“LOOSENED GRIP”

Author Name: scophish | Source: pinoyliterotica.com

“Holding Hands” – isang uri ng gawaing labis na nakakapagpakilig sa lahat ng taong nakakakita sa gumagawa nito, lalung-lalo na kapag ang may-ari ng mga kamay na mahigpit na humahawak sa kapareha ay nagpapakita ng labis na galak at pagmamahalan.

Ito ang sitwasyon na kasalukuyang tinatamasa ni Symon. Bihira lang siyang makaranas ng ganito, ang magkaroon ng panahon para makapasyal kasama ang isang magandang babae, ang magmahal, ang makipagrelasyon. Simula nang nakapagdesisyon siyang gawing “lifestyle” ang pagiging “real-world superhero” ay wala ng relasyon ang tumatagal sa kanya.

Di na niya matandaan kung ilang beses ng “away-bati, bati-away” ang nangyari sa kanyang mga dating karelasyon. May ilang dinner dates at special occasions na ang ‘di niya sinipot – dahil may nangangailangan ng tulong niya.

Mahirap makatagpo ng babaeng nakakaintindi sa ganitong “extra-curricular” activity ni Symon. Ngunit sa pagkakataong ito ay masasabi niyang siya’y nasisiyahan, magkahawak kamay sila ng kanyang bagong girlfriend – isang ‘di pangkaraniwang babae:

-babaeng nakakaintindi na may mga panahong hindi siya makakadalaw, dahil meron siyang tinutulungan. . .

-babaeng tinatanggap na may mga dinner dates na dapat munang kanselahin, dahil ang perang inilaan niya para dito ay hinihiram ng ibang taong mas higit na nangangailangan. . .

-babaeng walang kapagod-pagod na gumagamot sa kanyang mga sugat, literal man o hindi, sa tuwing meron siyang buhay na nililigtas. . .

“Hmmm. . . Tsup, I love you Symon.” Sabi ng babae, sabay halik sa kanyang pisngi. Kukonti na lang ang babaeng ganito, kaya hindi na niya dapat pang pakawalan ito.

Habang naglalakad-lakad sila sa isang natural park ay tinitingan niya ito mula paa, hanggang ulo. Kung meron mang kumakatawan sa salitang “perfection” ay ang babaeng ito na siguro yun. Maliban sa taglay na kagandahan nito ay gustong-gusto din niya ang ugali nito. Kung sa kabaitan lang ay halos pare-pareho lang ang kanyang mga dating naging girlfriend. Pero iba ang isang ito. Naiintindihan nito na:

-walang dalaw ang mas mahalaga kaysa sa buhay ng isang istudyante ng pinagbabantaan ng ilang gang members. . .

- walang namamatay sa di natuloy na dinner date, at may buhay na maaring mas gumanda, pag pina-pautang ang isang estudyanteng walang pambayad ng tuition. . .

-mas gaganda ang takbo ng mundo, kung bawat isa ay mag-aalay lang ng konting sakripisyo.

Ilan lang ang mga  ito sa mga dahilan kung bakit may mga babaeng nakipaghiwalay sa kanya. Ngunit ang babaeng nakayakap sa kanya ngayon ay kakaiba, tanggap na tanggap talaga nito lahat ng kanyang mga prinsipyo at pananaw sa buhay.

“You’re the hottest man in this world Symon, there’s no doubt of that!” Sabi ng babae habang tinutulak siya nito dahilan para mapasandal siya sa isang puno. Agad siyang hinalikan nito sa kanyang magkabilang pisngi, sa kanyang leeg at ilong. “Can we go somewhere private? Just you and me. . . please?” Dagdag pa nito. Ang babaeng ito na nga siguro ang “perfect girlfriend.” Sa gitna ng romansang nagaganap ay di niya maiwasang maisa-isip ang ilan ding magagandang ala-ala. . .

4 years ago. . .

“Pare, ang daming yummies sa mga freshmen ngayon!” rinig niyang sabi ng isang co-teacher.

“Right about that pre! Ang dami na naman ng p’wede mong biktimahin!” Sagot naman ng isa ding faculty member.

“Ano ba pre, wala namang ganyanan, respetuhin naman natin ang presensya ni “Symon the righteous one.” Sagot naman ng isa.

