“Beauty en da Geek” pt.5

Author Name: PANCIT CANTON | Source: pinoyliterotica.com

Note: Nagpapasalamat po ako sa sobrang dami ng sumabaybay sa kwento mga dalawa yata kayo. hahahaha!! joke!. Eto po yung kasunod sa madaramang story ni Emong salamat po.

Chapter 5:  First kiss

WWAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!! BLLLAAAAAACCCKKKKKK AAAAARRRRMMMMPPPPIIIIITTTTTT!!!!!!!!!!!!!!

Nagising ako sa isang masaklap na panaginip pawis na pawis. Parang may “AfterShock” pa ang lahat, tulala pa rin sa mga nangyari kahapon. Naalala ko ang nangyari sa jeep, yung nangyari sa classroom kasama si rhian at ang gang initiation sa mga kamay ni tonyang.

Na-isip ko rin kung sakali natuloy ang gang initiation malamang hindi na ko virgin, pero parang mali naman ang ganun para kasing napilitan lang. Gusto ko kasi is willing ang dalawang tao na mag sex para enjoy hehehe!… Eh mukang si Tonyang lang ang masaya sa pinagagawa niya kahapon eh Wag nalang!.

Bumangon na rin ako at nagbihis para di ako abutan dito sa bahay. Pagbaba ko sa hagdan dumersto agad ako sa kusina para doon lumabas, kung sakaling gising na ang mga tao hindi nila ko mapapansin. Ngunit may narinig akong kumakanta sa bandang likod bahay baka si nanay yun kaya sinilip ko muna.

Si kuya pala nagsasampay ng damit naka tapis ng tuwalya hanggang dibdib at may isa pang tuwalyang naka balot sa ulo niya at kumekembot-kembot pa habang kumakanta…

“Pen pen de chorvaloo”

“De kemerloo de eklavoo”

“Hao hao de chenelyn de big yuten…”

Naisipan kong gulatin siya para mabuking na ang kabaklaan nitong kuya ko, kaya pumunta ako sa may pinto sa likod bahay at…

“Goldness filak chumochorva”

“Sa tabi ng chenes…”

“HOY!! Kuya gising ka na pala!!” sigaw ko sa likod niya habang kumakanta siya.

“AAYY!! UUTTENG MAALAAKIII!!!” Gulat na tili ni kuya.

Mabilis niyang tingal yung tuwalya nakabalot sa ulo at binaba hangang bewang yung isa.

“Ah Este Bro, Anu ba ginagawa mo dito!! Bakit nandito ka sa bahay!!” Pagalit na sabi ni kuya.

Biglang bumaba at lumaki ang boses na parang kay Ben Tulfo pero kani-kanina lang mala Rhianna ang Baklushi!!..

“May kinuha lang akong gamit.. tulog pa ba sila tatay?” sabi ko habang napansin ko puro damit pang dalaga ang sinasampay niya. May mini skirt, tank top, tong at iba pang pambabaeng damit.

“Ah, nilalabhan ko lang ang damit ng girlfriend ko kasi mahal ko siya!!”pagsinungaling agad niya,

Napasin niya siguro na nakatingin ako sa sampay, Pero alam ko naman na sa kanya yan kapag nagta-transform siya into badinggarshi!!

“Kasi mamaya dadalhin ko sa kanila to tapos magse-sex kami, You know kasi may girlfriend ako so we will have sex…girl at boy having sex … nagdidikit ang organ!”dagdag pa ni kuya para maniwala ako, eh ang tanong ko lang naman kung tulog pa sila erpat.

“So tulog ba sila tatay?” tanong ko ulit.

“Wala sila nanay at tatay dito, lumawas sa probinsya at bukas pa ang uwi dahil may aasikasuhin daw.” Sabi ni kuya ala ben tulfo.

Kaya naman pala feel na feel pa ng baklang to mag-ala lady gaga kung kumembot kanina kasi walang tao sa bahay.

Ewan ko ba dito sa kuya ko, ayaw nalang kasi mag-out na at sumigaw ng DARNA!!! IM GAY!!! Para masipsip na niya ang gusto niyang sipsipin ng hindi nagtatago sa iba.

Siguro natatakot parin siya kung ano magiging reaction nila erpat pag nalaman nila na ang kanilang anak ay isang nakukulay na alitaptap!! Hehehe! Umalis na rin ako agad bago pa niya I demonstrate sakin ang tamang pagamit ng Anal beads.

