“Third Party” (Ang nag-iisang party na hindi dapat ikasaya..=P)

Author Name: ehnuhnaman | Source: pinoyliterotica.com

*Ang lahat ng ito ay gawa ng taong walang magawa,(ako yun!haha)

Lexicon

Relasyon- ito ay tawag sa isang ugnayan na binubuo ng dalawa o higit pang tao na pedeng sa pamamagitan ng koneksyong dugo, sila yung tinatawag mong “kapamilya,kamag-anak,kapatid,ect.” o pede rin namang koneksyong pang damdamin, sila yung tinatawag mong “ kaibigan” at ang pinakamalalim na koneksyong pang damdamin ay yung tinatawag mong “kasintahan”.
EX – tawag sa mga bagay o taong nakaraan,tapos na o napalitan na. Gaya ng EX-marine kung dati kang marine..o kaya EX-men,tawag ng mga bading sa mga gay friends nilang retokado na.. pede din ang EXpired??hahaha,at marami pang iba… pero ang pinakamalala???ang pinakasikat at di maiiwasang maging issue lalo na sa buhay ng dalawang magkarelasyon.. ang EX- Bf/gf ng kasalukuyang kasintahan nyo..=)

The Process

Madalas sa isang relasyon, hindi maiiwasang magkaroon ng isyu lalo na kung hindi maganda ang nagging pundasyon ng pagsisimula nito.
May mga nagsasabi na ang pakikipagrelasyon ay bigla-bigla mo na lang napapasok ng di mo namamalayan. Basta mahal mo ang isang tao at mahal ka rin nya kahit di mo pa masyadong kilala eh pedeng maging kayo na.
May mga tao namang nagsasabi na ito raw ay may prosesong pinagdadaanan. Sa una, kailangan nyo munang kilalaning mabuti ang isa’t- isa sa pamamagitan ng pagiging magkaibigan muna. Tapos pag nakitang ok naman sila, dyan papasok ang tinatawag na “ ligawan stage”.. date dito..date doon ika nga.. Ito yung stage na sabi nga nila ay napakasaya at nakakakilig na parte ng pakikipagrelasyon. Pagkatapos ng ligawan stage, dito na papasok yung pagkakaroon ng mutual commitment o yung tinatawag ng “pakikipagRELASYON”.

The issues

Sa isang relasyong kahit ano pa man ito ay hindi maiiwasan ang mga issue sa mga bagay-bagay lalo na’t may kinalaman ito sa iyong kapareha.

Issue #1: Sa Compatibility, ito yung mga bagay na hinding hindi rin maiiwasan ng magkarelasyon. Dahil walang taong magkaparehong makapareho kahit sa kaliit-liitang bagay. Halimbawa na lang ay sa pagkaing kakainin nyo, ang isa ay hindi kumakaen ng gulay at ang isa naman ay paborito ito. Ang tendency, hindi nila malaman kung saan sila kakaen tuwing magdidate sila. Ang ending??? Sa pagtatalo.. ano pa nga ba??hahaha.

Ewan ko ba naman, siguro may mag-iisip sa inyo na dapat sa simula pa lang ay alam na ng isa’t isa sa isang relasyon kung ano ang ayaw at gusto ng bawat isa sa kanila. Pero dahil sa pagpapa”IMPRESS” sa stage ng ligawan o “getting to know each other” kuno, eh kahit ayaw nung isa ay magkukunware na lang na gusto din nya para masabing “compatible” sila at dagdag “pogi points” ika nga ng mga boys diba?
Kaya ang resulta? Eh di ayan..pag naging sila na. nagkakagulo na.

Issue #2: Sa Kaibigan, ito yung isa sa madalas na naging issue ng mga magkakarelasyon. Minsan ayaw ng kaibigan ng babae ang naging bf nya at sa lalake naman ay yung madalas na pagsama sa barkada na sa puntong nalilimutan nya na may espesyal na okasyon pala sila ng gf nya. Ang tendency?? Ang magsumbong sa kanya-kanyang kaibigan na sya rin namang dahilan ng kanilang pagtatalo. At ang mga sesteng mga kaibigan naman, ayun.. kanya-kanya ring kampihan kahit kaibigan din naman nila ang mali.
 Hindi ko maintindihan ang mga taong ganito. Sa simula pa lang naman pwede na itong pag-usapan pero madalas na nababaliwala ang bagay na ito. Nagiging Importante lang na usapin ito pag nandyan na ang problema. Pag magulo na ang sitwasyon. At pag wala ng gustong pakinggan ang isa’t isa.

Issue #3: Sa Oras, Atensyon at Effort, isa ito sa pinaka madalas maging isyu sa bawat relasyon. At ang malala pa nga ay ito rin ang isa sa mga rason kung bakit naghihiwalay ng tuluyan ang magkasintahan.
Madalas natin itong marinig sa mga babae, gaya ng “eh kase mas inuuna pa nya ang ganitong bagay kesa sken..”…”eh kase mas may oras pa sya sa trabaho nya kesa sken,puro sya trabaho-trabaho!..”..”bahala sya,hindi man lang sya mag-effort na i-surprise ako, o gawa ng ginto o ganun,ect.”..
Sa mga lalake naman, “hindi man lang nya ako maasikaso..mas inuuna nya pa yung pagpapaganda nya!”..”Madalas pa sya sa mga kaibigan nya kesa ang kasama ako at kahit magkasama kame nasa mga kaibigan nya ang atensyon nya!etc.”
Ang mangyayare?? Eh di ayun..magkakanya-kanyang sumbatan na sa mga pagkukulang ng bawat isa na pareho lang din naman sila diba?hahaha..
 Parang mga sira lang din ang mga taong ganito nuh??nakakatawa pero sadyang totoo. Panay ang reklamo ng bawat isa sa mga pagkukulang ng kung ano-ano. Pero kung babaliktarin naten ang mga pangyayare. Malamang ang complain naman nila ay “sobrang hipit naman nya!”…”lage na lang syang nakabuntot sken,parang sken lang umiikot ang mundo nya,nakakasawa na!”,etc.
Mga tao talaga. Sala sa lamig, sala sa init ika nga..tsk..hahaha..

