ito na mini-skirt, ngayon ay naka mini-skirt pa rin ito, pero kulay violet – Mas tumingkad ang kaputian ng legs ni Ms. Jillian dahil dito.
“Sarap hawakan at hipuin”
Naalala ni Jack kung gaano siyang pinangaralan ng kanyang nanay tungkol sa paggalang sa babae. Ngunit lalake siya, at nagbibinata. Natural lang siguro ang makaramdam siya nito. Hanggang tingin lang naman. “Abnormal ako kung di ako makakaramdam ng ganito” Paliwanag niya sa sarili.
May tinuturo si Ms. Jillian sa screen. Ifo-format daw dapat ito ng ganun, ng ganyan. Mabilis naman itong nagawa ni Jack. Napatingin si Jack sa nakatagilid na mukha ni Ms. Jillian. Napatingin naman ang dalaga sa mukha ni Jack. “O, ano?” Tanong ng dalaga. Labis na nagtaka si Jack sa sarili, hindi na siya gaanong nahihiya!
Sa bagong nadiskubreng tatag sa sarili, umandar ang pagkabinata ni Jack:
“Ah, wala po Ate Jillian… Ang ganda-ganda niyo po kasi…”
“Nasabi ko ba yun? Unbelievable!” Dagdag ng isip ni Jack
“Naku, napakabait mong bata, pero ang lakas mong mambola.” Sagot ni Jillian sabay pisil ulit sa mukha ni Jack.
“Pwede bang himatayin dito, pwede ba? Hehehehe.” Pilyong tanong ni Jack sa sarili.
Tapos na sila sa pag encode ng interview transcripts at iba pang documents na hindi maintindihan ni Jack kung ano at para saan. Sa kasalukuyan ay nandito na sila sa isang fastfood chain, di-gaanong malayo sa internet shop. Di makapaniwala si Jack sa swerteng binagsakan niya. Ang planong pagtulong lang sa pinakamagandang babaeng nakita niya ay nauwi sa isang date.
“Isa itong date. Wala nang iba pang pwedeng itawag dito,” ayon sa batang pag-iisip ni Jack.
JILLIAN : ” Okey lang ba sa yo ang cheseeburger?”
JACK : “Ah… oo, opo. Basta gusto mo, gusto ko na rin.”
JILLIAN : (smiles) “Ilang taon ka na nga ulit?”
Jack: “13 po, few months from now (ingles yun ah, galing ko!) bale mag fo-fourteen na ako.”
JILLIAN : “Ah, ilan kayong magkapatid?”
JACK : “Wala po akong kapatid, bale patay na po ang Papa ko. Kami lang ng Mama ko sa bahay.”
( s i l e n c e )
JACK : “Ah, kayo po ate, Ms. Jillian, ilang taon na po ba kayo?”
JILLIAN : “Ahm, 18…”
Jack: “Taga-saan po kayo. Hindi pa po kasi kita nakita dati.”
JILLIAN : “Ako? taga… diyan lang sa tabi-tabi. (smiles) Sure ka bang di mo pa ako nakita dati?”
Jack: “Aba oo, madalas po kasi akong tumatambay sa Erron, palagi din po akong naglalakad-lakad sa mga daan dito sa… neighboorhood (ingles na naman Jackie Boy, sige pa, pa-bilibin mo ang diyosang ito.) at hindi pa kita nakita dati. Wala pa akong nakitang… babae na kasing ganda mo.” (Ayos, nakapuntos na siguro ako dun!)
JILLIAN : (smiles) “Nakakaaliw ka talagang bata ka. Ngayon lang ako nakakita ng batang katulad mo.”
JACK : Talaga? “Talaga?” (smiles, din) Unbelievable, unbelievable! Hehehehe, Hahahaha!
Tatlong oras na ang lumipas – ang pinaka-di-makalimutan, pinaka-masaya, at pinaka-naka-kahimatay na tatlong oras sa buhay ni Jack. Ngayon ay naglalakad na silang dalawa ni Ms. Jillian sa daan.
Gustong-gusto niyang mahawakan ang kamay ng dalaga… Gustong-gusto.
Nais niyang maakbayan ito… Sobrang kanais-nais…ninanais,
…kaya lang, ay magmumukha siyang timang, magiging katawa-tawa. Hanggang balikat lang siya ni Ms. Jillian. At tingin siguro ng mga taong makakasalubong nila sa daan ay yaya niya si Ms. Jillian, o kaya’y nakakatandang kapatid, o kaya’y kakilala lang… ayaw niya ng ganun. Gusto niyang si Ms. Jillian ay higit pa, sa ganun. Wala namang nakakaalam kung sino si Jillian sa kanya… kung ano ang napakagandang dalaga para sa kanya, pero sadyang ayaw lang niyang magmukhang tanga at katawa-tawa, kahit sa sarili.
Habang naglalakad papunta sa may sakayan ng jeep ay napadaan sila sa isang barbeque stand. Bumili sila ng ilang piraso. “Bigay mo ‘to sa nanay mo ha?” Sabi ni Ms. Jillian.
JACK : “Naku, wag na po, nakakahiya naman.”
JILLIAN : “Sige na, kunin mo na ‘to? Para sa kabaitan at pagtulong mo sa akin, sige na.”
JACK : “Eh, tama na siguro yung snacks natin, okey na yun, Ate… Miss Jillian.”
JILLIAN : “Sige na, kung ‘di mo to kukunin, hindi mo na ako makikita, sige ka!”
JACK : (natatakot, nangagamba) “Ah sige, sige… (kinuha ang mga nakabalot na barbeque) Salamat po, ang bait-bait niyo po. Ang swerte-swerte ng magiging husband ninyo.” Sana ako ‘yun
Ilang paghakbang pa ay nasa sakayan na sila. Nang may papalapit nang jeep ay:
“Sige Jack, salamat ulit ha.” Ang matamis na sabi ni Ms. Jillian.
Sumagot naman agad si Jack: “Wala pong anuman Ms. Jillian… ikinararangal ko. pong….”
Hindi na nagawang matapos ni Jack ang kanyang sinabi ng… HINALIKAN SIYA NI MS. JILLIAN SA PISNGI!”
Bigla nalang nagslow-motion ang mundo ng humakbang si Jillian patungo sa jeep, sumakay at lumingon sa huling sandali… kumaway kay Jack.
Biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo, biglang tumigil ang pag-ikot ng mga planeta sa solar system. Katahimikan, katahimikan. Walang dapat gumalaw o mag-ingay sa mundo ni Jack, sa loob ng tatlong minuto dahil:
“YEEAAAHHH! YESSS, OW YES! HINALIKAN AKO NI MS. JILLIAN! HINALIKAN NIYA AKOOO! HAHAHA… YEIHAAA!”
- sigaw ni Jack habang tumatakbo ng sobrang bilis pauwi… dala ang isang supot ng masarap na barbeque para sa kanyang nanay, at sangkatutak na kaligayahan sa kanyang puso.
______________________________________________________________________
next–>3.0
1.0 <–previous