“Syme, why don’t you hop in? I mean, ba’t di mo subukang i-give up yang pagiging ‘last man standing mo?’ ikaw nalang ang hindi nagka-syota ng studyante dito ‘pre. Binata ka naman ‘di ba? Yung iba nga dito eh, may asawa’t gurang na, pero nakaka-dale pa rin! Kahit saang skwelahan, nangyayari ang ganun

pre. So this is my appeal to you my friend, let go of your principles for some time. . . for the sake of fun!” Dagdag pa nito.

Ngiti lang ang naisagot ni Symon. May punto ang sinabi ng co-teacher niya. Sa “over-the-top busyness” na lifestyle na ng lahat ng teachers, di maiiwasang magkagusto ang katulad niyang binata sa mga nagagandahang dalagang studyante. Ang dalawang lalakeng faculty member na katabi niya ngayon ay nagka-girlfriend na ng studyante ng ilang beses, ganun din ang ilang may asawa’t pamilya sa kanyang mga kasamahan.

May mga panahon na gusto-gustong na niyang bumigay at magpakawala. . . at tuluyan ng pasukin ang matagal ng ginagawa ng halos lahat ng teachers dito. Ngunit nanaig pa rin ang kanyang “live to make a difference” mantra. “Hindi gawain ng isang ‘superhero’ ang ganun.” Paalala niya sa sarili. Ilang beses na siyang pinagtawanan ng kanyang mga kaibigan sa kanyang pag-aastang “superhero kuno.” Ngunit kumbinsido siya sa sariling walang masama sa ginagawa niya. Bagkus, kailangan ng mga taong ganun sa mundo, kaya hindi niya ito titigilan at pagsisisihan.

Habang nakatayo sa gilid ng faculty room ay walang tigil ang pagkikilatis ng dalawang co-teacher sa nagdaraanang mga studyanteng babae. Si Symon naman ay ginagawa din ang ganun. Ngunit alam niyang hanggang tingin lang siya. Hindi niya dapat basagin ang kanyang sariling “moral code” at gawing walang kwenta ang mga prinsipyong matagal din niyang binuo at pinagtibay.

Matapos ang ilang minutong pagkikilatis sa mga dumadaan ay napansin ni Symon na parang natulala ang dalawang co-teacher. Nang lumingon si Symon para tumingin sa direksyon na tinitingnan ng dalawa ay napansin nalang niyang siya mismo ay natutulala din – tumambad sa kanyang harapan ang isang napaka-aya-ayang tanawin: ang nakatayong pigura ng mala-diyosang tisay na studyanteng nakita’t nakilala niya kani-kanina lang.

“Good afternoon po sir. Ahm, p’wede po bang malaman ulit yung URL ng website na sinabi niyo kanina?” Sabi ng nakatayong dalaga.

“The URL. . . Ahm. I don’t ah. . . Ah! Popular Mechanics! populamechanics.com. . . yun! So ahm, why are you interested in that site ahm. . . Cindel? Cindel di ba?” Sagot ni Symon. Sanay siyang humarap sa maraming tao, sa lecture o kantahan man, pero di niya maipaliwanag kung bakit siya kinakabahan ngayon.

“I just want to make some advance research for our lessons Sir.” Sagot naman ng dalaga.

“Hindi naman related sa topic natin yun Miss. . . Fonda. . .

“Fondevilla Sir. . .” Pagwawasto ng dalaga.

“Miss Fondevilla. . . ahm, hindi naman kasi talagang kasali sa topic yun. It’s some sort of, ahm. . . leisure research. ^_^ ”

“Ah ganun po ba Sir? Sige po. . .” Sabi ng dalaga, sabay ngiti. Tumalikod ito at lumakad na palayo.

“Symon, may subject din ako sa session ng babaeng yun pre, pero ikaw lang ang tinanong at kinausap! Parang wala lang sa kanya na may dalawang teacher din dito sa tabi mo. Tindi mo pre!” Sabi ng isang co-teacher.

“Iisa lang ang ibig-sabihin nun mga tsong.” Sabi ni Symon sa dalawa.

“At ano naman yun Mr. Superhero?”

“Mas gwapo ako sa inyong dalawa.” Sagot ni Symon sabay talikod at lakad palayo.

“Superherong mayabang!” Rinig niyang sabi ng dalawa.

