-naiwang pangako-

Author Name: teary86 | Source: pinoyliterotica.com

paano ba sisimulan ang isang kwento na parang wala namang katapusan?..

story nang life ko na kelan man ay di pwedeng takasan.

first time i saw you i had a crush on you na. ewan ko kung bakit, basta gusto kita. Ayokong mawala ka sa paningin ko, lagi kang nasa isip ko, .
naging tayo nga pero di pinalad na magtagal.

lagi kitang naaalala, ang mga tawa mo ,simple mong ngiti ,pag tawag sa pangalan ko at kahit ang hilik mo di ko maalis sa isip ko.

gusto kong makalimutan ka nang tuluyan.

Pinilit kong mag pakatatag sa lahat nang bagay at pangyayari. pinilit kung huwag ka nang isipin, pero pano ko naman gagawin yon? bukambibig ka nang pamilya ko at mga kaibigan ko.

hiling ko tuloy sa diyos na sana ay magkita tayo at mag kausap, para malinawan ako sa mga pangyayari nuon.
BAKIT?sigaw ko sa isip ko ..
ba’t ka nga ba lumayo?..
ba’t bigla ka nalang nawala na parang bula? may nagawa ba ako na di mo nagustohan?nasaktan ba kita? sa panahon na nagsama tayo minahal kita nang sobra. pero bakit parang kulang pa , at nawala ka?
di ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa paglayo mo .

naalala ko tuloy, buntis ako noon nang mag away tayo sa isang bagay na hindi importante,galit na galit ka at di ko maintindihan kung bakit..
simula nuon nagbago ka na. sinisigawan mo na ako kahit wala akong kasalanan. ..ayaw mo na akong kausapin. umalis ka nang bahay at di man lang ako kinausap..
hinintay kita, pero di ka umuwi.. lumipas ang ilang araw.. hangang sa naging linggo, bigla kang dumating, ang saya ko talaga akala ko di na tayo mag kikita.

nagpaalam ka na aalis at dahilan mo maghanap nang trabaho para may pera pagka panganak ko.sabi mo pa nga “kawawa naman si baby paglabas nya wala tayong ka pera-pera.”naisip ko din yon kaya pumayag at naniwala sa yo.

umalis ka at iniwan ang isang pangako na babalik bago ako manganak.

… umuwi ako sa amin, hinintay kita..
nagtitxt ka pa at tumatawag sa akin kaya di sumagi kailanman sa isip ko na mangyayari to.hanggang naging isang text, dalawa araw-araw, at biglang wala na.

ang sakit naman nito! nagalit ako sayo di na kita makontak.. tinanong ko lahat nang kakilala natin sabi nila di ka na nila nakikita..

hinintay kita .. wala ka.. hangga’t sa naka panganak na ako, wala ka prin pero umaasa naman ako na babalik ka..

isang araw nakatanggap ako nang tawag mula sa kaibigan ko, ang dami niyang balita tungkol sayo at isa doon ang nakaka binging katotohan na di ko lubos matanggap!.
natulala ako, di ako mkasagot..di ko alam kung magiging okay pa ba ko pagkatapos nito.. nag asawa ka na raw or should i say, may asawa ka na pala!

naisip ko ang baby natin, paano na pag laki niya? matatanggap kaya nya ? paano ko sasabihin sa kanya?
pano pag tinanong nya kung nasan ka?
ang dami kong mga tanong na di ko naman malaman ang sagot.
basta ang alam ko nasasaktan ako! ang tanga ko at di ko man lang yon nalaman agad!
walang araw na hindi kita minura sa isip ko!!! pinapatay pa nga kita minsan sa isip ko, sobrang galit ako sayo!

pero tao lang tayo at na realize ko dapat tanggapin ko ano man ang pagsubok na to.kailangan ko nang mag moved on. di puedy lagi akong ganito nag iisip sa taong wala naman paki alam sa akin at sa baby ko.

kaya naghanap ako nang trabaho para malibang at makalimot at swerte naman tanggap agad!

nga pala, 3yrs na ang nakalipas… malapit na birthday nang baby natin. wala na yung sakit pero ang pilat sa sugat nang ginawa mo ay nandito parin..
gusto kung malaman mo ,madaldal ang anak natin, maganda at napaka bait na bata wala akong naging problema sa pag papalaki sa kanya maliban nlang sa isang bagay( hinahanap ang tatay nya…)
wala akong maisagot pag nagtatanong siya.. pero huwag kang mag alala di ko ipag kakait sa kanya ang maikilala ka… at di ko ipagkakait sayo ang pagkataon na masulyapan siya pagdating nang araw, kahit naging mapait ang nangyari sa atin nuon may karapatan ka pa rin sa kanya .

at alam ko pag laki niya maiintindihan niya ang bagay na pilit kong kinalimutan pero di maiwasang balikan at alalahanin…