Nakalipas ang 4 days hindi man lang nag text sa akin si rhian, gusto ko sana siyang i-text kaso lang nahihiya ako at malinaw ang pagkakasabi niya “Text nalang kita ha” pero wala naman. Mukang wala naman talagang balak mag-aral yun at inuto lang ako para ilibre siya ng miryenda!

Matatapos na ang klase sobra ang lungkot ko parang Lenten special ang mukha ko. Habang nagsusulat ako sa notebook may biglang tumunog “Tit! Tit! Tit! Tit!”… may nag text.. “OH PLEASE LORD LET IT BE HER!!!!” Promise hindi na ko mambo-boso… intentionally at mabilis na sinilip ang cellphone ko sa bag at binasa ang message

“gud am po, Im free 2mrow

Kng pwde k mit tyo sa mcdo t. sora..*lowbat*

#!@*!!>.<*!!! IN@!!! Bakit ngayon pa!!

Na-drain ang baterya ng hinayupak na cellphone na to!! Kasing laki na nga ng pencil case, nauubusan pa. bullsyet talaga di tuloy ako mapakali baka maghintay ng reply si rhian…

“Mr. barbero! Natatae ka ba? bakit kanina ka pa patayo-tayo dyan!!” Sigaw ni Sir sakin kasabay ng tawanan sa loob ng klase.

“Sori po sir!”sabi ko nalang, pero wala na sa isip ko sa pinagagawa sa amin at napunta sa hindi na basang text.

Parang ang bagal ng oras hindi pa kasi tapusin nitong Sir ko yung mga pinagsasabi niya at nagiging slow motion pa ata ang pagdidictate…

“tttthhhhheeeee pppprrroooopppppeeeerrrrttiiiieeeeesssss ooooooffffff  pppppooooollllliiittttiiiiccaaaallllll….”

Waaa!! Mamaya galit na si rhian at magtext na ng iba yun…

*Oi Emong kla ko b we wll wrk 2geder why r u not txtng me!! Ihate u!!*

*Oi Emong Meybi wer not ment 2 be, kc 1 txt lng d k mgreply* o

*Oi Emong Im choosng Dacks as a prtner kc his matchete luking not lyk u*

“OOOHH NNOOO AY-KENT-ISTAN-DIS-ENIMUR!!!” Sigaw ko

“Mr.Barbero why are shouting!! Galit na sabi naman ni sir at tawanan nanaman ng buong klase.

After ng madugong paghihintay tumayo na si Sir at pagkasabi palang ng “Class Dismiss” ZOOOOOOOOOOOOMMMMMM!!!!!

“Runaway Snatcher” ang ginawa ko para lang makabalik agad sa dorm at ma i-charge ang phone ko.

RHAIN MY LOVES HERE I COME ZOOOOOOOMMMMMMMMM!!!!! HEHEHE!!!!!

Saturday Morning this is the day kaya todo ligo ako sa banyo, hinilud ang kasingit-singitan hanggang sa kasuluk-sulukan ng katawan. Nag jogging din ako for conditioning kung sakaling masasabak sa matinding banatan hahahay!!!

Nag akyat panaog ako sa hagdan ng dorm, ngunit wala pang dalawang balik gumagapang nako paakyat. Hindi maganda ang naging resulta dahil hindi na ako makahinga, kaya bumalik nalang ako sa kwarto at nag ayos.

Sinuot ko ang pinamanang damit ng aking lolo na “Polo-de-Hukay” with instant pabangong amoy mothballs at ang aking pantalong  ka-kailanganin ang breathing apparatus para makahinga ang bayag. Lagay ng aking eyeglass sabay tingin sa salamin Wow jologs pa din! Parang wala nagbago sa ilang oras na paghahandang ginawa ko buwisit!!

9am pa ang usapan pero di naman ako exited kaya dumating ako sa mc’do ng 8am. Sa labas nalang ako maghihintay para hindi na magpalibre si rhian at baka maglakad pa ko pauwi.

Tumabi ako sa statue ni Ronald Mcdonald na nakaupo sa banko. Hanep rin pala tong si pareng Ronald kahit tirik ang araw namumuting parang espasol, samantalang si manong guard ngipin lang ata ang hindi nangitim.

