Ang Lalaki sa Kwarto (pt…1)

Author Name: darknight_74 | Source: pinoyliterotica.com

Ang Lalaki sa Kwarto
By: darknight_74
(Kathang-isip lamang po ito ng marumi kong imahinasyon na sana ay magustuhan nyo naman…)

Newly-wed sina Leo at Bhel. Kinailangan nilang umupa ng bahay upang gawin ang napagkasunduan nilang hindi sila makikisuno alinman sa bahay ng kanilang mga magulang. Kaya nga pagkagaling sa kanilang honeymoon sa Tagaytay City ay inilaan nila ang natitira pang mga araw ng kanilang bakasyon sa paghahanap ng malilipatang bahay. Agad naman silang nakakita sa isang lugar sa Valenzuela, na malapit lang din naman sa kani-kanilang trabaho. Medyo liblib na nga lang ang lugar ngunit di rin ito magiging mahirap sa mag-asawa dahil me sarili silang sasakyan.
“Maganda itong bahay na ito,” anang ni Mang Ariel na syang tumatayong tagapamahala ng bahay matapos nitong buksan ang gate at nagpatiuna sa pagpasok. Isang matandang binata si Mang Ariel. Nag-iisa na lang sa buhay at sa kanya ipinagkatiwala ang bahay ng mag-asawang Asuncion na ngayon ay naninirahan na sa America.
“Konting renovation lang ang gagawin dito, magiging maganda na ito,” dagdag nito habang naglalakad patungo sa main door ng bahay. “Dahil kayong dalawa lang ang titira kung sakaling magustuhan nyo ay aalog-alog sigurado kayo dito.”
“Oho,” ani ni Leo na sumunod sa lalaki habang papasok sa kabahayan. Inilinga nito ang paningin sa kabuuan ng bahay. Kasunod naman nya si Bhel na hindi malaman kung maaasiwa sa mga hagod ng tingin ng matandang lalaki sa kanya.
Naka-mini skirt na maong nuon si Bhel. Black sando at sandals na dilaw na nagpatingkad sa kanyang kaseksihan. Hindi sya maputi pero hindi naman kaitiman. Kumbaga, morena ang kanyang kutis na bumagay sa kanyang hugis pusong mukha at malalantik na pilik-mata. 5’3” lamang ang kanyang height ngunit ang pinaka kapansin-pansin sa kanya ay ang kanyang balakang na animo isang libo’t isang laksa ligaya ang ipadarama. Ang kanyang dibdib naman ay katamtaman lamang ngunit proportionate naman sa kanyang katawan na maaari ng ikalipad ng kaisipan ng sinumang lalaking makakadaop-palad nito.
Kanina pa napapansin ni Bhel ang mga hagod ng tingin ng matanda sa kanya. Waring hinuhubaran sya sa mga tingin nito. Di lang nya masabihan ang kanyang asawa dahil sa kagustuhan rin nyang makahanap agad ng malilipatang bahay upang di na nga sila maki silong sa mga magulang. Iwinaksi na lamang nya ang kanyang isip sa matanda at pinagtuunan ang pagmamasid sa napiling lilipatang bahay. Kasunod sya ni Leo sa pagpasok sa kabahayan. Ngunit sa isang iglap ay parang nagtayuan ang kanyang mga balahibo sa katawan dahil sa katahimikan sa loob ng bahay at para bang me naramdaman syang nakamasid sa kanya sa kanilang pagpasok kanina. Bigla syang napahawak sa braso ng kanyang asawang si Leo. Hindi nya alam kung bakit bigla syang kinabahan.
“Leo,” anas nya. “Sandali….”
Nilingon sya ng asawa, at dali-daling humarap sa kanya.
“Bakit mahal?” tanong ni Leo sa asawa.
“Bigla akong kinabahan e,” bulong niyang nakaukol ang tingin kay Mang Ariel na tuloy-tuloy naman patungo sa kusina ng bahay. “Hindi ko magawang pumasok agad. Di ko alam kung bakit,”
“Bakit?” muling tanong ni Leo.