Mayabang na kung mayabang, pero hindi siya maaring magsinungaling sa kanyang sarili, talagang kakaiba ang tingin ng babaeng yun sa kanya. Natatandaan niya na ang babaeng yun ay nakita na niya dati sa isang bus terminal. Kunyari’y bumibili ito ng candy sa isang tindahan kung saan ay bumili din siya ng isang bote ng mineral water, pero nagpa-papansin lang ito. (see 1.0) Hindi niya alam kung bakit may “attraction” ito sa kanya gayung aminado naman siyang hindi siya masyadong kagwapuhan.

Ligawan mo yun Symon, sige na!” Bulong ng kanyang isip. “Ngunit may boses siyang narinig: “Live to make a difference” – boses ng kanyang sariling bibig, na kumakanta ng isang linya na galing sa kantang na-compose niya kamaka-ilan lang.

the present. . .

“Consume me, own me, make love to me Syme, hmmm, ummm, tsup. Hinding-hindi ako magsasawa sa’yo mahal ko.” Sabi ng babaeng humahalik sa kanya ngayon. Mabilis siyang hinila nito papasok sa kanyang nirerentahang apartment at agad na ini-lock ang pinto.

Sa loob ng tatlong linggong relasyon ay hindi niya ito kailan man nakitaan ng pagkabagot o pagsasawa. Hindi niya alam kung hanggang kailan magiging ganito ka ganado ang babaeng ito, ngunit kahit sinong lalake ay tiyak na inaasam-asam ang ganito.

“Wow, talaga ngang dapat kang tawaging superhero” Sabi ng kasintahan niya nang matapos hubarin nito ang kanyang t-shirt. “Sa lahat ng male faculty ng eskwelahan niyo, wala ni isa sa kanila ang may ganito kaseksing katawan!” Dagdag pa ng dalaga.

Inilapit ng dalaga ang kanyang mga mapupulang labi sa mga dibdib ni Symon at hinalikan ang malapad na bahaging iyon. Patuloy lang ito sa paghalik hanggang sa “abdominals” ng binata, at maging sa bandang pusod nito. Bubuksan na sana ng dalaga ang butones at zipper ng maong ni Symon ngunit agad na pinigilan niya ito.

Pinatayo ni Symon ang kasintahan at hinalikan ito sa leeg. Pinagapang niya ang kanyang mga labi’t dila hanggang sa kaliwang tenga nito.

“Ohhh, shit Syme. . . hindi ka marunong lumipad, pero dinadala mo ako sa langit ngayon!” Sambit ng dalaga.

Umatras ang dalaga at unti-unti itong nagtanggal ng damit. Tinutuklaw na ng tawag ng laman ang buong pagkatao ni Symon ngunit napaatras na rin siya at napasandal sa malapit na mesa. Habang hinahayaan niyang unti-unting maghubad ang kasintahan ay pinaglakbay ni Symon ang kanyang paningin sa kabuuan ng napakagandang anyo ng babae.

“However I may look at you, you’re perfect, from hair tip, to toe.” Ang halos pakantang pagkasabi ng isip ni Symon.

Kasabay ng pagkatanggal ng skinny jeans ng kasintahan ay naglakad na parang modelo ito palapit sa kanya. Bilang isang regular jogger ay hindi madaling pataasin ang heart rate ni Symon ngunit napapansin niyang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Kahit sinong lalake ang nasa katayuan niya ngayon ay tiyak na manghihina at manginginig – may babaeng napakasexy, at nakapakaperpekto, na nakapanloob lang, ang lumalapit sa kanya.

May konting pagkabigla sa mukha ng dalaga ng sinenyasan niya itong tumigil muna. Ngunit agad namang ngumiti ito matapos niyang sabihan ito ng:

“Turn around darling, lemme see your full yumminess first, bago kita tikman!”

Habang umiikot ito ay agad na namang naglakbay ang mga mata ni Symon sa kabuuan ng masarap na katawan ng kanyang syota, sa makikinis na mga binti, sa mabibilog na mahahabang mga hita, sa mga umbok ng puwet na nababalutan ng itim na panty, sa maliit na baywang, sa malulusog na dibdib at hanggang sa napakagandang mukha nito.

Nabigla si Symon nang napatalon ang kanyang syota palapit sa kanya at agad siyang hinalikan nito, isang matakaw, at maalab na halik.