Makalipas ang dalawa’t kalahating oras nakatulog nako kakahintay. Humaba na ang buhok sa ilong hindi pa siya dumadating, mukang inidian ako ng gaga!

Sa sarap ng tulog ko napakayap pa ko kay pareng Ronald na chill na chill sa pagkaka-dekwatro habang ang isang kamay nakalatag sa sandalan, nagmukha tuloy kaming magsyota na naglalampungan sa park.

Ilang sandali lang may biglang kumalabit…

“Hoy mukang ang sweet ninyo nang ka-date mo ha! Hahaha!!” si Rhian pala dumating din at nang-asar pa.

“’Wag ka nga magulo nag mo-moment kami ng boyfriend ko diba Papa hahahaaayy!!” sabi ko sa kanya na pabading, tawa tuloy siya ng tawa

“Baliw! look pareho pa kayo ng shoes oh hahaha!!!” asar pa ni rhian sakin.

“Sus di mo ba alam the bigger the shoes,the bigger the…. You know hehehe!! Di ko na tinuloy yung sinabi ko

“Anong bigger ikaw ha!” sabi ni rhian

“Eh di the bigger the feet ikaw talaga napaka green-minded mo noh WAG GANUN!! Bawi ko sa kaniya.

“Hahaha!! tara na nga puro ka kalokohan, sayang paa lang pala akala ko kung ano na hihihi!!”landi niya.

“Ay teka kiss ka muna sa boyfriend mo!!” pigil niya sakin bago ako tumayo sa upuan.

“Hala! Anu ako bale, Ikaw kaya gumawa nun na isip mo” sabi ko sa kanya

“Dali na kasi! Sige hindi tayo aalis dito” pananakot niya sakin na parang bata.

Ewan ko kung paano niya ko napapayag sa kakulitan niya, natatawa tuloy yung mga tao sa loob ng fastfood. Masarap kaasaran itong si rhian yung tamang hindi ka mapipikon at alam mo nagbibiro lang sayo.

Sumakay kami ng tricycle napasin ko ang makinis niyang legs sa suot niya short-shorts at sando, nag-init tuloy ang katawan ko. At ang bango-bango niya talaga para akong nahi-hypnotize sa amoy niya.

Pumasok kami sa isang subdivision at huminto sa malaking bahay. Sabi na tama ako ng hinala, Mayaman sila dahil bungad palang titingala ka sa laki ng bahay. Kahit hindi kita sa mga sinusuot niyang damit ang pagiging maykaya sa buhay, nasa itsura naman mapapansin.

Sa kutis palang niyang pang artista na kahit maalinsangan ang panahon fresh na fresh parin ang dating at may posturang elegante kung kumilos, hindi katulad ng mga babaeng dalaga sa barangay namin na kakangkarot at kumekerengkeng.

Pumasok na kami sa gate, ang ganda ng garden nila dahil sa dami ng nagkukulay na bulaklak at sa may garahe may dalawang sasakyan isang pajero at isang BMW. Tinanong ko siya bakit di niya ginagamit ang sasakyan nila pag pumapasok sa skul, ang sabi lang niya mas sanay na raw siyang magcommute.

Pumasok kami sa loob ng bahay marmol ang flooring at ang laki ng sala, maaliwalas sa loob at maliwanag dahil pumapasok ang sinag ng araw sa naglalakihang bintana. May matandang babae na nakaupo sa may rocking chair na nilapitan ni rhian…

“LOLA NASAAN SI YAYA MEDING!!!” sigaw ni rhian sa tapat ng tenga ng lola pala niya. Nagulat ako sa ginawa niya

“Hoy! Grabe ka naman bakit mo sinisigawan yang lola mo?!” sabi ko sa kanya.

“Tangek!! May pagkabingi na tong si lola ko kaya nilalakasan dapat ang boses para marinig niya” sabi naman ni rhian sakin.

“Oh rhian apo andito ka na pala! Sino itong kasama mo?” tanong ng matanda kay rhian

“LOLA KLASMEYT KO PO SA SKUL MAY GAGAWIN KASI KAMING ASSIGNMENT KAYA ANDITO SIYA” Sigaw na naman ni rhian

May kinuha si rhian sa kalapit na table at kinabit sa tenga ng lola niya. Sakto naman ang pagsigaw ko sa tapat ng matanda..