“Ewan ko ba,” aniyang sinapo ang dibdib. “Parang may masama akong vibes sa house na ito, mahal.”
Tumawa ito ng mahina. Saka sya inakbayan. “Kailan pa naging prodigee ni Madam Auring ang maganda kong asawa? Ha? Halika na nga.” Sabi ni Leo habang mahinang humahagikgik.
“Leo!!” anas niyang walang nagawa kundi ang sumama rito. Habang patuloy sila sa pagmamasid sa kabahayan ay lalo namang lumalakas ang pagkaba. Nagsimula na siyang makadama ng takot ngunit nanahimik na lamang sya.
“Ito naman ang inyong magiging kusina,” ang sabi ni Mang Ariel na syang nagpabasag ng katahimikan.
“Malaki ito dahil dito ang paboritong lugar ng babaeng may-ari nitong bahay. Mahilig kasi syang magluto,” dagdag ni Mang Ariel. Napansin nya ang mahigpit na pagkakapit ni Bhel kay Leo na waring takot na takot. “Bakit mrs? Me problema ba?” tanong ni Mang Ariel.
“Ah…wala po manong!” sambit ni Leo. “Medyo naglalambing lang si Bhel.”
Napangiti lamang ang matandang lalaki at nagpatuloy sa paghakbang pabalik naman sa sala.
“Maaari ninyong tingnan ang second floor,” anang matanda nang ipihit ang katawan at tumingin sa kanila. “Tatlo ang kwarto. Isa dito sa ibaba, dalawa sa itaas,” muling dagdag ni Mang Ariel. “Hindi talaga kayo lugi sa presyo ng bahay na ito. Bukod sa maluwag na para sa inyo, ay mababa pa ang paupa.”
Napahigpit pa lalo ang pagkapit ni Bhel sa braso ni Leo ng mapatingin sya sa hagdanan. Wala namang kakaiba roon kaya nakapagtatakang tila nakapagdagdag iyon sa kanya ng kakatwang damdaming hindi niya kayang ipaliwanag.
“O…bakit na naman?” anang ni Leo na hinawakan ang kamay ni Bhel na nakahawak sa braso nito. Hindi ito tiningnan ni Bhel bagkus ay iniukol niya ang mga mata sa tuktok ng hagdanan. Sinundan ito ng tingin ng asawa. “May nakikita ba ang third eye mo sa itaas, mahal?” anas ni Leo habang nakangiti.
Nangunot ang kanyang noo dahil sa birong iyon ni Leo. Hinampas niya ito sa braso at pinanlisikan ng mga mata. Natatawa nitong nilingon si Mang Ariel, na nang lingunin niya ay napansin niyang may agam-agam sa mga mata nito.
“Bakit ho manong?” hindi naiwasang itanong ni Leo sa matanda. “May gusto ba kayong sabihin?”
Nanatiling sa tuktok ng hagdanan ito nakatingin. “A-ano’ng nakikita mo sa itaas, ineng? Totoo bang may third eye ka?”
Napatawa si Leo sa tinuran ng matanda. Dahil sa biro niya kay Bhel, napaniwala niya ang matandang lalaki na may third eye ang kanyang asawa.
“Huwag po kayong matakot, manong,” tawag nito sa atensyon ni Mang Ariel. “Biro ko lang ho iyon. Wala pong third eye ang asawa ko!”
“Huh? W-wala ba?” napangiti si Mang Ariel. “Joke lang ba?”
“Akala ko’y totoong may third-eye itong asawa mo at may nakita sya kakaiba sa hagdanan. Ang totoo’y kung saka-sakaling magustuhan nyo itong bahay ay pangatlo na kayong napatira dito. Yung unang tumira dito ay wala namang nasabi sa bahay. Nagpasalamat pa nga dahil sinuwerte sila buhat nung malipat sila dito. Dangan nga lamang e…kinailangan na rin nilang bumalik sa magulang nung lalaki dahil wala ng mag-aalaga dun sa ina.”