“Would you taste my yumminess now?” Wika nito.

“Hey, tulala ka yata? Are you okay?” Tanong nito sabay halik sa kanyang baba at leeg.

5 months ago. . .

“Sir, are you okay?” Tanong ng boses na nasa likod ni Symon.

“Cind! kaw pala. . . Yeah, I’m fine. . . very.” Sagot naman ng binata.

“Ilang araw na rin kitang nakitang ganyan Sir. May maitutulong po ba ako Sir?” Patanong na pag-aalok ng dalaga.

“Okey lang ako Cind, ako pa! Superhero yata ‘to!” Dagdag na sagot ng binata. Sagot na hindi na yata niya kayang paniwalaan.

Sobrang depressed siya, at pilit niya itong nilalabanan. Ngunit kahit ang isang superhero ay meron ding hangganan at limitasyon – hindi na  yata niya kayang tiisin ang sakit na dulot ng  paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend of 3 years, at nahahalata na ito ng mga taong nagmamasid sa kanya. Mga taong kagaya nitong kumakausap sa kanya ngayon.

Tinitingnan niya ang maamong pagmumukha ni Cindel. Nababasa niya ang pag-alala, at tunay na pagmamalasakit sa mga mata nito. Hindi niya maamin, ngunit may boses sa loob ng kanyang isip na nagsasabing: “Sana ito nalang ang niligawan at minahal ko.”

Lumipas ang halos dalawang minutong “eye conversation” ng dalawa. Binasag ni Symon ang katahimikan at sinabing: “Cind, ahm. . . lunch? My treat.”

*  *  *  *  *

“Yan, mas gumagwapo kayo pag ngumingiti! That’s it Mr. Veintura. . . smile.” Sabi ni Cindel, matapos punasan ang kanyang mga labi.

“^_^ Tama na Cind at baka maniwala na ako.” Sabi naman ni Symon, matapos ang biglaang paglunok sa iniinom na iced tea.

“Totoo naman ah! You’re not the drop dead gorgeous type of guy, pero Sir, ang lakas-lakas talaga ng sex-appeal mo. . . para sa amin.”

“Para sa inyo?”

“Sa amin. . . kaw naman Sir, sa loob ng ilang taon bilang teacher, I’m sure natural na sa inyo ang magkaroon ng maraming tagahangang estudyante.” Dagdag pa ng dalaga.

“. . . at natural na din siguro sa akin ang mahilawayan dahil sa mga prinsipyo kong napakahirap sakyan”, pagputol ni Symon.

. . . . . . . (s i l e n c e) . . . . . . .

SYMON: “Cind, you’ve known me for three years already. Let me ask, mahirap ba talagang akong sakyan?”

CINDEL : “You’re slim, but muscular Sir, so the answer is no, hindi ka mahirap sakyan.”

SYMON: (f r o w n s)

CINDEL : “Ha ha ha ha. . . Pinapatawa lang kita Sir. Ang totoo Sir ay para saken, hindi naman. Mahirap lang talaga sigurong intindihin ang pagkatao mo, but i admit Sir, what you do is what the world truly needs.”

. . . . . . . (s i l e n c e) . . . . . . .

SYMON: “Words like that give me comfort. May mga panahon talagang gusto kong pagsisihan ang buhay na ganito, pero ‘pag nakarinig ako ng mga  komentong ganyan, i feel energized. . . Thanks Cind.”

the present. . .

. . .not okay darling, sino ba ang magiging okey kung sobrang bilis ang tibok ng puso dahil sa masarap na putahing nandito?” Sabi ni Symon sa kanyang kasintahan.

“Tsup, tsup. . . umm, you’re sexily yummy hun.” Dadag pa ng binata.

Kasabay ng pagbagsak ng bra ng syota ay ang agarang paghipo ni Symon sa makinis na balat ng babae. Habang abala ang kanyang mga kamay sa pagkapa sa kaseksihan ng kanyang syota ay abala din ang kanyang bibig at dila sa pagsipsip at paghimud sa didib at malalim na cleavage nito. Ilang minuto pa ay di na napigilan ni Symon ang panggigigil at tuluyan nang nilamon at sinuso ang mga utong ng kasintahan.