“LOLA!! MAGANDANG UMAGA PO AKO PO SI EMONG…”pero di ko na natuloy ang sigaw ko dahil nagalit si lola.

“ABAY BASTOS TONG BATANG TO HUWAG MO NGA AKONG SIGAWAN HINDI AKO BINGI!!” sigaw din ni lola na may nakakabit na palang hearing aid sa tenga.

“Sorry po! Sabi ko ng may pagkapahiya dahil hindi ko nakita na may kinabit pala si rhian na tawa ng tawa sa may sofa.

Iniwan muna ko ni rhian sa sala para hanapin ang yaya nila. Halos pagpawisan ako sa masamang titig ng lola niya sakin, hindi man lang kumukurap ang mata at mukang nagalit ata sa nangyari kanina.

Na-iilang tuloy ako buti nalang lumabas na si rhian galing kusina nila at sabing wala daw ang yaya meding nila baka sinundo yung isang kapatid niya, so may kapatid pala siya…

“Rhian naglalandi ata iyang lola mo, kasi ang lagkit ng makatingin eh oh” bulong ko kay rhian pagkaupo niya sa tabi ko na napabungisngis na naman.

“Lola doon na lang po kami sa may garden gagawa ng assignment. Tara na Emong” sabi niya sa lola niya at tawag niya sakin.

Doon kami sa labas ng bahay kung saan may maliit na coffee table at tatlong maliit na upuan malapit sa hardin nila, iniwan muna ako ni rhian para kunin yung laptop niya sa kwarto.

Habang naghihintay ako biglang bumukas yung gate at dumating ang isang matandang babae at isang matabang batang lalaki siguro eto yung yaya nila at kapatid ni rhian. Naka gradeskul uniform yung bata na may dalang trolly at lumapit sakin.

“Hoy! Tsino ikaw?!” tanong nung batang mataba sakin habang yung yaya nila nginitian lang ako at pumasok na sa loob.

“Ah Ako si Emong…” sabi ko pero sumbat ulit siya.

“Boypren ka ni ate ko?” tanong niya.

“Ay! Hindi klasmeyt ko lang ate mo!” paliwanag ko agad.

“Dyapat lang katsi panyet panyet mo, lahat ng Boypren ni ate ko pijo!!” sabi ni tabatsoy,

Malditong bata ito lakas manglait samantalang kamukha nga niya si mojako na bumilog sa katabaan.

“Penyeng pera! Bilis!” dagdag pa niya matapos akong laitin nanghihingi pa.

“Ano! wala akong pera at bakit naman kita bibigyan?” sabi ko

“Penge tsabi eh! Sige tsutsumbong kita ke ate ko!” sabi ulit ni tabatsoy.

“Ano naman isusumbong mo wala naman ako ginagawa sayo!” sumbat ko, pero bigla siyang sumigaw

“AAATTEE SI EEMMOONG NIHAHAWAKAN BATUTOY KOOO!! Sigaw niya bigla.

Anak ng baboy ginawa pa ko pedophilia ni taba! Biglang dumungaw sa bintana si rhian…

“Hoy Chito!wag mong guluhin si Emong dyan, Umalis ka nga dyan!” Pagalit ni rhian sa kapatid niya

“AAAhh napagalitan si chito hehehe! Tabachito!! Hahaha taba-taba-chito! Taba-taba-chito! Siguro you ate all your classmate that’s why your so big HAHAHAHA ARRRAAYY KKKUUPPOOO!!!!

Napayuko ako sa sakit kasi sinipa ako ni taba sa alulod at pagka yuko ko pinompyang pa niya ang magkabila kong tenga at nagtatakbo sa loob ng bahay.

“tsi pa tayo tsapos payatot!!” Sigaw niya, sakto naman sa paglabas ni rhian at nakita akong namimilipit sa sakit.

“Oh na pano ka?” Pagtataka niya

“May pagka sadistic nga talaga lahi ninyo ano” sabi ko naman.

“Anu?” tanong niya

“Ah eh wala, so anu gagawin naba natin yung assignment” sabi ko nalang.