“Yung pangalawa naman tatlong lalaki naman na magkakapatid. Agad-agad ko din namang pinaalis dahil kakaiba nagging itsura ng bahay buhat nung sila na ang nanirahan” dagdag na kwento ni Mang Ariel.
Nagpatuloy sa pag-akyat ng kabahayan ang mag-asawa. Ngayon naman ay sila nauna sa matandang lalaki kung kaya’t sa pag-akyat ni Bhel sa hagdan ay di maiiwasan ng matanda na di masilayan ang kakinisan ng hita at binti ni Bhel. Dagdag pa dito ang pag-angat ng laylayan ng mini-skirt ng babae habang humahakbang sa hagdanan. Ngani-ngani ng silipin ni Mang Ariel ang ilalim ng mini-skirt nito danga’t lamang ay baka mahuli sya ng asawang lalaki.
“Mas malaki ang kwarto sa kaliwa kaysa sa kanan. Ito kasi ang kwarto ng mag-asawang may-ari. At yung nasa kanan naman ay kwarto ng anak nilang lalaki na sinawing-palad,” dagdag impormasyon ni Mang Ariel.
“Maswerte sa mag-asawang Asuncion ang bahay na ito nung una. Kaso’y buhat nung pumanaw ang kanilang nag-iisang anak na lalaki ay kinakitaan na ng katamlayan ang mag-asawa kasabay ng pagbagsak ng kanilang negosyo,”
“Anu po ang ikinamatay nung anak nung may-ari?” curious na tanung ni Bhel.
“Di ko rin alam ang eksaktong pangyayari…basta’t naabutan ko na lang na nakaburol na si Neil sa chapel ng simbahan diyan sa Punturin,” sagot ni Mang Ariel.
Nang buksan ni Mang Ariel ang pintuan sa kanang kwarto ay biglang natulala si Bhel. Wari bang na-hipnotismo itong pumasok sa loob ng kwarto at dumiretso sa kanugnog na palikuran ng kwarto. Ni hindi man lang ito nagpasintabi sa matandang lalaki na nabunggo niya na nasa pinto pa lamang ng kwarto.
“Bhel!!!” paanas na sabi ni Leo. Ngunit parang walang narinig si Bhel. Dumiretso ito sa banyo at nag-lock ng pinto.
Akala naman ni Leo ay naiihi lamang ang kanyang asawa kaya’t sya na ang humingi ng dispensa kay Mang Ariel. “Manong, pagpasensyahan nyo na ho si Bhel. Baka me tawag ng kalikasan kaya nagmadali pumasok ng banyo,” hinging paumahin nito sa matanda.
“Ayos lang yun, iho” pagtanggap ni Mang Ariel sa paumanhin ni Leo.
Lingid sa kanilang kaalaman, wala sa sarili si Bhel ng mga oras na iyon. Pagkapasok sa banyo ay nakatayo lamang ito na nakatalikod sa malaking salamin sa banyo. Nakapikit itong parang natutulog ngunit pabaling-baling ang ulo na para bang nananaginip. Ang mga kamay ay nakadiin sa hugpungan ng dutsa. Ngunit, kapansin-pansin ang paggalaw ng ibabaw ng kanyang damit. Waring may nakapatong na kung ano na patuloy na gumagapang na sa simula ay sa likod lamang ngunit patuloy sa paggapang sa kanyang katawan. Umabot ang parang magnetong ito sa dibdib ni Bhel na natatakpan ng kanyang suot na sando at bra. Kapagkuwa’y, bigla na lamang lumilis paitaas ang kanyang sando na parang may naghuhubad. At ang parang magnetong bagay na nakapatong kanina sa kanya ay wari bang humihimas na ngayon sa loob ng kanyang sando. Panay na rin ang biling at mahinang halinghing ni Bhel na walang kamalay-malay sa nangyayari sa kanya.
“Ohhhhhhhh……..”
….itutuloy