“Ohhhh, ahhh. . . Ganyan nga mahal ko. Sayong-sayo na yan, sa’yo lamang. Lamunin mo yan, angkinin mo ang lahat sa akin.” Sabi nito habang nalulunod sa kasarapan.

Gamit ang dalawang malalakas na kamay ay hinawakan niya ito sa baywang at binuhat ang makurbang katawan nito para maipatong sa mesa. Agad niyang itong hinalikan sa tagiliran, sa puson at sa malapad na tiyan nito, wala nang nagawa ang dalaga kundi huminga ng malalim at umungol.

Hinalikan niya’t nilawayan ang nakakatakam na kaliwang hita ng dalaga at hindi pinalagpas kahit ang  tuhod nito. Patuloy lang sa paghalik si Symon hanggang sa binti at maging hanggang sa mga kuko ng paa ng dalaga. Umakyat muli ang paghalik ni Symon sa kanang paa naman at nang patayo na siya ay sinalubong agad siya ng isang maalab na naman na halik ng dalaga.

Bago pa man magawa ni Symon ang susunod na binabalak ay nabigla siya nang sinabunutan siya ng kasintahan at pinahiga sa mesa. Di niya namalayan ngunit nabuksan na pala ng dalaga ang kanyang pantalon. Agad nitong dinilaan ang kanyang leeg, pababa sa kanyang dibdib at kinagat-kagat at dinilaan din ang kanyang mga utong. Hindi tumigil ang dalaga sa ginagawa hanggang sa kanyang puson at namalayan na lang niyang nalaglag na pala sa sahig ang kanyang pantalon.

Mabilis na bumaba ang parang nasasaniban niyang syota sa mesa at hinila ang kanyang dalawang kamay dahilan para maibangon siya nito. Yumuko ang dalaga at hinalikan ang lalong tumitigas na bukol sa ilalim ng kanyang underwear. Napabuntung-hininga nalang si Symon nang unti-unti ng ibinaba ng dalaga ang kanyang brief. Sinusundan din ito ng walang tigil na paghalik ng dalaga hanggang sa tuluyan na itong makawala sa kanyang mga paa.

“Tsup, tsup, tsup. . . May sasarap pa ba dito?” Nakangiting tanong ng kanyang kasintahan habang hinahalikan ang dulo ng kanyang tarugo.

Kinindatan siya nito at isinubsob ang mukha sa gitna ng kanyang mga hita. Napapikit si Symon habang nagsalita ang kanyang syota: “Hold your breath hun, I’m gonna make you feel good. . .”

6 weeks ago. . .

“Good morning Sir.” Bati ni Cindel.

SYMON :”The morning is indeed good. Lalung-lalo na kapag nakasalubong ko ang mala-anghel na si Cindel. Cind, ahm. . . alam mo ba kung magkano ang babayaran kung magpapaprint ng isang picture na kunyari, ay… kasing laki mo?”

CINDEL : “Ah, hindi po Sir. Bakit po? Ano po ba yang gusto mo’ng ipa-print?

SYMON : “Isang life-sized picture”

Cindel: “Life-sized picture nino?”

SYMON : “Yours Cind. Yung naka-swimsuit ka, to be exact. Yung nanalo ka bilang first runner-up nung intrams 2008?

Cindel: “Ha? hi hi hi hi hi.”

SYMON : “Pag nakapagpa-print na ako ng life-size picture mong naka-swim wear lang, it is like a dream come true. I’m gonna kiss that picture head to foot, every morning.”

CINDEL : “^-^ kaw talaga sir… Baka may makarinig sa atin dito.”

SYMON : “Sakaling may makarinig man… eh di totohanin natin! 2 months more to go Cind, you will no longer be my student. So p’wede na kitang… dalaw-dalawin, ligawan, pakasalan at anuhin. . .”

CINDEL : “Anong anuhin? Kaw sir ha. . .”

SYMON : “Anuhin, ahm. . . gagawing teacher din, gaya ko”

CINDEL : “Ako, magiging teacher? Hmmm, p’wede kaya yun?”

SYMON : “Gagawin kitang teacher sa mga anak ko. ^_^”

. . . . . . . (s i l e n c e) . . . . . . .

CINDEL : “Sir, can I see your birth certificate?”