“Oh eto yung laptop open mo na walang password yan, help ko lang si yaya sa pag prepare ng food natin.” Sabi niya

Habang wala siya binutingting ko muna yung laman ng laptop niya baka may good stuff o baka may terrorista plan siya para pabagsakin ang united state, malay natin for the sake of mankind naman tong gagawin ko hehehe!!… Shit wala akong nakita, ni isang naked picture ni rhian wala sayang haaayyss.

Nakita ko na may laman pa ang recycle bin kaya binuksan ko na rin at may nakita ko isang folder “Happiness” ang name. Yes! mukang magiging happy ako kapag binuksan ko ito kaya inopen ko agad.

JAACCKKKPPOOTT!! I found the Yamashita treasure! mga photo ni rhian ang cute niya grabe, mayroon yung nasa bed siya while listening sa ipod niya, yung iba nasa practice ng cheerdance nila, Cheerleader pala siya at yung mga kuha niya wow! Patitigasin lahat ng pwedeng tumigas sa katawan.

May nakataas yung legs niya, mayroon yun naka tuwad siya kita panty shorts abay teka mukang boserong manyak kumuha neto ha!  puro kasi sa maselang bahagi naka focus instead na sa sayaw nila.

Shit! sayang walang kong USB di ko tuloy ma i-save, I me-memorize ko nalang para mamayang gabi uungol ang werewolf habang sakal-sakal si anaconda hehehe!!

Paglipat ko ng picture may photo siya na kayakap ang isang lalaki Ouch! It hurts!! mukang boyfriend niya to, masaya sila at guwapo yung lalaki, alam ko malayo sa level ko ang dating niya sa itsura palang wala na akong binatbat. Grabe ang sakit! sana di ko nalang binuksan…

“BAKIT MO BINUKSAN YAN!!” galit na galit nasabi ni Rhian na nasa harapan ko na pala. Kinabahan ako dahil nagbago ugali niya.

“I’m sorry di ko sinasadyang buksan” sabi ko agad dahil nakikita ko sa mukha niya ang pagka-inis habang nag close sya ng recycle bin pero hindi niya binura yung folder.

Tahimik lang kami gumawa, badtrip mukang badshot nako sa kanya, gusto ko pa namang itanong kung boyfriend niya yung lalake ngunit iniisip ko na baka lalo lang siyang magalit.

Nagtataka din ako kung bakit nasa recycle bin na yung mga photos nila. Nagsisi tuloy ako sa pagiging pakialamero ko dahil dun mukang iba na magiging tingin niya sakin. Maya-maya pa biglang nagsalita si rhian…

“Sorry if I shouted at you ha” sabi niya sakin habang nagsusulat.

“Hindi ako dapat magsorry sa mga ginawa ko” nahihiyang sabi ko.

“ Let’s just forget nalang yung nagyari at para magawa natin tong work ng maayos, Okey ba yun?” sabi niya nang naka smile.

Ang bait talaga niya kaya iba nalang ang pinag usapan namin habang gumagawa ng assignment. Nagkwento nalang siya about sa family niya na ang mommy at daddy niya ay hiwalay na at ang mommy niya ay nasa Canada working while yung daddy niya may sariling pamilya na. kaya siya na parang nagiging parents ni chito kasi kada 6 months lang umuwi ang mommy nila.

Okey na ulit ang lahat parang nakalimutan na ang situation kanina, enjoy na ulit kaming gumagawa ng assignment pasira lang talaga yung kapatid niyang tabatsoy na sinusumpit ako ng monggo sa tabing bintana ng bahay.

“CHITO! Pag ako pumasok diyan malalagot ka sakin!!” suway ni rhian sa kapatid niya.

Sa isip-isip ko may araw ka rin saking tabatsoy ka hehehe!!

Maganda ang naging grades namin sa first group assignment at ganun uli ang mga ginawa namin sa mga sumunod. Minsan sa library kami nagkikita at minsan sa lobby ng dorm kami gumagawa. Masaya si Rhian dahil ngayon lang daw niya naranasan makakuha ng mataas na grades.

Isang araw sa bahay ulit niya kami gagawa ng assignment iniwan na naman niya ko sa sala. Buti na lang wala si lola sinamahan daw ng kanilang yaya mag exercise sa park.

Biglang dumating na naman si taba naka all black get up naman ngayon, may eye-liner sa mata at parang dinilaan ng kalabaw ang buhok, pansin din ang kunwari laslas sa pulso na halatang sinulatan lang ng pentelpen. Ngayon lang ako nakakita ng gradeskul na Emo baka problematic sa pagiging mataba hehe!!

