“Houseboy” Chronicles: Unang Yugto

Author Name: sage | Source: pinoyliterotica.com

Ang istoryang ito ay orihinal na katha at pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakatulad ng mga tauhan, lugar, at oras sa tunay na buhay o sa ibang pang sulatin ay pawang koinsidente lamang:

The time and setting of this story is pure fiction too. Kaya kahit i-try niyo hulaan kung saan ‘to, you’ll never guess what doesn’t exist di ba?

Unang Yugto: Di-inaasahang Imbitasyon.

Buwan ng abril noon; mainit at maalinsangan ang panahon. Kahit fresh-grad mula highschool, halos lahat ng kailangan kong asikasuhin para sa kolehiyo ay maayos na… or so I thought.

“Ma, ayos na daw ang mga papeles ko para sa scholarship. Pero yung dorm na sinasabi nila hindi daw kasama! Ubos na yung mga dormitories dito,” galit kong sambit sa’king ina sa telepono.

“Nako! Yan na nga ba sinasabi ko, pano yan? Hintayin mo, magpapadala muna ako ng pera pantustos mo. May motel naman sigurong matutuluyan ka malapit jan.”

“Wag na Ma, alam mo namang ayokong masayang pa ‘yang kakaramput nating ipon para lang sa’kin di ba? Kaya nga nag-apply ako sa scholarship eh,”

“Eh pano gagawin mo ‘nak? San ka tutuloy?”

“I’ll find a way ma, tell Billy na namimiss ko na siya,”

“T-teka! -”

Napindot ko na ang “End call” bago pa makasagot ang aking ina. Hmm… bahala na nga! Putanginang buhay ‘to, pag naleleche ka nga naman, lalo pang dadagdagan!

Pero okay na rin siguro, buti na lang mabait ang ina ko. Simula pagkabata naging bestfriend ko na rin. Mas malapit ng lang ako kay tatay. Nang mamatay siya, binilhan ako ng aking ina ng isang maliit na tuta bilang bagong kalaro. Ayun naman si Billy. Askal, pero mapagmahal.

Habang ako’y nagkakamot ng ulo kakaisip ng paraan, di ko namalayan na may nakatabi na pala sa’kin sa bangkong inuupuan ko.

“Are you okay?” sambit ng katabi ko.

“Gah!”

“Gulat na gulat ka ha? Seriously, are you okay?”

“Ahhh… haha ayos lang. Pasensya na, di kita napansin,” sagot ko.

“Forgive me for being pakielamera. Pero, it seems like you’re looking for a place to stay, I’d like to offer somewhere and I’m sure you’ll like it. Are you interested?” sabi niya. Parang wala halos akong narinig sa mga sinasabi niya. Hindi ako makapag-focus sa pag-uusap namin. It’s not everyday na makakakita ka ng ganitong kagandang babae. Cute, kakaibang ngiti, napakaganda ng hubog ng katawan kung titingnan.

“Hey!” sigaw niya.

“Ah-ah… okay lang, sorry natulala ako.”

“Don’t worry, I get that a lot,” sagot niya sabay kindat.

“I can imagine.”

“You still aren’t answering my question. Are you, or are you not interested?”

*Sa’yo? Oo! “Ah-ah oo! and where can I find this place?”

“Hahaha… you look so cute when you act messed up. Anyways, it’s only a few blocks through the campus. But there’s a catch,”

“Catch?” *Huhulihin? Pwede ba puso mo na lang?

“Yep. Since you told your mother na wala kang pangtustos, I presume you’ll needing a job too.”

“Oo, is it offered there too?”

“Yeah! You’ll be doing trivial chores, maghugas ng plato, maglaba, may mga palinis-linis din at security guard kung saka-sakaling may parties. But don’t worry, you’ll be offered with a room, food which YOU’LL be cooking for all of us, plus you’ll get paid!”

“Wow, w-wait a minute. All of us?”

“You’ll see,” sagot niya sabay kindat sa akin at ako’y hinatak papalayo. Kahit ako’y varsity ng swimming at amateur wrestling sa luma kong school? Dali-dali niya akong nahila patayo at nahatak sa kung saan man kami papunta. Medyo malayo-layo din ang aming naitakbo, wala halos taong nakapaligid sa’min kundi sa may kalayuan.

“Now you’re probably asking why I brought you here,” sambit niya bigla ng kami’y tumigil sa pagtakbo.

“Medyo, considering na malayo-layo na tayo sa motor ko. What are we doing here anyway? Wala halos tao oh!”

“Stop complaining, that’s the whole fucking point. I was about to tell you about your job.”

“What about it?”

“You see. Medyo secret ang sasabihin ko sa’yo.”

“Okay, shoot,” sagot ko na medyo naiinip na sa antisipasyon

“You’ll be working… for a sorority.”

“Sorority? Huh, so that’s where it’s going?”

“Yeah, you’ll kinda be the houseboy kumbaga,”

“Houseboy? Okay lang sa’kin!” *Sanay na’ko sa kahirapan. Parang at home na rin siguro ‘to.

“Well, I sure hope you can cook. ‘Cause you’ll be doing a whole lot of it.”

“Ha! Watch me. Professional cook ata ‘to!… sa panaginip.” Nagtawanan kami sa sinabi kong ‘yon. I just heard the sweetest laugh I’ve heard in a long time. Kung ganito ba naman kaganda’t ka-sexy lahat ng nasa sorority niyo, bakit pa ‘ko tatanggi?

“Know what? I’m starting to like you. Keep that up and baka tanggapin ka nila.”

“Nila?”

“Of course! Do you think na makukuha mo yung job na ganun kadali? You have to get their approvals too.”

“And how many should I impress?”

“Other than me? About 20 others…”

*20! Tangina ang swerte ko naman kung lahat kasingganda mo! sabi ko sa sarili ko.

“Do you hear someone talking?”

*Bukod sa puso ko? Na sinisigaw “IKAW! IKAW! IKAW!”

“Seriously, may parang spiritong bumubulong,”

“No, not at all” sagot ko.

“Anyways, come with me. Meet the girls, they’d love to check you out.”

“I’d be honored.”

Nakangitin niya akong hinatak papalayo…

Itutuloy…

~lilshade’96~

Leave a comment/message me at [email protected] if you want me to continue the story ;)