SYMON : “Bakit naman? ”

CINDEL : ” I just wanna make sure kung talaga bang 27 ka na. You look very young. Nung nakita ka nga ng kapatid ko eh,  akala talaga niya classmates tayo.”

SYMON : “Hmmm, ganun ba? Baka naman naman matanda na ang itsura mo kaya nasabi nya yun! Ha ha ha ha ha ha ha! ”

CINDEL : “Inaaway mo ba ako Mr. Veintura? Ayoko na sa’yo, di ko na sisiputin ang gig ng banda mo bukas!”

SYMON : “Ow, no, di kita inaaway my darling, naglalambing lang. . . ”

. . . . . . . (s i l e n c e) . . . . . . .

SYMON : “Cind. . .”

CINDEL : “Sir? Ano po yun?”

SYMON :”Ang ganda-ganda mo talaga, you’re beatiful inside-out. You will be the perfect lifetime partner.”

CINDEL :”Naku, lumalabas na naman yang pagiging bolero mo Mr. Veintura.”

Patuloy na nagsasalita si Cindel at patuloy naman si Symon sa kanyang “sekretong gawain” sa tuwing kasama niya si Cindel. Tinitingnan niyang mabuti ang bibig nito, at hinihiling na sanay dumadampi ito sa kanyang sariling mga labi. Dahil sa kondisyong tinatawag na “low latent inhibition” ay sobrang malikot ang pag-iisip ng binata.

Kasabay ng paglakbay ng kanyang panignin ay ang pantasyang naglalakbay din ang kanyang mga kamay at dila sa makinis na balat ng dalaga. Paminsan-minsan ay sinasaway niya ang kanyang sarili sa tuwing lumilikot ang kanyang isip ng ganito.

“Pero anong magagawa ko kung sobrang gusto ko ang babaeng ito at siya’y ganun din naman sa akin?” Sabi ng kanyang isip.

the present. . .

Kahit kailan ay hindi pa naranasan ni Symon ang nararanasan na ng maraming rakistang tulad niya: ang magiging sabog at “high” sa droga. Ngunit sa kasalukuyan, ay may nararanasan siyang sa tingin niya ay kahalintulad sa ganun. Sa gitna ng kanyang mga hita ay may ulo na may isang napakagandang mukha ang nagpataas-baba dito.

“Ummm, slurp. . . Ummm. . . Sarap talaga nito Syme!” Sabi ng kanyang syota.

Tinigilan muna nito ang pagtaas-baba at ginamit ang dila upang laruin ang kahabaan ng kanyang tarugo. Lalong natuwa si Symon dahil nakangiti lang ang babae habang patuloy ito sa ginagawa. Ilang sandali pa ay bumaba ang paghimud at pagdila ng babae sa mga bayag ng binata. Sa muli pa ay napatingala na naman si Symon sa kisame at nagpakalunod sa labis na sarap at pagkakiliti.

Tintigilan na ng dalaga ang pagdila sa ilalim at bumalik sa pagtaas-baba sa ari ng syota. Napayuko si Symon sabay buntong-hiniga, at marahang hinaplos ang buhok ng mestisang syota. “The perfect girlfriend, ito na talaga yata yun.” Sambit ng isip niya.

Ang antas ng sarap na nararamdaman ni Symon ay hindi na niya maipaliwanag o kaya’y mapigilan pa kaya pinatayo niya ang kasintahan at binuhat ito para maipatong sa mesa.

“Ow, Symon my darling, will finally do me now?” Sambit ng dalaga.

Sa tunog ng paglangitngit ng mesa ay halos masira na ito ngunit parang walang pakialam ang dalawang magkasintahang nasa ibabaw nito ngayon. Pawis na pawis na ang dalawa ngunit parang mas lalong sumasarap ang kanilang pakiramdam at lalo yata lumalakas ang kanilang mga katawan. Nakikipaglaban sila sa isa’t-isa sa pamgamgagitan ng halikan, himuran, at kapaan.

“Symon my darling, lumilipad na ba tayo?” Pa-ungol na sabi ng babae.

“I was about to ask you that question hun.” Sagot naman ni Symon.

Ang kasalukuyan nilang sitwasyon ay nakakapagod, ngunit di ito alintana ng dalawa: nag-aastang makina ang kanilang mga kamay sa pagpapasarap sa ari ng kanilang kapareha.