“Oie!! “ESKELE-BONES” dyito ka nanaman!!!” Sigaw niya, mukang naghanda ng pang-aasar sakin.

“Skele-bones? Anu namang word yun hahaha!!” sabi ko

“Basta Eskele-bones ka!” sumbat ni tabatsoy ulit.

“Sayang bibigyan pa naman kita nito oh, kaso inaasar mo ko” nilabas ko sa bag ng hinanda kong bote ng“C2-dador”

Pinaghalong C2 ice tea at alak, nalaman ko kay renan kung paano magpasok ng alak sa skul nung grade six kami. Agad naman inagaw ni taba sakin at nilagok ng straight…

“GLOK! GLOK! GLOK! Yan Skele-bones hik* dyapat mabatit ka tsakin para di kitsa ni-aaway hik*” sabi ni taba at biglang bumagsak sa sofa at nakatulog si Tabatsoy, sweet revenge! hehehe!!

“Oh Anu nangyari dyan?” saktong pagdating na ni rhian na itago ko na yung bote ng C2.

“Aaarrrgghhh! Burp*” Dumighay pa si tabachito.

“Ah E baka na pagod kakalaro” sabi ko habang si taba nakabulagta sa sofa at nakanganga pa.

“Pwede ba pakibuhat sa kwarto niya dun sa far left corner sa taas, para hindi sagabal sa work natin” utos ni rhian sakin.

NOOOOOO!! Ang bigat kaya nito! Hindi naman ako matador para bumuhat nang pinatulog na baboy, mabali pa spinal cord ko dito noh!

Wala naman kong nagawa binuhat ko din, ang taas pa naman ng hagdan at talagang nanakit ang kalamnan ko pagdating sa kwarto ni tabachito. mukang nagback fire tuloy ang masamang ginawa ko.

Binagsak ko na lang siya sa sahig kasi di ko na talaga kaya, tapos pinagulong-gulong ko na lang papunta sa may gilid para di matapakan na parang ebak.

Paglabas ko nasa tabing kwarto si rhian…

“Emong dito nalang pala tayo sa room ko kasi mamaya magvi-videoke sila lola” sabi ni rhian.

Napaisip ako paano naman magvi-videoke yun eh hindi na nga makarinig at Malabo pa mata. Di ko na inalam baka mamanhid lang ang utak ko sa ka-iisip.

Napangiti nalang ako dun sa sinabi niyang dun kami sa kwarto niya gagawa ng you know… assignment hehehe!!

“Hoy anung ngini-ngiti mo dyan ha!! Subukan mo lang na gumawa kalokohan at sisiguraduhin ko sayo isusugod ka ng orthopedic mamaya” pananakot niya dahil nakita niya kong nakangiti na parang may maitim na balak.

Pumasok na kami sa kwarto niya at ang laki din pala, parang pang bata kwarto sa dami ng stuff toys, may maliit na banyo sa loob at terrace din. Umupo ako sa sahig kasi walang maupuan at ayoko naman sa kama baka iba isipin niya. Nakita ko may mga bala ng dvd at puro fairytale movies pa sa tabi ng malaking lcd tv.

“Favorite ko mga yan, Guess mo kung anu ang pinaka gusto ko!” Sabi niya dahil napansin pala niya kong nakatingin sa mga yun.

“Anu naman yun?” tanong ko habang tinitingnan ko isa-isa ang mga ito.

“Hulaan mo nga Eh! Clue! feeling ko ako yung bida pag pinapanood ko siya” dadag pa niya parang bata.

“Sino? si SHREK!! Hahaha!!” asar ko sa kanya

“Gago! Iwan nga muna kita dyan maligo lang ko, start kana sa assignment natin” sabi ni rhian.

Iniwan niya ko para maligo, gusto ko sana bosohan kaso ayokong mabalian ng buto kaya behave nalang muna ako. Nagkalikot nalang ako ng gamit niya sa kwarto at nakakita ako ng photo album mga picture niya nung bata pa siya.

Nyaaa!! Tabachingching din pala siya noon katulad ni chito hehe pero cute. Meron nung highskul nila, sexy na siya dito at sumasayaw sa dance contest baka mahilig talaga siyang sumayaw.

