Sexcapades

Author Name: shara | Source: pinoyliterotica.com

MASAMA ANG PANAHON nang gabing iyon. Na-stranded ang bus na sinasakyan ni Rocco pabalik nang Maynila. Kaya napilitan siyang maghanap ng pansamantalang matutuluyan. Basang-basa siya sa ulan.

Ito ang unang gabi ni Rocco sa silid na inuupahan. Napadpad kasi siya sa isang probinsiya at dito na inabutan ng sama ng panahon.

Sa kahirapan na makakuha ng mauupahang silid sa motel, sa isang bahay-Kastila siya natuloy. Wala na kasi siyang choice, kundi ay wala siyang matutulugan sa gabing iyon.

Tanging ilawang gasera lamang ang nagbibigay-liwanag sa silid na inupahan ni Rocco. Maayos naman ang silid na may kalumaan na rin naman. Mabuti at hindi muna siya pinagbayad ng may-ari na sumalubong at nagpatuloy sa kanya.

“Sana naman bukas ay maayos na ang panahon,” aniya sa sarili.

Malalim na ang gabi ay hindi pa rin humuhupa ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Bagkus mas lalo pa itong lumakas at nagngangalit. Nagagalit ang kulog at kidlat sa kalangitan.

“Kung bakit kasi naisipan ko pang makipagkita sa chatmate kong si Trina. Ang yabang ko kasi!” Paninisi na ni Rocco sa sarili.

Nakahinga na rin nang maluwag si Rocco. At least, may natuluyan siya kaysa naman matulog siya sa labas. Ang nakaiinis lang ay hindi naman nakipagkita sa kanya ang ka-chat na si Trina. Nahiga na rin siya sa katreng sinapinan lamang ng kutson na may kalambutan na rin.

Ilang saglit pa, nakatulog na rin ang binatang si Rocco.

Sa sobrang pagod ay hindi na niya inalintana ang paulit-ulit na pagsindi at pagpatay ng ilaw sa kisame.Malakas pa rin kasi ang buhos ng ulan sa labas.

Hindi na rin namalayan ng binatang si Rocco na may nagbukas ng doorknob sa pinto ng silid na tinutuluyan niya. Lumalangitngit iyon na nagdulot din ng konting ingay.

Sanay matulog si Rocco na nakahubad kahit na malamig ang panahon. Nakalakihan na kasi niya iyon. Kaya naman wala siyang kaalam-alam na nakabuyangyang na ang kanyang katawan.

Mula sa bungad ng pintuan ay may mga paang pumasok sa silid na iyon. Patungo ang mga paang iyon sa katreng kinahihigaan niya.

Naalimpungatan si Rocco. Pakiramdam kasi niya ay may taong nakatingin sa kanya. Kaya nagdilat siya ng mga mata. Natigilan siya.

“S-sino ka? P-paano ka nakapasok sa silid na ito?!” Nagtataka niyang sabi sa isang babaeng naka-night gown ng puti at halos aninag ang hubog ng katawan nito.

“Hindi mo na ba ako natatandaan? Ang sabi mo’y hihintayin mo ako rito sa silid na ito.” Anito sa kanya.

“S-sino ka?” Bahagya siyang bumangon, nagtataka.

Hindi na umimik pa sa kanya ang misteryosang dalaga. Sa halip, unti-unti nitong hinubad ang saplot sa katawan sa kanyang harapan. (Itutuloy)