“Napapagod ka na ba mahal ko?” Panunuksong tanong ni Symon sa kanyang kasintahan.

“Hindi ako basta-bastang napapagod basta para sa’yo Syme.”

Maliit lang ang espasyo sa ibabaw ng mesa ngunit pinilit pa rin ni Symon na mailapat ang kanyang malapad na likod dito. Bago pa man tumama ang likod ng kanyang ulo sa mesa ay agad na ipinusisyon ng kanyang syota ang hiyas nito sa harap ng kanyang mukha.

“Eat me my baby, sige na. . . ang hiyas na ito ay matagal ko nang inihanda para sa’yo.” wika nito na walang bakas ng pag-aalinlangan.

Hindi man masabi ni Symon ng diretsahan ay batid niya sa sarili na hindi pa siya nakatikim o nakakita man lang ng ganito kasarap at ganito ka nakakatakam na hiyas ng babae. “Everything about you is perfect darling,” sabi niya sa sarili.

Matapos ang pagnamnam sa di maipaliwanag na sarap ay ipinasok na ni Symon ang gitnang daliri ng kanyang kanang kamay sa naglalawang butas ng hiyas ng kanyang napakagandang kasintahan. Dahan-dahan siyang bumangon at agad namang yumakap ang dalaga sa kanya.

“Ahhhh. . . shet Syme, kahit daliri mo ay napakasarap damhin sa loob-loob ko. Sige pa mahal ko. . . yan, ang saraaaap!” Sambit at ungol ng dalaga, sabay balot sa mga daliri nito sa tarugo ng kanyang boyfriend.

Sa ginagawang pagtatrabaho ng kanyang kasintahan sa kanyang ari ay nakisasabay na rin si Symon sa pag-ungol ng babae. Ilang sandali nalang ay tiyak niyang lalabasan na silang dalawa. Hindi nga siya nagkamali dahil. . .

“Ayan na, ayan na. I’m gonna explode darling Syme, here it is. . . AHHHHHH! Ahhhh! Ow thank you darling.” Sabi ng dalaga habang humihingal.

“Hmmm, nahuli ka yata? Don’t worry, I can still make you explode!” Pahabol nito.

Hinalikan ito ni Symon sa labi at binulungan: “Just suck me to explosion”

Sumunod naman ang dalaga at sumagot: “I’m your slave Syme, always”

Gusto pa sanang patagalin ni Symon ang langit na nadarama ngunit di na siya maaring tumagal pa.

“AHHHHHHHH! Ahhhhh. . . ahhhh. haaaa. . . haaaa. . .” Pabulong na paghingal ni Symon. Hindi niya nakita kung gaano karami ang lumabas na katas sa kanya ngunit batid niyang marami-rami din ito. Tumayo ang dalaga at nakangiting nilunok ang katas na iyon. . . kahanga-hanga.

“Tsup. . . Tsup. . . Ummm, Tsup. I love you Symon, I’ve fallen in love with you, di ko alam kung kelan ang exact moment, pero tingin ko tumindi ang nararamdaman ko nung haranahin mo ang candidates ng Search for Ms. Intrams 2008.” Malambing ngunit madiin na pagkasabi ng dalaga.

Sa loob ng ilang segundo ay naging tahimik lang si Symon, hinaplos-haplos ang buhok ng babaeng katatapos lang sa pagbibigay ng kaligayahan sa kanya.

“Do you love me Symon Veintura? Tell me. . . Tell me you love me.” Tanong nito.

“Yes I do. I love you too Stella Cadiente, you are the perfect girlfriend for me.” Sagot ni Symon.

3 weeks ago. . .

“This is not really the main agenda of this meeting but something has come to my attention, at sa atensyon na rin siguro ng bawat isa. Ang nangyari kay Mr. Quizon at sa isang istudyante natin ay hindi na dapat pang maulit sa paaralang ito,” madiin na sabi ng Chairman of the Board ng paaralang tinuturuan ni Symon.

Patuloy na nagsalita ang Chairman at gaya ng inaasahan na ni Symon ay napayuko nalang ang mga co-teacher niyang gumagawa din ng katulad sa paulit-ulit nang ginagawa ng may asawang co-teacher niyang si Mr. Quizon – ang manligaw at makipagrelasyon sa mga istudyante. Hindi man niya ito ginagawa, ay napayuko na rin si Symon sa kadahilanang ang ginagawa ng mga nakayuko ngayon ay muntik na rin niyang sinubukan.