Meron din graduation picture grabe ang ganda niya dito, Hindi naman siguro ako huhulihin ng MMDA kung kukuha ako ng isa kaya kumuha ako at nilagay ko sa bag ko. Hehehe!!

Pagkatapos maligo ni Rhian bumalik na siya sa silid at iba na ang damit niya, razorback na sando na nakikita ang cleavage niya at pekpek short. Ultimate Hard-on na ata penis ko sa nakita ko at yung pabango niyang pumapasok sa aking ilong papunta sa aking utak na nagsasabing Smells good taste even better NYAHAHAY!!

Gumagawa na kami ng assignment at di ko maiwasang sumulyap sa cleavage ni rhian kaya napansin niya tuloy ako…

“Gusto mo hubarin ko na lang sando ko para hindi ka nahihirapan dyan” sabi ni rhian. Nakita pala niya ko nakatingin.

“Ha! Anu yon?” kunwari ko na parang di alam yung sinasabi niya.

“Asus! Utot mo! Kanina ka pa nga tingin ng tingin sa boobs ko playing innocent ka pa dyan” pambuking ni rhian sakin.

“Sorry! Di ko sinasadya, kumukuha lang naman ako ng inspiration para ganahan gumawa ng assignment hehe!!” palusot ko.

“So kailangan mo pala ng inspiration ganon…” sabi niya.

Lumapit siya sakin at dumikit yung katawan niya sakin kaya nakuryente ako. Iba ang naramdaman ko bigla parang nanginig ang buong katawan ko.

“Oh! Bakit ka nanginginig?” sabi niya at lumayo ako ng konti pero lumapit na naman siya.

“Oh lumalayo ka naman ngayon hihihi!!” sabi niya habang umuurong siya palapit sakin, ako ang naman lumalayo.

“Ah Eh.. bigla kasing uminit sa room eh!” sabi ko na nauutal ang boses.

“Talaga Eh aircon naman ha! Hihihi!” sabi niya ng na-corner ako sa sulok.

“Teka lang nga ha! matagal ko na kasi ito napapansin eh, may itatanong lang ako pero wag ka magagalit ha” sabi ni rhian.

“Anu naman yon?” tanong ko din.

“Virgin ka pa ba?” tanong niya sakin.

“Ha! A…ah…eh… kasi..” hindi ako makasagot dahil nahihiya ako aminin.

*Ay’m e Bergen, Tats por da beri pers taym!… AAAy’m a Beehehergen!!! Wen yur hart bet neks tu mayn!* kanta ni lola sa sala

Wow Men!! Ayos sa timing tong si lola Madonna na nagvivideoke na pala sa sala. Tawa tuloy ng tawa si rhian.

“Okay Oo na virgin pa ko, paano mo naman nahalata!!” sinabi ko na dahil buking narin at napabungisngis pa siya.

“Wala lang kasi sa mga reaction mo tuwing nagkakadikit tayo ganun and some other stuff too, pero seriously virgin ka pa eh yun mga naging girlfriend mo?” tanong niya at ang laki pa ng ngiti parang nang-aasar kaya napasimangot ako.

“Eh di ko kasi priority ang pagi-girlfriend, demanding ang mga girlfriend gusto ganito, gusto ganyan…” ginaya ko yung sa commercial at tawa siya ng tawa.

“HAHAHAHA!! Laaaiiiiiirrrrr!!!” asar pa niya.

“Fine!! Eh sino naman kasi papatol sakin, kahit gusto ko man magka-girlfriend wala naman magkakagusto sakin!” sabi ko na may pagka-asar.

“Tsaka gusto ko naman kasi if ever I lost my virginity sa girl that I love and who loves me din, Eh kung desperate nga lang ako edi pumatol na ko sa prostitute diba” dagdag ko pa.

“Alam mo ang baba kasi ng tingin mo sa sarili mo, Hindi ka naman panget ha!” sabi niya.

“Sus wag mo na akong bolahin tangap ko naman di ako nabigyan ng good looks katulad ng iba” sumbat ko

“Hindi ka nga panget okay, di ka lang marunong magdala sa sarili mo. Tapos wala ka pang self confidence”sabi niya tapos bigla niyang tinangal yung eyeglass ko.