Issue #4: Pamilya, ito ang isa sa pinakamahirap pag naging issue sa isang relasyon. Tipong kahit ata anong gawin mo ay napakahirap resolbahin. Tipong “you and me against the wolrd” ang magiging drama nyo. Dahil pag pamilya mo ang humadlang, halos lahat nang taong nasa paligid nyo ay hahadlangan na din kayo. Ito yung mga taong tinatawag na “sawsawero at sawsawera”..hahaha..
Ang isa pa sa pinakamahirap nito ay kung pareho nyong magulang ay hadlang sa relasyon nyo. Dito na madalas magkagulo ang magkasintahan. Lalo na pag yung isa ay nakapag salita ng hindi maganda sa pamilya ng isa. Dahil siguro kahit gaano nyo pa kamahal ang isa’t isa pag may narinig kang hindi maganda mula sa taong mahal mo na nakakasira sa pamilya mo ay talagang ipagtatanggol mo pa rin ang pamilya mo, dahil kahit anong gawin mo, pamilya mo pa rin yun at mahal mo pa rin sila kahit anong mangyare. Ganun din naman ang kapareha mo.
Kaya sa katapos-tapusan pag ganito na ang sitwasyon. Simula na ng gulo. Hanggang maghihiwalay din kayo. Parang ewan lang diba?haha..
 Alam kung hindi tamang makialam ang pamilya sa usaping ganito pero tanggapin nating lahat na ang pamilya mo ay maaaring pinoprotektahan ka lang.

Bakit nga ba may mga taong napupunta sa sitwasyong ganito? Yung hindi tanggap ng pamilya ang isa o ang bawat isa? Hindi ba kasama sa “getting to know each other” yung know mo yung family rin nya?so panong nangyare? Eh di dahil hindi kayo nagdaan sa ganoong process. Kung baga, nag focus nyo lang ay sa bawat isa at hindi binigyang pansin ang iba pa.
Sa mga nasa tamang edad na, ok lang na ganito dahil may karapatan na silang magdisisyon para sa sarili nila, lalo na yung mga taong independent na talaga sa pamilya nila. Pero para sa mga taong umaasa pa sa kanilang pamilya, aba ay mag-isip isip muna bago pumasok sa isang relasyong hindi naman kaya pang panindigan. Dahil kung ang sarili mo nga hindi mo kayang buhayin, what more kung dalawa na kayo na parehong wala pang kakayahang magsarili diba??

Issue #5: EX’S, ang walang kamatayan at hinding hindi ata maiiwasan ng kahit sino mang magkasintahan, well except pala dun sa mga 1st bf/g f ang kasalukuyang kasintahan nila diba?hehe..
Sabi nila, wala atang hindi nagdaan sa prosesong hindi mababanggit ang mga ex’s sa buong duration ng relasyon ng magkasintahan. Andyan yung magseselos ang isa dahil sa kung ano-anong kadahilanan na minsan ay halusinasyon na lamang.hahaha. Minsan naman ay nagiging sanhi ng insecurity ng kapartner mo ang ex mo dahil sa madalas na pagkukompara kung di man ikaw eh ng mga taong nasa paligid nyo,lalo na ng mga taong naging ka-close na din ng ex mo. Minsan din ay ito ang nagiging “third party” ika nga sa isang relasyon.
Ayon sa mga nakasalamuha ko at nakausap ko, mas takot sila sa mga ex ng bf/gf nila kumpara sa mga taong pedeng umagaw sa bf/gf nila. Sa kadahilanan daw na may mga pinagsamahan na daw ang mga ito at kilala na raw ng mga ito ang isa’t isa ng husto. Kumbaga may instant connection na daw sila. Kaya daw madalas pag napapag-usapan daw ang mga “ex” ay di raw nila maiwasang maalarma kahit ayaw nila.
 Sa puntong ito, hindi nga siguro kayang iispliska ng kahit sino ang natural na epekto ng “ex” sa relasyon ng kahit sino. May mga magsasabi man na hindi sila kalian man na- threaten sa mga naging “ex” ng kapartner nila ngayon kahit minsan, ay nasa kanila na kung ayun ang paniniwala nila. At maswerte sya kung totoo man yun.=)

“ Lahat ng tao sa mundo ay magkakaiba, lahat ng naisulat ko sa itaas ay maaaring napagdaanan nyo na o pagdadaanan pa at nakakarelate kayo o di naman kaya ay mapapakunot lang ang noo nyo at tatawa dahil nag-enjoy kayo sa pagbasa..=p”..hahaha..

—–ehnuh..=p