Ilang linggo lang ang nakaraan ay sobrang naging malapit na sa kanya si Cindel Fondevilla, isa sa pinakasikat na istudyante sa kanilang paaralan. Hindi niya ito opisyal na niligawan ngunit marami ang nakahalata sa kanyang plano para dito. Hindi naging madali sa kanya ang piniling desisyon, ngunit kailangan niyang panindigan ito, alang-alang sa kanyang prinsipyo at sa kapakanan ng babaeng sobrang napamahal na rin sa kanya.

Sariwa pa rin sa kanyang isip ang mga nasaksihan niya’t narinig ilang linggo lang ang nakaraan: labis na siniraan at ginawang pulutan ng tsismis si Mr. Quizon at istudyanteng naging karelasyon nito, paninira na umabot maging sa ibang mga paaralan. Masyadong lumaki ang issue hanggang sa humantong ito sa pagkasira ng pamilya ng guro.

Dalaga si Cindel, binata siya, ngunit walang pinipili ang tsismis at masamang balita, kaya: “Tama nga ang naging pasya ko.” Tugon niya sa sarili.

Hindi pa rin niya alam kung paanong tinanggap ni Cindel ang kanyang kasalukuyang estado, at hindi pa rin niya alam kung tama ba ang pamamaalam na ginawa niya nang huli silang mag-usap:

Ito ang mas nakakabuti para sa’yo Cind.” ang tanging natatandaan niya sa kanyang mga nasabi.

Higit sa ano pa mang bagay, walang mas mahalaga kay Symon kundi ang kapakanan ng ibang tao, lalung-lalo na ang kapakanan ng mga taong espesyal para sa kanya. Hindi-hinding niya mapapatawad ang sarili kung sakali mang masira ang reputasyon ni Cindel at ng pamilya nito, hinding-hindi. 

Patapos na ang meeting at nag vibrate ang phone ni Symon. Agad niyang binuksan ito at nabasa ang:

___________________

b der n an hour hun… gosh,

how i wish i can quit work &

b ur fultym wyf. c u… tsup tsup

tsup

-darlingstel

____________________

Nalulungkot siya sa klase ng pagtatapos ng kuwento nila ni Cindel, ngunit hindi niya p’wedeng balewalain ang pagmamahal ni Stella. Gaya ni Cindel, matagal din itong lihim na humahanga sa kanya, at pambihira din ang ginagawang sakripisyo nito para magkaroon ng kaganapan ang relasyong ito. Schoolmate ito ni Cindel, ngunit gru-maduate na ito noong nakaraang taon.

Perfect girlfriend din si Cindel. . .

Ngunit sadyang hindi lang siguro sila para sa isa’t-isa.

Back to the present, Fondevilla’s Residence. . .

“Bes, it’s been 3 days and you haven’t spoken a word. Bes ano ba?” Sabi ni Joice kay Cindel.

Simula nang marinig nila ang balita tungkol sa relasyon ni Sir Symon at ng Ms. Intrams 2008 na si Stella Cadiente ay hindi na ito gaanong kumikibo. Sa paglipas ng mga araw ay lalo na itong nangangayayat. Matapos ang ilang minutong pananahimik ay tumulo na ang luha ni Cindel at nagsalita:

“Ito ang nararapat sa akin Joice, kaya dapat kung tanggapin ito. Siguro’y ito ang kabayaran sa nangyari sa amin ni Jack. Tingin ko’y sinisingil na ako sa lahat ng kalokohang nagawa ko. (see 4.0 ) This is it Joice, what you sow is what you reap.”

Hindi alam ni Joice ang isasagot, kaya inilagay nalang ang kanyang kanang kamay sa balikat ng kaibigan

“Naghintay ako ng apat na taon Bes, sobrang mahabang apat na taon. . . Joice Karyl, help me move on. . . please. . .”

“Shhh, tahan na Cind. Hindi lahat ng kuwento ay nagtatapos sa happy ending, but life must go on, Bes. Forget about the Baker Boy and move on.”

ECCENTRICindel 2.0

: : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : :

<<–1.1

->>