“Oh cute ka naman pala eh pag wala eyeglass mo!!” sabi niya,

lumabo paningin ko pero tinalo ko ngiti ni joker na kita na halos ang ngala-ngala. Natuwa naman ako sa sinabi niya.

“Hahaha! Yung smile mo lampas tenga!… Wait! What if I can help you with you problem pero syempre tutulugan mo rin ako sa problem ko, okey ba yun sayo!” sabi ni rhian sakin.

“Anu?” sabi ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

“I can help you to look good para ma-atract ang mga chicks sayo at para maligawan mo rin yung crush mo kung sino man yon” sabi niya

“Babaguhin natin yang pananamit mo kasi ang baduy hahaha!! Iyang hairstyle mo papalitan din natin, and also the way you talk sa mga girls, importante yan para maka Da-moves kana hahaha!! Paliwanag niya

Gusto ko sana siya nalang ang ligawan ko pero natatakot pa rin akong aminin sa kanya. Kaya hahayaan ko nalang muna dahil mukang maganda naman ang plano niya.

“So ano naman ang maitutulong ko sayo?” tanong ko

“Simple lang tutulungan mo ko sa mga subject ko hindi lang dito sa subject natin sa psychology pati narin sa iba dahil alam ko naman na genius ka at sigurado ako na hindi ka mahihirapan” paliwanag ni rhian.

“Sure yun lang pala eh, pero tingin ko ikaw ang mahihirapan kasi mahiyain talaga ako sa babae. Kung di nga lang tayo na assign na magpartner baka di rin kita kinakausap” hamon ko sa kaniya.

“Kaya nga tutulungan kita para mawala ang hiya mo sa girls eh” sabi niya

“Paano mo naman gagawin yun” sabi ko

Napakagat siya ng labi at tiningnan ako ng matagal parang may ini-isip tapos bigla siyang lumapit at tumapat sakin tenga ang bibig niya at may binulong…

“Hmm naka halik ka na ba ng babae…” bulong niya na halos nakiliti ang buong katawan ko.

Nagkadikit ang pisngi namin tapos unti-unting dumudulas paurong, nang nagkatapat ang mukha namin halos magkadikit na ang labi namin at ilong. Talagang nagkandaduling ako kakatingin sa mata niya pababa sa labi niya samantalang si rhian ay steady lang na nakatitig sakin. Di ko alam ang gagawin ko, bigla siyang nagsalita…

“What were about to do is purely educational so be attentive hihihi!…. Lesson One..” sabi niya

Dahan-dahan lumapat ang labi Rhian sa labi ko halos nanghina ang buong katawan ko, kung nakatayo lang siguro ko baka bumigay ang tuhod ko at natumba. Inipit niya ang itaas na labi ko kaya napagaya ako at inipit ko rin ang ibabang labi niya grabe ang lambot ng lips niya at ang bango ng hininga niya, sinisip naman niya ang ibabang lips ko at ganun din ginawa ko kaya nalasahan ko ang laway niyang matamis. Bigla siya tumagilid para mag sara lalo ang mga labi naming at humawak siya sa batok ko.

Ako naman hindi ko alam kung saan hahawak, tatanga-tanga pa kong humalik pero ang sarap talaga parang na-iiwan ang lasa ng bibig niya. Naramdaman ko pumapasok yung dila niya sa bibig ko kaya binuka ko ng konti at nahanap niya ang dila ko, naglaro ang aming  mga dila at tumagal ang aming halikan sa di ko malamang minuto dahil nawala ako sa aking sarili.

Matapos maubusan ng hininga humiwalay din siya sa labi ko at siyang sunod naman ng labi ko na parang gusto pang humirit. Tumingin na naman siya sakin at ako naman nakapikit parin parang nasa alapaap pa at ninamnam ang halik ni rhian.

Ako na yata ang pinaka maswerteng nilalang dahil ang first kiss ko ay sa pinaka magandang babae pa na hulog ng langit, ika nga na halikan ako ng anghel “kiss of an angel” Pagdilat ko nagkatitigan kami ng matagal….

Tumahimik sa buong kapaligiran….

Walang nagsalita……

Maya-maya nagsalita siya…

“Ready ka na” sabi niya

“Saan” sabi ko

Bigla niyang hinubad yung sando niya at nakita ko ang napaganda niya katawan.

“Lesson 2”

cont…